Maui Taylor opens up about two-year relationship with non-showbiz boyfriend

IMAGE 0


"Okay siya sa mommy ko. Naging open ako sa kanya sanature ng trabaho ko, wala rin akong inilihim tungkol sa sarili ko, alam niyaang lahat. Kahit ‘yong sa amin ni Bryan [Revilla, Maui's ex-boyfriend] noon,sinabi ko sa kanya at naintindihan niya ako. Mabait siya and veryunderstanding," says Maui Taylor about her boyfriend, Kent Lim.



Kasama ang sexyactress na si Maui Taylor sa bagong pelikula ng Viva Films, ang Torotot naidinirek ni Maryo J. de los Reyes. Bagamat nagkaroon na ng press preview angTorotot, hindi pina-attend ang mga bida ng pelikula na kinabibilangan din ninaYul Servo, Baron Geisler, Anton Bernardo, Andrew Schimmer, at introducing Precious Adona.

Ayon kay Maui, saspecial screening ng Torotot sa UP Film Institute sa August 9 pa lang niya mapapanoodang kabuuan ng pelikula.

"Ang mga napanood ko pa lang, ‘yong mga parts which I dubbed. Maganda po naman ang natatanggap namingreview and happy ako nang malaman kong isasali pala ito sa BrusselsInternational Independent Film Festival [BIIFF]. Ang sarap sanang sumama, pero sinaDirek Maryo at Yul lang ang invited. Si Yul daw po kasi, dalawang movies angcompeting for the festival, ito and Brutus. Sana po ay manalo ang movienamin," asam ni Maui nang makausap siya ng PEP sa presscon ng Torotot noong Lunes, August 4, sa Jay J's Steak House along Timog Avenue, Quezon City.

May nagsabing marami raw pinutol sa mga sexy scenes ni Mauisa Torotot para mabigyan ang movie ng R-13 classification. Totoo ba ito?

"Hindi naman daw po," sagot niya. "Sabi ng Viva, haloswala namang naputol, kaya po talagang R-13 ang classification nito at puwedengipalabas sa SM Cinemas. Kung hindi raw po binigyan ng ganoong classification,magrereklamo talaga si Direk Maryo."

May isa pang intriga, na support lang daw siya sa movie niPrecious. Ano ang masasabi ni Maui rito?

"No, hindi naman po totoo ‘yon, kasi equal lang angrole namin ni Precious. ‘Tulad din po ito noong movie ko noon sa Viva Filmswith Rica Peralejo [Hibla] and Katya Santos [Sex Drive]. Equal po ang bawat character na ginampanannamin."

Kumusta naman sila ni Baron, na humalik sa kanya nangdumating sa presscon. May sakitan nga bang nangyari sa kanila during theshooting?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay po kami, nothing negative," sabi ni Maui."Wala naman po talagang sakitan. Yung lang sa eksena kung minsan, nanggigigil siya na hawak ang mga brasoko, medyo napapahigpit ang hawak niya. Doon lang medyo ako nasaktan. Peroacting lang po ‘yon, hindi personal."

After Torotot, may next project na ba Maui?

"Actually, natapos ko na po ‘yong Teach Me To Love,isang sexy drama with Tonton Gutierrez, Jackie Aquino, and directed by EddieRomero. Ipinalabas po ito sa Cinemalaya last month. May dalawa pong script naibinigay sa akin para basahin, ang Saplot at Aurora B. Kindi ko pa lang taposbasahin para i-decide kung alin doon ang gagawin ko."

Idinagdag ni Maui na nag-guest din siya sa bagong show sa TV5 (dating ABC-5), ang Midnight DJ, horror-suspense show ito hosted by PaoloContis and Desiree del Valle. Magpa-pilot na ito sa Monday, August 11.

STILL WITH KENT. Kumusta naman ang love life niya? Sila pa rin ba ng sinasabiniyang non-showbiz boyfriend niya?

"Yes po, kami pa rin ni Kent," pagkumpirma niya."Almost two years na rin kami. He's an architect, older than me, he is 31."

Ibinigay naman ni Maui ang surname ni Kent na Lim. Alam bani Kent ang tungkol sa mga pelikulang ginagawa niya, particularly ang Torotot?

"Opo, gusto nga niyang panoorin. Baka isama ko po siyasa Saturday kung hindi siya busy. May trailer po ako sa cell phone ko at nakitana niya at okey sa kanya ang napanood niya."

Paano sila nagkakilala ni Kent?

"Nang una ko siyang makilala, ayaw po namin sa isa'tisa. Ayaw niya sa akin kasi raw artista ako, ayoko naman sa kanya dahil angdating niya sa akin, dahil mayaman siya, mayabang siyang kumilos. May mgacommon friends kami at minsan, tumawag ‘yong friend namin. Sabi niya, kunggusto ko raw makipag-date kay Kent, ready na siyang maging friends kami. Thefollowing day, nagulat ako nang tumawag siya at doon na nagsimula ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay siya sa mommy ko. Naging open ako sa kanya sanature ng trabaho ko, wala rin akong inilihim tungkol sa sarili ko, alam niyaang lahat. Kahit ‘yong sa amin ni Bryan [Revilla, Maui's ex-boyfriend] noon,sinabi ko sa kanya at naintindihan niya ako. Mabait siya and veryunderstanding," kuwento ni Maui.

Wala pa bang offer of marriage?

"Actually, minsan tinanong niya ako ng ‘When do youwant to get married?' Sabi ko, ‘I'm not yet ready.' Pero mararamdaman ko rin‘yon kung gusto ko na at sasabihin ko agad sa kanya," nakangiting sabi niMaui.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN