Alma Moreno says co-star Cristine Reyes is professional, not "pasaway"

IMAGE 0


"Bakit mayroon bang intrigang ganoon, na prima donna atpasaway? Hindi naman siya ganoon, hindi lang kasi pala-imik itong si Cristine.Tahimik kasi siya lagi, e. Iyong tipong kapag hindi mo siya kukuwentuhan,tahimik lang siya, hindi lang siya pala-kuwento, e," says Alma Moreno aboutCristine Reyes (inset).



Matapos madawit ang pangalan ni Alma Moreno ukol saalingasngas sa biography book ng King of Comedy na si Dolphy, mayroon na namangbagong intriga kay Ness (nickname ni Alma). May kinalaman ito sa lumabasna balita sa pahayagan na umano'y patuloy pa ang relasyon ng aktres kay GeraldMadrid.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) saaktres-konsehala, ipinahayag niyang wala itong katotohanan. Katunayan ay walasiyang panahon sa love dahil ang pagiging public servant ng Parañaque City angkanyang konsentrasyon.

"Matagal na kaming wala, bago pa ako tumakbong konsehal.Ayaw ng political advisers ko. Isa pa'y dalaga na si Wynwyn [anak niya kay JoeyMarquez] at ayokong sirain siya, lalo't SK Chairman ang aking anak sa Baclaran.

"Kahit annulled na kami ni Joey at si Gerald naman ayhiwalay, kasal pa rin siya kaya ayoko na," esplika ni Ness.

"Noong kami ni Gerald, umamin ako. Bakit ngayong sinabi konghindi na kami, ayaw akong paniwalaan? E nagsasabi nga ako ng totoo.

"Kasama ko sa bahay ang mga anak kong sina Wyn, VJ, at MM.At hindi ako nakikipagkita pa kay Gerald o sa ibang lalaki," naiiling napaliwanag pa niya.

HAPPY AS PUBLIC SERVANT. Ayon pa sa aktres, panahon palamang ng kampanya noon ay dumistansiya na siya kay Gerald. At wala rawsiyang panahon para ma-in love.

"Zero ang love life ko talaga. Work talaga ako ngayon andhappy ako sa ginagawa ko e. Happy ako sa trabaho ko bilang publicservant. Wala akong time talaga para sa love.

"Siyempre yung pagiging councilor ko ngayon ang akingpriority. Ito ngang pag-aartista, kumbaga ay paano-ano lang, e, paminsan-minsanlang naman iyan, e."

Hindi ba niya nami-miss ang pagsasabi ng 14344 (I Love YouVery Much), tulad ng lagi niyang sinasabi noon sa kanyang mga show?

"Wala na sa akin iyon at saka hindi lang iyon yun. Una munaay ganoon ang sinasabi ko, ‘tapos kalaunan ay nadagdagan at naging 143445,‘tapos ay naging 1434452554545555, pero huwag mo na akong tanungin ng meaningnun dahil hindi ko na alam ang ibig sabihin nun, e. Ha-ha-ha-ha!" nakatawangsaad pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDIE MOVIES. Tungkol naman sa pagiging artista niya,abala si Ness sa taping ng Eva Fonda na siya ang orig na gumanapdalawang dekada na ang nakalipas. Natapos na rin niya ang isang indie filmna may titulong Tiltil.

"Si Buboy Tan ang director namin, with Michael de Mesa. Baletungkol ito sa mga nagtitibag ng bato sa may Montalban, Rizal. First timekong gumawa ng indie. Okey naman at mabilis. Drama iyon, drama na mayhalong sexy, pero sila ang nagpa-sexy, ako roon lang sa drama.

"Siyempre retired na tayo sa pagpapa-sexy. Wala na sigurongrole na puwede sa akin na kagaya ng dati."

IF YOU HAVE IT, SHOW IT. Nagka-issue sa mga youngstar na nagpo-pose ng sexy sa magazine, ano ang comment niya rito?

"Kasi, iba naman noong kapanahunan namin, hindi naman kamiagad sumabak sa ganyan. Kumbaga, nandoon iyong timing, unti-unti... pero ibanaman kasi ang trend ngayon kumpara sa panahon namin noon. Pero kung maykatawan ka naman at gusto mo talagang magpakita, bakit hindi?

"Pero kung naka-two piece lang naman sila, siguro naman aywalang masama sa ganoon, hindi ba? Sexy pa rin iyon pero hindi malaswa.Iyon lang kasi ang nakikita ko sa cover at hindi naman ako nagbabasa ng mgamen's magazine, e," aniya pa.

YOUNG STARS WITH "K." Hiningan din siya ng PEP kungsino sa mga young star ang talagang may "K" na mag-pose sa men's magazines.

"Sabi ko nga, hindi ko naman masyadong nakikita yung mgamagazine na iyan. Pero para sa akin, siyempre isa na riyan si Cristine [Reyes].Eva Fonda iyan e! Ha-ha-ha-ha! Marami pang sexy na young stars,pero hindi ko kasi sila nakikita lahat, e.

"Si Cristine masasabi ko isa na roon, dahil siya ay nakikitako nang malapitan, puwedeng-puwede siya. Bukod sa sexy talaga, ang puti-putinitong si Cristine. Grabe siya, flawless talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CRISTINE IS NOT "PASAWAY." Dahil issue rin na pasawaysi Cristine sa set ng Eva Fonda, tinanong na rin ito ng PEP kay Ness.

"Wala, maaga siyang dumarating sa set. Nagkikita kami ritoat pagdating sa eksena, alam niya ang gagawin niya. Preparado siya satrabaho niya at kahit minsan ay hindi naging pasaway. Kung minsan, kahitpagod siya, pero talagang naka-focus siya sa trabaho.

"Nagkakatabi nga kami, nakikita ko na natutulogsiya. Kaya sabi ko, parang nakikita ko ang sarili ko noong araw dito kayCristine. Iyong kahit pagod na pagod na, nagtatrabaho pa rin nang todo.

"Bakit mayroon bang intrigang ganoon, na primadonna atpasaway? Hindi naman siya ganoon, hindi lang kasi pala-imik itong siCristine. Tahimik kasi siya lagi, e. Iyong tipong kapag hindi mo siyakukuwentuhan, tahimik lang siya, hindi lang siya pala-kuwento, e," mahabangtugon pa ni Ness .

BOLD STAR THEN VS. SEXY STARS NOW. Ano ba angkaibahan ngayon ng mga sexy star kumpara sa era nila noon?

"Ano nga ba?" nag-pause muna siya sabaybuntunghininga. "Iyong naka-two piece lang ako, bold na iyon. Kauntingsilip lang ng cleavage, bold na iyon. Sumayaw ako sa entablado nanaka-bikini, bold na iyon. Sa Eva Fonda iyon. ‘Tapos iyong umakyatako sa puno na sinisilipan ako na naka-pantylet pa, bold na iyon."

Idinagdag pa ni Ness na memorable sa kanya ang naturangpelikula. "Oo, iyon ang unang-unang movie ko talaga na sa akin, e, iyong Eva...,then, Ligaw na Bulaklak... dito sa dalawang pelikulang ito ako balenakilala nang husto, e."

Sa tingin kaya niya ay ganyan din ang mangyayari kayCristine sa remake ng Eva Fonda?

"Oo naman. E, hindi pa nga siya Eva Fonda aykilala na siya, e. What more, kapag palabas na itong Eva Fonda?Tiyak na maraming barako ang magpapantasya kay Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And noon pa iyan, sinasabi ko na may ‘K' talaga si Cristinebilang Eva Fomda. Bukod kasi sa maganda siya, bagay sa kanyangmaging Eva Fonda," pagtatapos na ni Alma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN