Jolina Magdangal pays no attention to criticisms on her stint as "Pinoy Idol" judge

Aug 12, 2008
"Inilagay ako as one of the judges, sa palagay ko, dahil qualified ako. I won't say things about my merits, dahil may mga tao namang nakakaalam niyon, at hindi ako ang kailangang magsalita tungkol doon. Kanya-kanya rin namang opinyon 'yan. Ginagawa lang namin nina Ogie [Alcasid] at Wyngard [Tracy] ang aming trabaho," says Jolina Magdangal about her being one of the judges in Pinoy Idol.

Si Jolina Magdangal na siguro ang Pinoy Idol judge na hinuhusgahan nang husto ng kung sinu-sino. Nakaririnig ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng kung anu-anong negatibo tungkol sa kanya. Gaya ng kesyo may karapatan ba talaga si Jolens na mag-analyze ng mga kalakasan at kahinaan ng contestants, kesyo tingnan na lang daw ang nangyayari sa career niya, at ganoong mga pamumuna.

CANNOT PLEASE EVERYBODY. "Nang tanggapin ko ang pagiging judge ng Pinoy Idol, alam kong maski ako, malalagay sa criticisms. Kasi, hindi ko mapi-please ang lahat. May sasabihin ang kung sinu-sino kahit ano pa ang comments ko, kaya hindi ko na lang pinapansin.

"Besides, ang kapakanan ng show ang iniisip naming mga judge, at yung mga taong naniniwala sa credibility ng Pinoy Idol. Ayaw naming masira ang reputasyon ng competition kaya maingat din kami. Pinag-aaralan naming mabuti ang judgment na ibinibigay namin," nasabi na lang ni Jolens.

Hindi na lang niya papatulan ang mga pang-ookray ng iba na kesyo siya nga raw ay kung ano lang ang narating.

Continue reading below ↓

"Inilagay ako as one of the judges, sa palagay ko, dahil qualified ako. I won't say things about my merits, dahil may mga tao namang nakakaalam niyon, at hindi ako ang kailangang magsalita tungkol doon. Kanya-kanya rin namang opinyon 'yan.

"Ginagawa lang namin nina Ogie [Alcasid] at Wyngard [Tracy] ang aming trabaho," sabi na lang ni Jolens.

Bago sumapit ang big night ng "Big 3" sa Linggo, sa mga nakapasok—Jayann Bautista, Ram Chaves, at Gretchen Espina—itong huli ang hindi talaga pinaboran ng mga hurado.

"Again, walang personalan ito," sabi pa sa amin ni Jolens sa backstage ng Center Stage ng SM Mall of Asia kung saan ginanap noong nakaraang Linggo ang announcement of the Big 3 finalists.

"Sabi ko nga, mayroong hindi papabor, mayroong magkakagusto sa sinasabi namin. Pero, talagang ganoon. Sa bandang huli, yung mga tao naman ang boboto kung sino ang gusto nila.

"Nagkaisa lang talaga kami nina Ogie at Wyngard na hindi isali si Gretchen sa tatlo dahil ang pinagbabasehan naman namin ay yung performance nila, at kung paano sila na-develop, at iba pang bagay na ginawa nila para mag-improve pa sa duration ng contest."

Continue reading below ↓

Kung ano ang sinabi ng mga hurado na sa palagay nila ay dapat mapasama sa Big 3 at kung sino ang dapat maging Pinoy Idol, inaasahan lang nilang dapat irespeto naman yun, the same way na sa final text voting, kung ano ang kalalabasan nito, walang magagawa ang mga hurado kung hindi ang respetuhin na lang ito.

"Inilagay lang kami riyan para mabigyan ng authority ang puwede naming sabihin tungkol sa performances ng mga contestant, and at the same time, i-guide na rin ang text voters kung sinu-sino ang para sa amin ay dapat nilang piliin.

"Pero, sa bandang huli, ang judgment pa rin nila ang magka-count through text votes. Yun ang mechanics, that's how the whole thing goes, at lahat tayo, dapat na respetuhin ang rules na yun," nasabi na lang ni Jolens.

TRUSTED BY GMA-7. At least, naiibang undertaking ang Pinoy Idol para kay Jolens. Kasabay nito, ang muling pag-aktibo ng movie career niya sa pamamagitan ng pagre-release ng I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You) ng GMA Films kung saan isa siya sa mga bida rito.

Continue reading below ↓

"Isa pang nakatutuwa ay yung Dear Friend namin ni Marvin [Agustin] na marami na ring nanonood," sabi pa ni Jolens. "Nagbibigay kami ng advice based on problems na naisusulat ng letter-senders.

"Iba't ibang klaseng assignments at exposures ang ibinibigay ng GMA-7 sa akin, at wala na akong dapat ireklamo. Inaalagaan naman nila ako.

"Again, hindi mawawala ang crticisms, and I'm always open about it. At least, marami ang nagsasabing naririto pa rin naman ako, hindi nawawala, at pinagtitiwalaan pa rin ng GMA-7. I will always be grateful," sabi pa ng proud Kapuso star.

Read Next
Read More Stories About
Jolina Magdangal, Pinoy Idol
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Inilagay ako as one of the judges, sa palagay ko, dahil qualified ako. I won't say things about my merits, dahil may mga tao namang nakakaalam niyon, at hindi ako ang kailangang magsalita tungkol doon. Kanya-kanya rin namang opinyon 'yan. Ginagawa lang namin nina Ogie [Alcasid] at Wyngard [Tracy] ang aming trabaho," says Jolina Magdangal about her being one of the judges in Pinoy Idol.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results