Moms of Maui Taylor and Angelica Jones clash at Gabby Concepcion's show

Aug 15, 2008
The mothers of Maui Taylor (left) and Angelica Jones (right) made a scene at Gabby Concepcion's concert last night, August 14, at Zirkoh Timog. The two exchanged accusations involving jewelry and their daughters.

Kapwa hindi umaasang magpapang-abot sa Zirkoh Timog kagabi, August 14, sa Faces And Voices show featuring Gabby Concepcion ang matagal nang magkaaway na mga nanay nina Maui Taylor at Angelica Jones. Nagsimula ang awayan ng dalawa dahil sa mga diumano'y nawawalang alahas na ipinabenta ni Mommy Anette, nanay ni Maui Taylor sa nanay ni Angelica Jones na si Beth Jones.

Sa naunang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mommy Anette noong summer, sinabi nitong ipinagkatiwala niya ang mga ahalas na nagkakahalaga ng tatlong daang libong piso upang ipabenta kay Beth Jones. Mula raw noon, hindi na ito nakipagkita sa kanya hangang na-trace niya ang mga alahas sa sanglaan na diumano ay pinagsanglaan ni Mrs. Jones.

"Hawak ko yung papelito bilang patunay na isinangla niya yung mga alahas," sabi pa noon ni Mommy Anette.

Nagkataon namang nasunugan ng mga panahong yun ang mag-inang Beth at Angelica Jones. Ayon sa isang interview naman sa kanila, ayaw na muna nilang sagutin ang mga akusasyon sa kanila ng ina ni Maui.

Continue reading below ↓

"Alam naman ng Diyos kung sino ang nagsasabi sa amin ng totoo. Ako pa nga ang maramimg alahas na ipinahiram sa kanya. At puwede ba, hindi ako nagbubugaw ng anak ko!" parinig pa ni Mrs. Jones.

Kagabi, nagkasabulong ng landas ang dalawa sa ticketron ng Zirkoh Timog at hindi na nga nakapagpigil si Mommy Annete at kinumpronta si Mrs. Jones.

"Ano na, Beth, paano na yung utang mo?" malumanay namang sabi ng ina ni Maui sa ina ni Angelica. Pero tumaas ang boses ni Mrs. Jones at doon na nga nagsimula ang commotion sa pagitan ng dalawa. Mabuti na lang at may mga kaibigan ang dalawa na umawat sa kanila.

Pagkatapos ng insidente ay nagkuwento si Mommy Anette sa mga entertainment press na lumapit sa kanya at ipinaliwanag kung bakit niya sinita si Mrs. Jones. Habang nagsasalita siya ay biglang dumaan sa tabi nito ang ina ni Angelica at sabay sabing, "Ewan ko ba, basta ako hindi ako gaya ng iba na nagbubugaw ng sariling anak."

Continue reading below ↓

Nagpanting siguro ang tenga ng ina ni Maui kaya galit na sumagot itong: "Sino ang sinasabi mong nagbugaw ng anak, ako ba? May ebidensya ka, patunayan mo 'yan, patunayan mo ‘yan!"

"Oo, binubugaw mo ang sarili mong anak!" buwelta naman ni Mrs. Jones. "Di ba, tumawag ka sa akin, sabi mo ihanap ko siya ng customer?" This time, tahimik na si Mommy Anette dahil nagpaawat ito sa mga kausap niyang mga reporter.

"Ang sama ng akusasyon niya, hindi naman niya kayang patunayan. Si Maui, ibubugaw ko? Hindi niya kilala ang anak ko, si Maui pa, hindi ‘yan pumapayag sa mga ganyan!" paliwanag nito sa press people na kaharap niya pagkatapos.

Dagdag niya, "Wala siyang pinag-aralan, wala siyang edukasyon! Ayaw ko siyang patulan na. Matagal ko siyang hindi nakita. Pinagtataguan niya ako kaya ko siya kinausap, pero siya pa ang matapang!"

"Masama ang mga pinagsasabi niya. Bibigyan ko siya ng leksyon, isasangguni ko ito sa abugado ko!" banta ni Mommy Annete, na obviously ay apektado sa bintang na pambubugaw sa sarili niyang anak.

Continue reading below ↓

"Marami ang nakarinig sa ipinagsigawan niya. Nakakahiya siya! Hindi ko na ito palalampasin, idedemanda ko siya!" sabi pa ng ina ni Maui.

Nang lapitan naman ng PEP si Mrs. Jones upang kunin ang kanyang panig, ito ang naging pahayag niya: "Hindi ako kumikibo, siya itong lumapit sa akin. Basta na lang niya ako kinumpronta, ano naman ang gagawin ko? Kung noon, hindi na ako kumibo dahil nasunugan ako, ngayon ay ayoko nang tiisin, hindi ko na talaga siya mapapalampas! Wala akong alam sa mga bintang niya sa akin!"

Read Next
Read More Stories About
Maui Taylor
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The mothers of Maui Taylor (left) and Angelica Jones (right) made a scene at Gabby Concepcion's concert last night, August 14, at Zirkoh Timog. The two exchanged accusations involving jewelry and their daughters.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results