Pauleen Luna explains why she ran away from Lhar Santiago

Aug 1, 2008
"Tito Lhar was there sa dressing room namin. Sabi niya, ‘Pau, intrebyuhin kita!" Sabi ko, ‘Pasensiya na po, Tito Lhar, kasi hindi ko pa po kayang magsalita tungkol sa breakup namin ni Sherwin.' Sabi niya, ‘Sige na!' Sabi ko, ‘Sorry po!' ‘Tapos tumakbo ako na nakabungisngis. Hindi ko naman alam na mao-offend ko siya in that way," explains Pauleen Luna.

Nauna nang nagpaliwanag sa PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mrs. Chat Luna, ang mommy ng young star na si Pauleen Luna tungkol sa diumano'y pang-iisnab ni Pauleen sa veteran showbiz reporter na si Lhar Santiago. Nangyari ang insidente sa L.A. show ng Eat Bulaga! a couple of weeks ago, kunsaan isa si Pauleen sa mga co-hosts ng show.

Kahapon, July 31, pagkatapos ng Eat Bulaga! ay nagkaroon na ng chance ang PEP na makausap ang dalaga tungkol sa isyu sa kanila ni Lhar.

PAULEEN EXPLAINS. "Utos kasi ng dad ko na huwag na muna akong magpapa-inteview tungkol kay Sherwin [Gatchalian, Pauleen's ex-boyfriend]. And also ayoko rin na may ma-offend na ibang tao, especially sa party ni Sherwin, and sa party ko, sa family.

"Tito Lhar was there sa dressing room namin. Sabi niya, ‘Pau, intrebyuhin kita!" Sabi ko, ‘Pasensiya na po, Tito Lhar, kasi hindi ko pa po kayang magsalita tungkol sa breakup namin ni Sherwin.' Sabi niya, ‘Sige na!' Sabi ko, ‘Sorry po!' ‘Tapos tumakbo ako na nakabungisngis. Hindi ko naman alam na mao-offend ko siya in that way.

Continue reading below ↓

"Kasi si Tito Lhar naman ever since, alam naman niyang sobrang mahal ko siya. Kasi kahit anong interview niya noon sa akin, inoohan ko. It's just that this time it's quite personal. And wala pa talaga akong sinasabihan. Except yung one time na na-impromptu ako ni Tito Joey [de Leon]. Siyempre si Tito Joey is like my father, hindi ko talaga matatanggihan.

Pero paliwanag naman ni Lhar ay hindi ang tungkol sa breakup nila ni Sherwin ang tatanungin nito sa kanya.

"Siguro ano, natakot lang ako na may masabi akong hindi pa dapat. Kasi naniniwala ako na when you're not emotionally stable kung anu-ano minsan ang nasasabi mo. E, hindi pa nga ako ready, so, hindi ko pa kayang magsalita."

MISUNDERSTANDING. Dahil sa insidenteng yun ay nagsalita si Lhar sa morning show na Unang Hirit kung saan may segment ito. Ikinuwento nito ang naging pangit na karanasan niya kay Pauleen.

Continue reading below ↓

Sa interbyu nga ni Lhar sa PEP, sinabi nitong ayaw na sana nitong lumaki pa ang isyu sa kanila ni Pauleen dahil pareho silang Kapuso. Nasaktan lang daw talaga ito sa ginawi ni Pauleen na pagtakbo at pag-iwan sa kanya nung iinterbyuhin na nito ang dalaga. Dagdag pa nito, hindi pa raw siya nakaranas ng ganoong gawi kahit na sa mas malalaki pang artista kesa kay Pauleen.

"Napanood ng dad ko at ng mga kamag-anak namin ang sinabi ni Tito Lhar tungkol sa akin. So, nang malaman ko na na-offend ko siya, that same day na nagsalita siya sa Unang Hirit I texted him agad. Sabi ko, ‘Pasensiya na po. I didn't mean to offend you.' Pero hindi naman siya nag-reply. Okey lang, mahal ko pa rin naman siya. Siguro ano lang, nagkaroon ng misunderstanding."

AFTER THE BREAKUP. Kamusta na ba siya after the breakup? Bakit may mga nagsasabi na kahit nasa ibang bansa na siya ay halata pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata? Apektado pa rin daw ba siya ng breakup nila ni Sherwin?

Continue reading below ↓

"Sinungaling ang nagsabi nun. Kahit itanong ninyo pa sa mga nakasama ko, ako nga ang pinakamasaya. Kasi first time kong nag-States, first time kong nag-Universal [Studios]. First time kong nag-Disneyland. Ang saya-saya ko talaga!"

Bakit noong naghiwalay sila ni Marvin Agustin ay nagawa niyang magsalita at sabihin ang naging ugat ng hiwalayan nila? Bakit yung sa kanila ni Sherwin ay tipid siyang magsalita?

"Kasi nga yung family ni Sherwin, nirerespeto ko nang sobra. Saka super mahal ko pa sila. And I don't want to hear something from them na hindi ko gusto.

"Alam ninyo naman ang tsismis, dagdag-bawas. So ayoko na munang magsalita. I don't wanna say anything first unless I'm really ready na alam ko na yung sasabihin ko na maayos na lahat."

Read Next
Read More Stories About
Pauleen Luna, Lhar Santiago
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Tito Lhar was there sa dressing room namin. Sabi niya, ‘Pau, intrebyuhin kita!" Sabi ko, ‘Pasensiya na po, Tito Lhar, kasi hindi ko pa po kayang magsalita tungkol sa breakup namin ni Sherwin.' Sabi niya, ‘Sige na!' Sabi ko, ‘Sorry po!' ‘Tapos tumakbo ako na nakabungisngis. Hindi ko naman alam na mao-offend ko siya in that way," explains Pauleen Luna.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results