Marian Rivera's birthday wish is to see her father again

IMAGE 0


"Five years ko na ngang hindi nakikita si Daddy, pero nagkakausap namankami. Pero iba pa rin yung katabi mo siya at kayakap mo ang daddy mo, di ba?Lalo na't daddy's girl pa ako kasi wala akong kapatid, e," says Marian Rivera about her father, restaurateur Francisco Javier Alonzo Gracia (inset, with the two-year-old Marian).



Marian Rivera will turn 24 on August 12 and simple lang anggusto niyang selebrasyon. Mas gusto raw niyang mag-celebrate kasama ang kanyangpamilya sa Cavite, pati na ang mga malalapit niyang mga kaibigan in and out ofshowbiz.

Hindi raw kasi sanay si Marian na nagkakaroon ng malakingparty. Tama na raw yung may cake at ilang putahe na magugustuhan niya at ngkanyang mga bisita.

"Hanggang ngayon naman, gano'n pa rin ako. Hindi ako yungmahilig sa big parties. Naguguluhan ako kapag gano'n. Gusto ko ngamag-celebrate ako ng birthday ko na naka-shirt at jeans lang. Kasi gano'ntalaga ako at hindi ako sanay mag-dress.

"Pero dahil nagbigay ng magandangcelebration ang SOP sa amin ni Dingdong [Dantes, her screen partner], nag-abalatalaga ako sa pananamit. Pero noon, hindi mo ako mapagbebestida. Ayos na saakin ang naka-maong jeans lang ako," lahad ni Marian sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) nang makusap namin siya pagkatapos ng double celebration nila ni Dingdong Dantes sa SOP last Sunday, August 3.

HOT ENDORSER. Kung tutuusin ay kaya ni Marian na magbigay ng bonggangbirthday party dahil sa sunud-sunod na endorsements niya. Umabot na nga sa 20 angendorsements ngayon ni Marian. Ilagay na lang sa P1 million ang bayad kayMarian kada produkto, tumatanginting na P20 million ang kinita ng Dyesebel starmula sa endorsements niya.

"Tama lang naman ang bayad sa akin," nakangiting sabi niMarian. "Natutuwa ako kasi nandoon yung tiwala ng mga taong ito sa akin. Perohindi naman kami basta tumatanggap ng manager ko [Popoy Caritativo] nangbasta-basta. Gusto namin ay yung produkto na abot-kaya rin ng masa. Kung anoang gamit ko, magagamit din ng marami, lalo na ng mga sumusuporta sa mga showsnamin."

Mukhang may pang-21st endorsement na si Marian atfood product daw ito. Pero hindi pa niya puwedeng banggitin kung ano ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Under negotiation pa ang lahat, pero mukhang okay naman.Kasi food product na lang wala ako, di ba? Meron na akong shampoo, sabon,toothpaste, skin clinic, damit, health drink, sunglasses, jeans, telephonecompany, at iba pa, pero wala pang food product. Kaya abangan na lang nila‘yon."

"SIMPLENG TAO." Kung ilarawan ni Marian ang kanyang sarili ay simpleng taopa rin. Kahit na nga siya na ang isa sa pinakasikat at pinaka-sexy na aktresngayon sa TV at pelikula, wala raw nababago sa kanya.

"As much as possible nga, gusto ko ay simple lang. Kasisimpleng tao pa rin ako hanggang ngayon. Kahit na sabihin nilang iba na angestado ko sa buhay, still, I consider myself as a simple person with simpleneeds. Kung ano ang mga dumarating ay kino-consider ko na regalo sa akin ngDiyos."

Ikinuwento nga ni Marian na noong bata pa raw siya aymadasalin na talaga siya. Kaya raw siguro Marian ang ipinangalan sa kanya dahillumaki siya na marunong magdasal at magpasalamat sa Diyos.

"Nasa pangalan ko nga raw ang maging malapit sa Diyos. Hindiba Marian means Mary, ‘tapos ang family name ko ay Gracia which means grace.'Tsaka nakalakhan ko na talaga ang nagdadasal parati lalo na noong nag-aaralako. Buong family ko naman kasi talagang malapit sa Diyos. Yun ang natutunan koever since, na kapag may blessing o kahit na wala, dapat ay parati tayongnagpapasalamat sa Diyos. Naniniwala kasi ako sa power of prayers," lahad niMarian.

WISH LIST. May wish list ding ginawa si Marian para sa mga gusto niyangmangyari sa buhay niya. Tuwing matutupad ang isang wish na nakalista ay nilalagyan niya ito ng check.

"Nag-aaral pa lang ako sa college noong gawin ko ang wishlist ko na ‘yon. Lahat ng gusto kong ma-achieve, nilista ko at ang haba nglistahan ko. Pero unti-unti na ngang nababawasan kasi natutupad na yung iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya natutuwa nga ako kapag may nangyayari sa akin atkasama sa wish list ko, lalagyan ko ng check sa tabi kasi nga natupad na ito.Marami-rami pa naman ang wish list ko at, hopefully, matupad lahat. Yung ibakasi, personal na mga wishes ko na."

Kasama ba sa wish list niya ang pakikipagrelasyon atpagkakaroon ng asawa?

"Siyempre, meron dun," sagot niya. "Hindi puwedeng mawalaang mga ‘yon sa listahan. Pero feeling ko, matagal pang mangyayari ang mga‘yan. Yung mga personal wishes ko, hindi pa masyadong natutupad lahat. Mostlymga para sa career ko at sa family ko ang nauuna.

"Hindi naman ako nagmamadali na mag-asawa, e. Hindi pa ‘yanpumapasok sa mga plano ko. Marami pa akong gustong gawin at matupad. Pero it'snice to know na may pansarili kang kaligayahan, di ba? Pero kung ano manmangyari sa personal kong buhay na ‘yan, sa akin na lang ‘yon para mas specialang dating," ngiti ni Marian.

BIRTHDAY WISH. Kung may birthday wish si Marian na gustong matupad, iyon ayang makita niya ang kanyang ama na limang taon na niyang hindi nakakasama, si Francisco Javier Alonzo Gracia.Matagal nang hiwalay ang mga magulang ni Marian at nandito sa Pilipinas angkanyang ina samantalang sa Spain nakatira ang kanyang ama, na isang pure Spanish.

"Siyempre, miss na miss ko na si Daddy," pag-amin ni Marian."Kaya nga kapag mapagbigyan ako ng mahaba-habang bakasyon, pupunta ako sa Spainpara bisitahin si Daddy, pati na ang ibang kamag-anak namin doon.

"Dito kasi ako sa Pilipinas nagtapos ng college at noongmag-graduate ako, nagtuluy-tuloy na akong mag-work hanggang sa maging artistaako. Five years ko na ngang hindi nakikita si Daddy, pero nagkakausap namankami. Pero iba pa rin yung katabi mo siya at kayakap mo ang daddy mo, di ba?Lalo na't daddy's girl pa ako kasi wala akong kapatid, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FREE BIRTHDAY CONCERT. Sa August 27 ay may free birthday concert si Marian kasamasi Dingdong sa Araneta Coliseum. Ito ang regalo nila sa kanilang fans nawalang sawang sumusuporta sa kanilang team-up.

"First time ko itong gagawin at sa Big Dome pa," sabi niMarian. "Hindi ko pa nga alam ang gagawin ko, pero may dance number ako atkakanta rin ako. May mga guest naman kami ni Dong kaya mag-e-enjoy silanglahat. Plus, free pa ang entrance, kaya kahit sino ay puwedeng makapasok atmakisaya sa amin ni Dong."

Paano kung sa gabi ng kanyang birthday concert ay biglangdumating ang kanyang ama para sorpresahin siya? Ano ang una niyang gagawin?

"Grabe, wala akong magagawa!" tawa ni Marian. "As in iiyakna lang siguro ako doon sa sobrang tuwa. At siyempre, yayakapin ko ang daddynang sobrang higpit dahil matagal na kaming hindi nagkita.

"Gusto ko kasing maging proud si Daddy sa mga na-achieve kosa buhay. Isa nga ‘yan sa mga nasa wish list ko, e. Alam ko naman nanakakarating sa kanya ang mga nangyayari sa akin. Kung matupad man ang wish kona ‘yan, ito na siguro ang magiging pinakamasayang birthday ko," pagtatapos niMarian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN