Jenny Miller relates how Valerie Concepcion snubbed her at Belo party

by Rose Garcia
Aug 15, 2008
"Sana, hindi siya namimili ng makakatabi kung big star ba or hindi. Sana din wala sa kanya yung maliit sa industriya at walang big star," says Jenny Miller (left) after relating how she felt offended by Valerie Concepcion's (right) refusal to share a table with her at Dr. Vicki Belo's party last Friday.

Marami talaga ang puwedeng maganap sa isang party, katulad ng katatapos na bonggang Belo anniversary party sa Shangri-La-Makati noong August 8.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na may hindi magandang engkuwentro na naganap between sexy actress Jenny Miller and young actress Valerie Concepcion.

PEP decided to contact Jenny na noong mga oras na kausap namin siya ay nagte-taping for a GMA-7 show. Nagulat pa ito kung paano namin nalaman ang naturang pangyayari. And we told her na marami na ang nakakaalam.

Ikinuwento nga ni Jenny sa PEP kung ano ang naganap during Belo's Venetian Masquerade.

Aniya, "Well, yun nga po, I was a little late kasi and ang dami nang tao sa party. So, wala nang masyadong upuan at may nagpe-perform. So, we don't want naman to walk and look for seats habang may nagpe-perform. Si Elise, yung secretary ni Dra. Belo ang nakakita sa place ni Valerie na may mga bakante po. She asked me kung okey lang daw ba sa akin na maupo beside Valerie. Ako naman, yeah, oo naman. Kasi, I've known Valerie even before, nagkasama na kami sa isang work and okey naman siya dati. In fact, ang tawag pa nga niya sa akin, Ate Jen.

Continue reading below ↓

"So, when I saw her, na-excite pa ako, kasi nakita ko yung gown niya, talagang nag-effort siya. So, I was ‘Wow!' Napa-ganoon pa ‘ko. Kaya lang, noong lumapit na kami and Elise asked her, like, ‘Val, okey lang ba if Jenny will seat here for a while?' Yung sagot niya kaagad, ‘Darating kasi si Angel [Locsin]...' Then, si Elise, inulit niya ulit yung tanong and then, sinabi niya talagang, ‘for a while' habang hinahanapan pa ako ng seat. Ako, medyo nagtataka na, kasi parang wala lang talaga, hindi siya bumabati or anything. Then, noong inulit ni Elise yung tanong, sumagot si Valerie ng ‘Darating na si Angel...'"

Sa pagkakataong yun, pareho na raw nilang na-feel ni Elise na may "kakaiba" sa dating sa kanila ni Valerie, at si Jenny na raw mismo ang nagpaintindi kay Elise by looking at her and repeating what Valerie told them, "Darating nga si Angel." Yun pa lang daw ang time na naghanap na lang sila ng ibang upuan.

Continue reading below ↓

Ayon kay Jenny, nanlamig at kinabahan daw si Elise at hindi malaman kung saan nanggaling yung ganoong attitude ni Valerie sa kanya.

VAL SAID SORRY. Hindi na itinago ni Jenny sa pagkakataong ito na siyempre pa, na-offend siya sa naging pagharap sa kanila ni Valerie, lalo pa nga't wala naman daw siyang alam na anumang isyu nila in the past. At never naman daw niyang naging ugali ang mang-away or makipagtarayan.

Wala raw ideya si Jenny kung paano nakarating kay Valerie ang naging pakiramdam niya that night. Maaari raw na si Elise na ang nagparating kay Valerie na na-offend nga siya sa naging pakikiharap nito sa kanila. Nagulat na lang din daw si Jenny nang lumapit bigla si Valerie sa kanya at nag-sorry.

"Ini-approach niya ako. Ang una niyang sinabi, ‘Di ba, nag-hi naman ako sa ‘yo?' Sabi ko, ‘Huh? Did you? Nakita ko naman kasi there's no sign of welcome.' Nag-sorry siya, wala raw eksenang ganoon. Hindi raw totoong ayaw niya akong paupuin dun. Sabi ko na lang, tanungin na lang niya si Elise kung ano ang ginawa niya. And I said, kung wala, bakit siya nagso-sorry kung hindi naman pala siya naka-offend? Sabi ko na lang, ‘Okay.' Then, umalis na rin siya."

Continue reading below ↓

POSSIBLE REASON. Nabanggit tuloy ng PEP kay Jenny, posible kaya na may koneksiyon ang ganoong pakikiharap sa kanya ni Valerie dahil malapit na kaibigan ni Jenny si Claudine Barretto? Bukod kasi sa iisa lang ang manager nina Valerie at Angel, magkaibigan din ang dalawa. At alam naman ng lahat na nagkaroon ng isyu recently sina Angel at Claudine.

"Actually, yun nga rin ang naisip ko after," sabi ni Jenny. "Pero kasi ako, ayokong nakikisawsaw. Kung yung iba, gustong makisawsaw kapag may isyu or kaaway ang kaibigan nila, ako kasi, hindi talaga ako ganoon.

"Alam ni Clau yun, kapag tipong may kaaway siya, alam niya na hindi ako ganoon. At si Clau mismo, siya mismo nagsasabi na ayaw niya na mai-involve ako."

After what happened, how does she feel now for Valerie?

"Well, sana lang po nang mag-sorry siya, from the heart talaga. 'Tulad nga ng sinabi ko, hindi naman ako yung mapang-away. Sana lang, hindi na maulit sa ibang artista. Sana, hindi siya namimili ng makakatabi kung big star ba or hindi. Sana din wala sa kanya yung maliit sa industriya at walang big star," ang nasambit na lang ni Jenny.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sana, hindi siya namimili ng makakatabi kung big star ba or hindi. Sana din wala sa kanya yung maliit sa industriya at walang big star," says Jenny Miller (left) after relating how she felt offended by Valerie Concepcion's (right) refusal to share a table with her at Dr. Vicki Belo's party last Friday.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results