Lotlot de Leon and Ramon Christopher moving on after their annulment

by Rose Garcia
Aug 11, 2008
"If you have children, it's very important that you and your ex-wife have a very good relationship. For your children, puwede kayong maging magkaibigan. Like kami, very good friends kami, wala kaming kaproble-problema," says Ramon Christopher about his relationship now with ex-wife Lotlot de Leon.

Nakuhanan at nakausap ng Showbiz Central ang dating mag-asawa at annulled nang sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher sa birthday party ng kanilang kaibigang dating aktor na si Dranreb Belleza. Pagpapatunay lang daw ito na naka-move on na ngang talaga ang isa't isa sa nangyari sa kanila.

Ayon kay Monching, "If you have children, it's very important that you and your ex-wife have a very good relationship. For your children, puwede kayong maging magkaibigan. Like kami, very good friends kami, wala kaming kaproble-problema."

Kinumpirma rin ni Lotlot ang sinabing yun ni Monching.

"Yeah, we're okay. We have four kids between us. And if there's one thing that we really want to be, that is to be friends. Siyempre, kahit magkahiwalay kaming dalawa, we want our kids to grow up normally. Kumbaga, pamilya pa rin kami kahit hindi kami sa iisang bubong lang nakatira."

Nagagawa na rin daw nilang biruan ang nakaraan nila.

Continue reading below ↓

"Ang lokohan na nga namin kapag ngayon, nagsasabing asawa ko... ‘Ay, excuse me! Never tayong naging mag-asawa, we're never married. Ex-boyfriend lang kita!' Wala lang, lokohan na lang namin yun," natatawa ngang sabi ni Lotlot.

"Wala na, natatawa na lang kami because we know naman where we stand with each other," sabi naman ni Monching.

Nagagawa na rin daw nilang harapin kapag nali-link sila sa iba. Tulad nga ni Lotlot na nali-link sa much younger men like Marco Alcaraz, her co-star in Dyesebel.

Sey ni Lotlot, "Maganda kasi ang bonding namin sa Dyesebel which is good. Ewan ko...hindi ko alam kung paano nag-start. So, ngayon, naglolokohan na lang kami ni Marco nang, ‘O, Honey... kasi natsi-tsismis tayo.'

"Pero wala!" pagbibigay-diin pa niya.

Ang mga ganitong bagay naman daw ang hindi pinakikialaman ni Monching sa dating asawa at ina ng kanilang apat na anak.

"Okey lang, hindi ko pinakikialaman yung mga bagay na ganoon. I think, kapag hiwalay na kayo, may mga bagay na personal na hindi na rin dapat pang pag-usapan."

Continue reading below ↓

Lotlot was then asked if she's ready to fall in love again?

"Ready to fall in love? Natatakot ako...pero gusto ko! Ha-ha-ha! Siyempre, di ba, nakakamiss din naman to have somebody with you? But I guess, hindi naman talaga hinahanap. Kusang darating na lang ‘yan.

Dugtong pa niya, "Kumbaga, kung pangseryosohan yun, panahon na lang talaga ang makakapagsabi."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"If you have children, it's very important that you and your ex-wife have a very good relationship. For your children, puwede kayong maging magkaibigan. Like kami, very good friends kami, wala kaming kaproble-problema," says Ramon Christopher about his relationship now with ex-wife Lotlot de Leon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results