FIRST READ ON PEP: Sunshine Dizon returns to work after three-month break

IMAGE 0


"Ang tanda-tanda nanatin sa business na ito, memorize na natin ‘yan. Kung hindi ka nabuntis,nagpa-rehab ka, addict ka. Kung hindi naman, nagpalaglag. Wala ka nang magagawa, tanggapin na lang natin," says Sunshine Dizon about the rumors that circulated about her three-month break from showbiz.



Malaki na ang ipinayat ng aktres na si Sunshine Dizon nangum-attend siya ng 20th anniversary celebration ng fashion brand na Sabella kagabi,August 8, sa SMX Convention Center sa Mall of Asia. Sa mga hindi nakakaalam, siSunshine ang isa sa mga naging image model noon ng isang brand ng Sabella, angEvolution, at very close rin angpamilya nila sa may-ari nito na si Mr. Ramon Sabella.

"I'm back and excited!" nakangiting sabi ni Sunshine nangkumustahin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa Tuesday (August 12) na raw siya magsisimulangmag-shooting ng bagong movie, ang horror film na Sundo, kung saan makakasamaniya si Robin Padilla.

"Kasama ko doon si Robin, si Katrina Halili, si Rhian Ramos.Hindi ko na alam kung sino pa ang iba," banggit ni Sunshine.

Matagal-tagal din siyang namahinga sa pelikula attelebisyon. Ngayong nagbabalik siya, instead of a soap opera kung saan sanaysiyang mapanood ng mga tao, sa pelikula muna siya unang sasabak. Choice ba niya‘yon?

"Hindi rin," sabi ni Sunshine. "I'd like to believe thatthis is all God's plan. Rest sa TV, at pelikula naman, and I think that's a goodthing. Sa TV, may naka-lineup naman. Kaso lahat naman ngayon, bago pa angsoap, wala pa namang natatapos, so we'll see."

THREE MONTHS. Ano ang mga pinagkaabalahan niya sa almost three months ofabsence niya?

"Nagpapapayat! Nagpapaganda, diet! Nagpupunta ako ng gym,minsan tumatakbo sa village. Minsan kinakain ko lang oatmeal," kuwento niya.

Hindi ba niya na-miss ang showbiz, her usual routine nangpansamantala siyang magpahinga?

"Hindi naman," sagot niya. "I think it was really awell-deserved break. In a way, parang okey rin. Happy rin naman ako nanapahinga naman ako for a while. Actually, I don't know nga why people aremaking it a big issue, e, wala lang naman. Unfortunately, na-hospital ako, Igained weight, so I had to lose the weight bago ako lumabas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa na lang si Sunshine na kahit nga sinabi naman nila,dahil sa pagkakasakit niya at pagkakaospital due to her migraine, ay maynag-isip pa rin na baka nabuntis siya.

"Dyusko naman! May nabubuntis na nga ngayon ng tatlong buwanlang? Ewan ko sa kanila... Hayaan n'yo na yun. Kumbaga, lahat naman ng tao, maymasasabi at masasabi. Hindi mo naman matatanggal yun. At saka kapag hindika pinag-uusapan, hindi ka sikat.

"I mean, that's the truth, di ba? Especially in thisbusiness, matakot ka kung hindi ka na pinag-uusapan. At saka ang tanda-tanda nanatin sa business na ito, memorize na natin ‘yan. Kung hindi ka nabuntis,nagpa-rehab ka, addict ka. Kung hindi naman, nagpalaglag. Wala ka nang magagawa, tanggapin na lang natin," natatawana lang niyang sabi.

SUNSHINE'S HEALTH. Pero kumusta na si Sunshine? Magaling na nga ba siyangtalaga or madalas pa rin ang pagsumpong ng migraine niya?

"Okey na! Actually, in a way, sabi ko nga sa mommy ko[Dorothy Laforteza], baka God really wanted me to get hospitalized because inthe long run, hindi rin naman kasi magiging maganda for my health yung everytime na mina-migraine ako, ini-injection-an ako.

"Umabot na rin kasi sa point na masyado nang matapang ang painkiller na ini-inject sa akin, hindi na nag-e-effect. That's the reason why Ihave to stay at the hospital longer, kasi ginawan nila ako ng cycle. Parangfrom 100 mg. Every day down to 50, 30, hanggang sa no more na," lahad niya.

Ngayon daw, umeepekto na sa kanya kahit tablet na lang anginiinom niya.

"Actually, kaya rin naman ako nasanay magpa-inject dahil dinsa mga taping ko. Hindi puwedeng mag-pack-up. E, kapag nagpapa-inject sahospital, in 30 minutes, magaling ka na. So kumbaga, in a way, baka Godwanted me rin to do something. Kasi nakakatakot if I'll get dependent samedication, maa-addict ka talaga! And it's not good for everyone."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya pa, "I'm glad that I have to go through something likethat. Baka sine-save lang ako ni God kasi hindi rin magiging maganda ang effectsa system ko. At si Mom, nakakahinga na siya kapag sumasakit ang ulo ko, tabletna lang, okey na."

Kahit daw ang mga doctors niya sa hospital ay nagsasabi sakanya, discouraging her from becoming dependent on such medication.

"Nakakatakot talaga. Kasi ang sa akin noon, Demerol, thenafter ng Demerol, what's next? Morphine na? So, it's not really healthy."

NO REGRETS. Once in a while raw ay napapanood din niya ang afternoonseries na Gaano Kadalas ang Minsan, ang soap opera sa GMA-7 na hindi na niyanatuloy gawin at ipinalit sa kanya si Camille Prats. Pero ayon kay Sunshine, wala raw siyangnararamdamang panghihinayang hindi man siya natuloy rito.

"Wala rin panghihinayang. Ako kasi, naniniwala ako na lahatnaman ng nangyayari sa buhay ng tao, lahat ‘yan, may dahilan. Whethernaiintindihan mo or hindi. But eventually nga, things will always turn out thebest for you naman.

"I think, that's what God wants me to go through andnag-break muna ako sa TV and now, I'm going to do naman a movie, so okey lang. Idon't mind, di ba? Masaya," sabi ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN