Aljur Abrenica and Kris Bernal simply happy together, "walang malisya"

IMAGE 0


"Magkaibigan lang naman kami. Kungnapatunayan na siguro niyang love niya ako, baka pa magkamalisya ako. Doon kopa lang iisipin yung mga bagay na 'yan kapag naramdaman kong mahal talaga niyaako. Siya ang lalaki, 'no! Siya muna ang mauna," says Kris Bernal about screen partner Aljur Abrenica.



Magkatambal sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Loving Young Regal Entertainment at Studiomax, at matagal na ring pinapakulo ang loveteam nilang nasimulan sa StarStruck 4 noon. Pero nasabi nga nila sa PEP(Philippine Entertainment Portal) na wala pa ring development sa personalnilang ugnayan.

"Nakikita kami ng mga tao, magka-holding hands,"sabi ni Aljur. "Pero walang malisya 'yon kasi magkaibigan naman kami. Kayaokey rin lang. Kung closeness kasi, given the scale of 1 to 10, siguro 11 nakami ni Kris."

Sabi nga raw, walang malisya yung holding hands. Peroinamin ni Aljur na kung minsan, yung pagiging physical, kung anu-ano rin angnaiisip niya.

"Hindi naman bastos, pero hindi maiiwasan,"nakangiting sabi ng binata. "Lalaki lang ako, 'no!"

Napatili si Kris nang marinig ang pahayag na yun ni Aljurnang makapanayam sila ng PEP sa presscon ng Loving You na ginanap sa Penthouseng Century Imperial Palace last August 8.

"Talaga? So, ibig sabihin, kapag nagyayakapan tayo, maymeaning talaga sa 'yo yun?" biglang buwelta ni Kris kay Aljur, habangnamimilog ang mga mata.

Hindi naman ganoon ang nararamdaman ni Kris. Honestly raw,wala siyang nararamdamang malisya. Pero upon realizing na ganoon angnararamdaman ni Aljur, tiyak na magiging conscious siya.

"Sabi ni Aljur, hindi pa naman daw siya nanliligaw,"pambubuko ni Kris. "Hindi pa nga. Makakaramdam lang siguro ako ng malisya kungmay napatunayan na si Aljur, na gusto talaga niyang manligaw. Ganoon ba?"

Patuloy niya, "Magkaibigan lang naman kami. Kungnapatunayan na siguro niyang love niya ako, baka pa magkamalisya ako. Doon kopa lang iisipin yung mga bagay na 'yan kapag naramdaman kong mahal talaga niyaako. Siya ang lalaki, 'no! Siya muna ang mauna."

Napangiti si Aljur sa sinabing yun ni Kris, na mukhangnagkaroon siya ng idea on what to do.

"Sa akin na lang yun. Ako na lang ang gagawa ng paraan.Hindi ko na kailangang ipagsabi pa," medyo nahiyang sabi ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Confident ba si Aljur sa nararamdaman niya kay Kris?

"Sabi ko nga, hindi pa sure," sagot niya. "Kasi laginaman kaming magkasama. Masaya kami sa company ng isa't isa. Pero kasi, nariyanpa rin ang trabaho. Magkasama kami, kasi may kasamang trabaho. Alam ko kasingnumber one din kay Kris yung trabaho kaya yun na muna ang inuuna naming."

Wala namang puwedeng ipag-alinlangan si Aljur kay Kris. Kilalana rin kasi niya ang dalaga. "At saka kilala na rin niya ako," dugtongni Aljur. "Mararamdaman ko naman na handa na ako, kung kahit paano,settled na ako sa maraming bagay, maski sa career ko. Marami pa akong dapatharapin. Marami pa kaming ibang mga pangarap sa buhay ni Kris. Yun na muna anguunahin namin."

Kailan nga ba masasabi ni Kris na ready na rin siya?

"Pagdating kasi sa love, hindi napaplano 'yan," sabi ngdalaga. "Dumarating na lang. Bigla na lang mararamdaman. Para kay Aljur, tamana itong ganito kami, masaya working together. Ganoon din naman ang stand koriyan. Naghihintay rin lang naman ako sa tamang oras. Ginu-groom kami ng GMA-7as a love team, kaya ito na muna ang nasa isip namin."

Sa pagiging comfortable nila with each other, sometimesnanonood sila ng sine kahit dalawa lang sila.

Ani Kris, "Nagpapaalam lang kami nang maayos sa parentsnamin, kasi wala namang masama doon. Sabay nga kaming nanood ng Wanted. Madilimsa loob ng sinehan, pero wala, talagang friendly date lang yun.

"Ganoon din ka-confident ang mga tao sa paligidnamin, na they trust us, alam nila ang mga limitasyon namin. As of now, anginiisip ko lang, hindi ko ma-imagine na may career ako without Aljur. Pataas palang kami. Kaya dito na muna kami sa love team. Mahirap pasukan ng seryosohan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN