KC Concepcion talks about her "wonderful life" and the people close to her

IMAGE 0


"I feel blessedto have a family that I have. Siguro a lot of the things na meron ako ngayon, omga pinaghirapan ko ngayon o binibigyan ko ng sipag, or you know something thatI worked on hard... I can say na I havewhat I always wanted to have. So, kung anuman merong dumating, sobrangblessing," says KC Concepcion.



Humarap si KC Concepcion para sa isang tell-all interviewkay Boy Abunda sa The Buzz last Sunday, August 10.

"Nawi-weewee [naiihi] ako sa nerbiyos ngayon!" natatawangbungad ni KC suot ang isang black gray sleeveless blouse with matching blackItalian shoes by Marne.

Unang tanong ni Boy kay KC kung sa palagay niya ay nasakanya na ang lahat.

"Usually kasi, Tito Boy, parang kung ano yung wala ka, yunang gusto mo. Yun ang gusto mong malaman kung ano'ng meron doon. I feel blessedto have a family that I have. Siguro a lot of the things na meron ako ngayon, omga pinaghirapan ko ngayon o binibigyan ko ng sipag, or you know something thatI worked on hard... I can say na I havewhat I always wanted to have. So, kung anuman merong dumating, sobrangblessing," pahayag ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Anumang meron daw siya ngayon ay hindi niya ganun kadalingnakuha.

"Double, triple, five times, ten times more pressureyung nararamdaman ko ngayon. Fivetimes more pressure pa yung nararamdaman ko ngayon. Like for example, napanoodko yung VTR ng lola ko [Elaine Cuneta] nung sinabi niya na sana mas mabigyanako ngayon nung katulad kay Sharon!" tawa niya.

Dagdag niya, "Thirty years niya [her mom] lahat pinaghirapan‘yon. First time ko pa lang ngayon, Tito Boy, and nakaka-pressure talaga."

How hard does she work?

"I think I'm working pretty hard. I like the work. I lovethe work. I don't like it, I love it."

Gaano siya katindi magmahal.

"How hard do I love? Or how hard do I fall?" sabay tawa ulitni KC.

"How hard do you fall? I fall very hard. I'm in deep crap. Igot into trouble. Ah, mahilig kasi akong magmahal, e," pag-amin ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umiyak na ba siya sa kanyang buhay dahil she wanted somethingso badly, pero hindi niya nakuha?

"Dati gusto kong mag-Ang TV, pero... Yun ang pinaka-firstdream ko nung bata ako," natatawang sabi ni KC tungkol sa defunctyouth-oriented show ng ABS-CBN.

Kabilang si KC sa maituturing na showbiz royalty, having the Megastar as her mom, a matinee idol as biological father, and a senator as stepfather. Gusto baniya ito?

"No, not at all," sagot niya. "Yung buhay ko naman kasi, parangpelikula. Siyempre may malulungkot side, na nakakainis na side that comes withit. Pero more than anything, it's a wonderful life."

TWO MEN IN KC'S LIFE. Nagpahayag din si KC tungkol sa dalawang lalaking malapit sa puso niya—angkanyang biological father na si Gabby Concepcion at ang stepfather niya na siSenator Francis "Kiko" Pangilinan.

"I don't have... Yung love, unconditional ‘yon. Papa ko siya[Gabby]. Kahit anong mangyari, kahit 13 years kaming hindi nagkita, papa ko siya.So, I love him because he's my father.

"Si Papa kasi, nabigyan siya ng pagkakataon na parang kaminglahat, parang ako na pinapanood ng tao through the years, yung lahat ngpinagdadaanan niya. So, nakita siya from binata talaga na typical na lalaki nasiguro masasabi n'yong maraming chicks or something.

"Ngayon, na-meet ko na rin yung wife niya, si Tita [Ginbee Yatco], and yungsister ko sa kanya. Sobrang laki ng ipinagbago niya sa stay niya sa States andtalagang umasenso rin siya dun. So, maganda yung parang nakita ko yung maturitybilang lalaki sa kanya. Naiintindihan ko bilang anak niya, and also bilangbabae, na malaki na talaga ang ipinagbago ni Papa.

"And then si Dad [Kiko] naman, sobrang committed siya salahat ng ginagawa niya, and yung desisyon niya, pinag-iisipan niyang mabuti,"paglalarawan ni KC tungkol sa dalawa niyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumusta rin ni Boy kay KC si Senator Kiko bilang ama.

"He's a very good father," sabi ni KC. "He spends time withhis family, with the kids. He has a lot of ano, advice to give. Yun naman yungtalagang nakita ko kung ano yung meaning ng... Naghahatid-sundo rin, kasi siya yungnagsusundo sa school sa akin dati.

"At saka hindi rin madali for anyone na, siyempre, nungpinakasalan niya yung mom ko, may anak na 11 years old, so alam kong hindi yunmadali para sa isang lalaki. Malaking bagay sa akin yun and I'm very thankfulna siya mismo ang nagturo sa akin kung ano ang pagmamahal. Kasi parang hindinga madali. And the more I get older, the more na nare-realize ko na yungcapacity niya para magmahal, sobra."

THE MEGASTAR'S DAUGHTER. Napag-usapan din ang tungkol sa kanyang ina at aminado si KCna sobra ang pressure sa kanya na people expect na mapantayan niya ang mgana-achieve ng Megastar kung hindi man mahigitan.

"There will always be one Sharon Cuneta. I look up to herand siya yung inspirasyon ko talaga all the time. Ang dami kong natututunan fromher. And sana, kung anuman yung mabibigay ko right now, sana ma-accept ng tao,magustuhan ng tao, and sana maging open sila na maibahagi ko sa kanila kunganuman yung natutunan ko sa kanya," pahayag ni KC, na sumusubok na rin ngayonsa larangan ng pag-arte.

THE RING. Maramdamin namang ikinuwento ni KC ang tungkol sa singsingna nagsilbing pendant sa suot-suot niyang necklace noong hapon na ‘yon sa TheBuzz.

"Isang gabi, actually morning, na biglang may pumasok sa kuwartoko. Natutulog ako that time and akala ko panaginip, parang may nagsasalita nasomething like ganyan-ganyan-ganyan. ‘Kahit ano'ng mangyari, itago mo ‘yan, huwagmong wawalain.' And then, biglang narinig ko, sumara na ang pinto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagkagising ko, akala ko talaga panaginip lang. ‘Pag tinginko sa kamay ko, nandun na yung ring. When I looked inside, it's an importantring from the past, pero it's the reason here why I'm here. It reminds me nakahit paano sa pelikula, kahit papaano, meant ako na nandito ako ngayon. Andit's a wedding ring ng mom at papa [Sharon and Gabby] nung 1984," saad ni KC kasunodang hindi na niya napigilang pag-iyak.

Sa kabila nito, biglang naalala pa rin ni KC ang kanyang dadna si Sen. Pangilinan.

"Dad, I love you. Penge ring wedding ring ninyo [ni Mom] paradalawa. Para kasali ka rin," birong seryoso ni KC.

PREMIERE NIGHT. Naitanong din kay KC ni Boy kung darating ba talaga angkanyang Papa, Mom, at Dad sa premiere night ng For The First Time, ang firstmovie niya katambal sa Richard Gutierrez mula sa Star Cinema Productions, saAugust 26 at ipalalabas kinabukasan.

"Nag-aabang kayo, ‘no?" nakangiti niyang sagot. "Ako rin,nag-aabang. Well, sana. Pero kung hindi, siguro may rason din kung bakit hindinangyari. Siguro maganda, privately muna kami magkita-kita. Abangan na lang ponatin."

KC'S "TATAY." Bukod kina Gabby at Kiko, may isa pang nagsilbing ama kay KCfor eleven years. At yun ay ang kanyang yumaong grandfather na si dating PasayCity Mayor Pablo Cuneta, na tinatawag niya na "Tatay."

"Nanonood siya ng PBA sa bahay and ‘pag nakikita niya akongpumapasok sa kuwarto—actually, pinipilit lang ‘ata siya ng lola ko—peropinapatay niya yung TV para panoorin akong kumanta. ‘Tapos ‘ayan, meron siyangtiyani na gusto niya every each hair na matatanggal ko sa chin niya, may barya,"kuwento niya.

MESSAGES. Sa huli ay nagbigay si KC ng mensahe sa lahat ng mga mahalniya sa buhay.

For her Papa (Gabby Concepcion): "I love you, I love you Pa. Ang cute-cute ng babysister ko. Thank you for visiting me in Tagaytay. I always love you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

For her Dad (Kiko Pangilinan}: "Dad, for 13 years na naging anak mo ako at nagingdad kita, thank you. Sa lahat ng natutunan ko, thank you. Thank you for theunconditional love."

For her Mita (Elaine Cuneta): "Mita, dahil po sa kanya nandito akongayon. Gustung-gusto na niya na mag-artista ako. Pero galit na galit si Mamadati. Mita, salamat sa training mo. Hawak-hawak ko yung mga brush mo ‘tsaka mgarollers mo, ‘yan ang mike ko dati. Ngayon, Mita, o, tunay na!"

For her Tatay (Mayor Pablo Cuneta): "I'm living my dreams and sana maging proud din siya sa akin siyempre,and kung anuman yung binibigay sa inyo ni Mom na pagmamahal and ang damingachievements, sana ma-equal ko ‘yon. Sana maging proud siya. Dahil at least.naging kumpleto ang pamilya ko.

For her Mom (Sharon Cuneta): "I will not be here without you.Everything that I do it's because you inspire me. Ikaw talaga ang gusto kongmapanood all the time and you are who you are. I just look up to you. You havedone so much and by example have taught me a lot. Sana kung ano ang namana kosa iyo, sana maganda ang kalabasan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN