Gabby Concepcion explains why daughter KC is not part of his debut album

Aug 10, 2008
"Hindi, kasi baka sabihin ginagamit. Hindi naman kung sinu-sino nga si KC, okay. Gusto ko, ako lang muna," replies Gabby Concepcion when asked why he doesn't have a duet with daughter KC Concepcion in his debut album.

Certified singer na si Gabby Concepcion pagkatapos ilabas ang kanyang first self-titled album under Warner Music Corporation. Kasunod ng album ang sunud-sunod na concerts ni Gabby. May show siya sa Zirkoh Timog on August 14 at sa Music Museum on August 15 and 16.

Kinuha raw siya ng Warner Music nang mapanood siya na kumakanta sa ASAP ‘08 at Wowowee. Pero ayon kay Gabby, matagal na raw siyang seryoso sa pagkanta.

"Nung nasa States ako, I was invited to a lot of live shows. Akala ko yung show na yun, mag-e-emcee-emcee lang ako. Buhay pa si Rio Diaz noon. Si Rio, matagal na yun, punta ako sa... Pagbaba ko ng eroplano, may sumalubong sa akin, ‘Gabby Concepcion Live!' Sabi ko, ‘Sino kaya ang magko-concert dito?'

"Sabi ko, hindi naman ako dahil mag-e-emcee lang ako. Sabi nila, ‘Hindi, wala ka nang ibang guest. Ikaw lang.' On the spot, pinakanta ako. Sabi ko, teka muna. Next day na yung show. Yung gabi na ‘yon, kasama ko si Rio, naghanap kami ng mga CD. Naghanap ng kanta muna. ‘Tapos inaral ko yung CD ni Ogie [Alcasid] at ni Rey Valera, yung ‘Nandito Ako,'" lahad ni Gabby.

Continue reading below ↓

Ayon kay Gabby, he felt good after the concert.

"Alam mo yung kaba pala, kapag kinakabahan ka pala, mas gumagaling ka."

Simula raw noon, hindi na siya kinabahan sa pagkanta.

"Pero may nagsabi sa akin na maganda raw na tumira ng isang shot. Maski raw yung mga singers, hindi ko na babanggitin baka sabihin... Anyway, pero totoo. Pampaalis ng kaba, siguro dahil may alcohol content nga."

NO DUET WITH KC. Nagpaliwanag naman si Gabby kung bakit wala silang duet ni KC sa kanyang album.

"Hindi na ako nag-imbita ng kung sinu-sino para makasama sa album ko."

Sinabi namin kay Gabby na hindi naman kung sinu-sino lang si KC.

"Hindi, kasi baka sabihin ginagamit," paglilinaw niya. "Hindi naman kung sinu-sino nga si KC, okay. Gusto ko, ako lang muna. Ang Warner lang naman ang kumontak sa akin. Ngayon, kung ang Warner ang kumontak sa kanya at sa iba pa, wala na akong magagawa. Pero wala akong kasama sa CD, ako lang. Ayaw ko rin namang mag-imbita ng iba.

Continue reading below ↓

"However, meron akong kanta na ‘Come What May.' ‘Yan ang signature song ko becasue sabi ko, ‘yan alam ko na alam ng marami dahil ‘yan lang ang naka-CD na nakasama sa album ni Sharon [Cuneta, Gabby's ex-wife]. So, sabi ko, maraming may alam niyan, isama na natin."

Ang napili ng Warner na ka-duet ni Gabby para sa "signature song" niya na "Come What May" ay ang recording artist din nila na si Nina.

PREMIERE NIGHT. Nagpasabi na si Gabby na darating siya sa premiere night ng For The First Time, ang unang pelikula ni KC kung saan katambal nito si Richard Gutierrez.

"She invited me so I cannot say no to that. Basta I will do anything she wants me. Alam naman niyang nandito lang ako sa likod niya. Shadow lang ako. Nandito lang ako," saad ni Gabby.

But what if hindi type ni Sharon na makita siya sa premiere night ng first movie ng anak nila na si KC?

Continue reading below ↓

"Alam mo, everybody can go to any movie, shows, concert, watch TV. There is no law that prevents anyone from going there," sabi niya.

Umaasa naman ang ilan na baka sa premiere night pa magkabati sina Gabby at Sharon. Sinabi rin ni KC sa presscon na willing siyang maging tulay para magkaayos ang kanyang mga magulang.

"Well, isa lang ang masasabi ko sa inyo na kung maaari lang sa August 15, puwede ninyong i-anounce ang concert ko sa Music Museum with Ai-Ai delas Alas and Claudine Barretto. Si Ai-Ai na ang bago kong ka-love team. Kung sila ni Erap, may kissing scene, kami ni Ai-Ai may...singing scene!" lahad ni Gabby bilang pag-iwas sa aming katanungan.

Aware ba siya na nanghihipo si Ai-Ai ng mga kasama niya sa stage na nagpe-perform?

"Ah, talaga?" nagulat na sabi ni Gabby.


Ano ang gagawin niya?

"Well, kapag ginawa ni Ai-Ai, e, di okey lang yun. Hintayin ko na lang kung ano ang mangyayari sa entablado. The show must go on, di ba?" sagot ni Gabby.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi, kasi baka sabihin ginagamit. Hindi naman kung sinu-sino nga si KC, okay. Gusto ko, ako lang muna," replies Gabby Concepcion when asked why he doesn't have a duet with daughter KC Concepcion in his debut album.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results