QC RTC issues warrant of arrest for David Bunevacz on three cases of estafa

IMAGE 0


The former partners of David Bunevacz (in photo, with wife Jessica Rodriguez) at Beverly Hills 6750 Cosmetic Surgery and Skin Care ClinicInc. claim that he owes them up to P850,000.



Naglabas na ngwarrant of arrest kaugnay ng mga kasong kinakaharap ng businessman na si David Bunevacz sa Quezon City Regional Trial Court. Tatlongkaso ng estafa ang isinampa sa kanya sa sala ni Judge Marie Christine Jacob ngQC RTC.

Nag-ugat ang mgakaso sa diumano'y pagbubulsa ni Bunevacz ng salaping para sa kumpanyangkanyang pinamamahalaan, ang Beverly Hills Cosmetic Surgery and Skin Care ClinicInc.

Ayon sa report ngtabloid na Bandera, sinabi ng executive ng kumpanya na si Tyrone Ong, aabot saP850,000 ang itinakbo ni Bunevacz. Ilang beses din daw nanghingi ng advance siDavid para sa gastusin ng kumpanya.

Nagsagawa ng auditang kumpanya nang mapansin ni Ong at ilan pang opisyal ang maluho diumanongpamumuhay ni David. Hanggang sa nadiskubre na nila na ilang tseke angpinirmahan ng akusado na hindi sakop ng gastusin para sa kumpanya. Kabilang angilang tseke para pambili ng sasakyang BMW XS.

Itinanggi naman niDavid ang alegasyon sa kanyang counter-affidavit at sinabing ang akusasyon ngibang opisyal ng kumpanya ay ganti sa kasong isinampa niya laban sa kanila.

Samantala, inirekomenda ni Judge Jacob ang bail na P120,000 para kay Bunevacz.

Sa kasalukuyan ay nasa Los Angeles si Davidkasama ang asawang si Jessica Rodriguez at ang kanilang mga anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN