Two press groups condemn Joey de Leon's joke in "Eat Bulaga"

IMAGE 0


TV host-comedian Joey de Leon is in hot water again as two press groups protest his joke on Eat Bulaga: "Ang lola ko pumapatay ng mga press people."



Umalma ang dalawang grupo ng mga mamamahayagsa ginawang pagpapatawa ng komedyante at TV host na si Joey de Leon sa noontimeshow na Eat Bulaga! noong Miyerkules, August 5.

Labis daw na nainsulto ang National PressClub (NPC) at Alyansa ng mga Filipinong Mamamahayag (Afima) sa binitiwang pahayag ni Joey sa "Ang Joke Mo" segment ng Eat Bulaga.

Nagbibiruan sina Joey at mga iba pang hostsng show na sina Vic Sotto at Jimmy Santos nang sabihin diumano ni Joey ang ganito:"Wala ‘yan sa lola ko. Ang lola ko pumapatay ng mga press people."

Sinabi ng NPC at Afima sa isyu ng tabloid naBandera ngayong araw, Agosto 8, na "insensitive" ang ginawang patawa ni Joey sakanilang segment sa Eat Bulaga!

Ayon sa ulat ng Bandera, ang mga katagangbinitawan ni Joey ay "masyadong masakit" para sa hanay ng mga mamamahayag naunti-unti nang nababawasan dahil sa mga walang habas na pagpatay sa mgaito.

"Hindi kinatutuwaan ang bagay na ito," sabipa ng NPC.

Sabi naman ng Afima President na si JerryYap, nakahanda silang magsampa ng protesta sa Movie and Television Review andClassification Board upang kondenahin ang biro ng komedyante at maging aral dawito sa iba pang personalidad.

Hiniling din ng Afima na dapat humingi ng"public apology" si Joey sa lahat ng mamamahayag sa bansa at maging sa mgakasamahan nito sa movie industry.

Posibleng nag-ugat ang birong ito ni Joey saalitan nila ng entertainment editor ng Balita na si Dindo Balares mataposisulat ng editor sa kanyang kolum na "flop" ang show ng Eat Bulaga! sa LosAngeles. Dahil dito ay nag-resign si Joey bilang kolumnista sa sisterpublication ng Balita, ang Manila Bulletin.

Nagpahayag din ng kanyang saloobin si Joeylaban sa kolumnista at hinamon itong sabihin kung sino ang tinukoy niyang GMA-7executive na nagkumpirma sa kanya na flop nga ang show ng Eat Bulaga! sa L.A.Kapag nagawa raw ito ng entertainment editor ay bibigyan niya ito ng tiketpapuntang Amerika, hotel accommodation, at pocket money na nagkakahalaga ng$5,000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito ay nagbanta rin si Joey namagre-resign sa lahat ng programa niya sa GMA-7 kapag naimbitahan sa alinmangpresscon ng Kapuso network ang naturang kolumnista.

Sa kasalukuyan ay sinusubukan pa rin ng PEP(Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon ni Joey tungkol sapahayag ng NPC at Afima ngunit hindi pa sumasagot ang kanyang kampo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN