UPDATED: Pauleen Luna's mom explains why the young star fled from TV reporter Lhar Santiago

IMAGE 0


"Before kasing umalis ng bansa si Pauleen ay sinabihan siyang daddy niya na huwag nang magpapa-interview. Ayaw na kasi ni Daddy na mapag-usapan pa yung tungkolsa hiwalayan nina Pau at Win [Valenzuela mayor Sherwin Gatchalian]. Masunurinnamang anak si Pauleen kaya hindi siya nagpa-interview kay Tito Lhar," explainsMommy Chat Luna about Pauleen's running away when Lhar Santiago tried to interview her.



Dahil nasa ibang bansa pa hanggang ngayon ang young star na si Pauleen Luna angmommy na lang nito na si Mrs. Chat Luna ang tinawagan ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kanina, para kuhanan ng reaksyon tungkol sakontrobersyang kinasasangkutan ngayon ni Pauleen.

Galit kasi ngayon kay Pauleen ang showbiz TV and print reporter na si LharSantiago. Nung gawin kasi sa Amerika ang noontime show na Eat Bulaga!, isinama rinng TAPE (Television And Productions Exponents, ang producer ng show) si Lharpara sa coverage ng show. Habang naroon ay sinubukan ni Lhar na kapanayamin siPauleen. Pero hindi raw pinagbigyan ni Pauleen si Lhar at bagkus ay tinakbuhan daw ngdalaga ang beteranong showbiz reporter. Nagdamdam tuloy kay Pauleen itong siLhar.

Sa morning show na Unang Hirit kung saan aynagho-host si Lhar (sa "Showbiz Banner" portion ng show), ikinuwento nito angdiumano'y pangit na naging experience niya sa dalaga na nagkataon naman, ayonkay Mommy Chat, ay napanood ng kanyang mister at ng kanyang in-laws.

"Hindi ko napanood yung Unang Hirit. Si Daddy at mga in-laws ko ang
nakapanood," panimula ni Mommy Chat sa kabilang linya. "Totoong tumakbo si Pauleen nung gusto siyang interbyuhin ni Tito Lhar. Pero nakiusap naman siya na ayaw niya nang magpa-interview bago siya tumakbo.

"Before kasing umalis ng bansa si Pauleen ay sinabihan siyang daddy niya na huwag nang magpapa-interview. Ayaw na kasi ni Daddy na mapag-usapan pa yung tungkolsa hiwalayan nina Pau at Win [Valenzuela mayor Sherwin Gatchalian]. May mganang-iintriga kasi kay Pauleen, na gumigimik lang siya, na hindi naman dawtotoo na hiwalay na sila ni Win. Para lang daw mapag-usapan siya.

"Masunurin namang anak si Pauleen kaya hindi siya nagpa-interview kay Tito Lhar. Pero si Tito Joey [de Leon], totoong na-interview siya. Pumayag si Paudahil kasamahan niya sa Eat Bulaga!. After nung interview sa kanya niTito Joey, tinawagan niya si Daddy para sabihin na na-interview siya ni TitoJoey. Sabi naman ng mister ko, last na yun at kahit kanino ay huwag na siyangmagpa-interview. Kaya nang iinterbyuhin na siya ni Tito Lhar ay nakiusap ngasiya na huwag na lang. Ang akala ni Pauleen ay maiintindihan siya ni Tito Lhar dahil kaibigan naman namin siya," eksplenasyon pa ni Mommy Chat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May hinanakit o tampo na rin ba si Mommy Chat kay Lhar dahil sa isiniwalat nito sa Unang Hirit?

"Wala kaming tampo o anumang galit sa kanya. Kaibigan naman namin siya at ina-appreciate ko naman ang lahat ng nagawa niya o naitulong sa career niPau,"sagot ni Mommy Chat.

Naniniwala si Mommy Chat na magkakaayos din si Lhar at si Pauleen.

"Alam ko namang mahal ni Pau si Tito Lhar kaya siguradong gagawa siya ngway para makausap ang Tito Lhar niya. Alam ko naman na magkakaayos dinsila."

Tungkol naman sa sinasabing gimik lang ni Pauleen ang pakikipaghiwalay kay Winay ito lang ang masasabi ni Mommy Chat.

"Kahit kelan ay hindi gumawa ng gimik si Pau mapag-usapan lang. Hindi
siya gimikera. Nung na-interview siya sa nangyaring breakup nila ni Win ay
talagang break na sila at hindi yun gimmick lang na gaya ng sinasabi ng mga
detractors niya."

LHAR SPEAKS. Samantala, kinuha naman ng PEP ang side ni Lhar Santiago tungkol sa isyung ito.

Sinabi ng beteranong showbiz reporter na wala naman daw siyang itinanong na tungkol sa paghihiwalay nina Pauleen at Sherwin nung in-approach niya ito for an interview.

"Sinabihan na rin naman ako noon na wala na dapat questions about Sherwin. Ang sabi ko lang, 'Pao, a couple of questions lang,' 'tapos ang sabi niya, 'Ay, no more questions about Sherwin,' 'tapos tumakbo na," kuwento ni Lhar.

Hindi naman daw tungkol kay Sherwin ang itatanong ni Lhar kundi ang tungkol sa success ng Eat Bulaga! sa L.A. Nainterbyu na raw kasi niya sina Anjo at iba pang dabarkads ng show at kasama sana si Pauleen sa interview niya na lumabas na nung Friday sa Unang Hirit.

"Ako naman, ang tagal ko rin namang reporter. Sina Ate Vi [Vilma Santos] nga at iba pang malalaking artista, hindi ako ginaganun. I mean, madali lang naman ako pagpaliwanagan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpaliwanag naman daw sa kanya si Pauleen afterwards, through text.

Nakiusap si Lhar na sana raw ay huwag nang gawing malaking isyu ito. After all, pareho naman daw silang Kapuso. Mahal din naman daw niya si Pauleen, when we told him na sinabi ng dalaga na mahal nito si Lhar at tinatanaw na malaking utang na loob din nina Pauleen at Mommy Chat ang malaking naitulong ni Lhar sa career ng young star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN