Polo Ravales on Jean Garcia: "Malalim ang pagkakaibigan namin."

IMAGE 0


When asked about the disadvantage of having a mature lady as a partner, Polo Ravales answered, "Teka ang hirap nun,ah! Siguro 'pag mas matanda yung girl,mas mature, mas maraming puwedeng makita na ayaw. Puwede kayong pareho ng wavelength, di ba?"


Pabirong inilarawan ni Direk Don Cuaresma ng Loving Youang mga eksena ng love teams sa nasabing pelikula sa idinaos na press conferencenoong Biyernes, August 8, sa Imperial Palace Suites, sa Timog Avenue, QuezonCity.

Isa sa mga ibinuko ng direktor ay ang pakikitungo ngtambalang Polo Ravales at Jean Garcia sa isa't isa. "Sa nakikita niyo naman, read between the lines na lang. Hindi nakailangang i-motivate. Basta 'yong feeling na pagmamahal nila sa isa't isa, nandoon na, 'yon na," sabi ni Direk Don.

Kaya naman nang matapos ang Q&A, nilapitan ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Polo upang tanungin kung ano ang masasabiniya sa sinabi ng direktor.

"Hindi, nang-aasar lang si Direk nun," paiwas na sagot niPolo. "Wala, hindi ko naman masisisiang mga tao kung ayaw nilang maniwala sa closeness na mayroon kami ni Jean."

Ayon kay Polo, sobrang malapit na kaibigan ang turing niyasa aktres. "Alam mo 'yong time na kahitna magkaroon akong girlfriend, magkaroon siya ng boyfriend, alam namin na mahalnamin ang isa't isa at nandoon kami parati [para sa isa't isa]."

Dagdag pa niya, "Basta malalim, malalim ang pagkakaibigannamin."

Sa sobrang closeness daw nila ni Jean, nagagawa na nilang mag-shareng kani-kanilang mga problema sa isa't isa. "Kapag may problema ako, sine-share ko sa kanya, nagbibigay siya ngadvice sa akin. Ganun din siya, minsankapag may problem siya she'll seek for my advice."

COMPLICATED. Inamin ni Polo na maituturing na "girlfriend material" siJean. Gayunman, hindi niya masagot kungmagkakaroon ba ng pagkakataon na humigit pa sa pagkakaibigan ang kanilangrelasyon.

Para sa hunky actor, "Pag-iisipan iyan, e. Nagkataon lang na komplikado kasi nasaPilipinas tayo, e. Alam mo naman angutak ng mga Pilipino, di ba?"

Bukod pa sa sinasabing "age difference" inaalala rin ngbinatang aktor ang estado nila bilang mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi artista kami pareho. Malas namin kasi, you know, we have to think about everyone," sabi ni Polo. "Hindi ‘kami' kasi maramingdapat i-consider, maraming dapat isipin."

Sa bandang huli, isa lamang ang siniguro ni Polo saPEP, ayon sa kanya: "Masaya kami pareho na alam namin mahal namin ang isa'tisa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN