Beth Tamayo stops in vitro fertilization to concentrate on showbiz work

by Ruel J. Mendoza
Aug 17, 2008
"Now nag-decide muna kami to stop dahil gusto ko namang mag-work. Siguro nga by working, maaalis sa isipan ko ang pagbubuntis. Nakaka-stress din because people always ask you about it, lalo na ang family ko na excited na magkaroon na ako ng baby," says Beth Tamayo who has been undergoing in vitro fertilization, by which ovum and sperm are fertilized in a "test tube or other artificial environment."

Tumigil muna si Beth Tamayo sa kanyang in vitro fertilization session at ang pagharap muna sa pag-taping ng TV show ang kanyang hinaharap.

Inaamin naman ni Beth na hanggang ngayon ay wala pang kasiguraduhan ang pag-conceive niya ng baby. Ilang buwan din ang isinakripisyo niya para sa pag-undergo ng in vitro fertilization at puro negative ang nagiging resulta.

Continue reading below ↓

Pero this time ay pinapasa-Diyos na lang niya at ng kanyang mister ang pagkakaroon ng sarili nilang baby.

"Hindi naman sa napagod na ako, pero siguro time out muna kasi masakit ang procedure ng in vitro," kuwento pa ni Beth.

"Sa may puson ako ini-inject ng gamot at nagkakapasa na nga ako. Noong mga unang months okey lang, because desidido kami ni Johnnny [Wong, her husband] to have our own baby. Pero sometimes, it's frustrating lalo na kung negative ang results.

"Now nag-decide muna kami to stop dahil gusto ko namang mag-work. Siguro nga by working, maaalis sa isipan ko ang pagbubuntis. Nakaka-stress din because people always ask you about it, lalo na ang family ko na excited na magkaroon na ako ng baby.

"For now, trabaho naman muna ako. I want to enjoy naman working again sa TV and even sa movies. Kaya nga I accepted the role in Ploning kasi na-miss ko ang maging busy sa showbiz. And who knows, kung kelan ako maging busy baka bigla na lang akong mabuntis, di ba?" ngiti pa ni Beth.

Continue reading below ↓

Kasama nga si Beth sa bagong show ng TV5 na Love Books. At para sa season opener nila ay may titulo na Have Baby, Will Date ang title ng episode kunsaan makakasama niya sina Valerie Concepcion, TJ Trinidad, and Bobby Andrews. Every Tuesday ito from 7:00 to 8:00 pm.

"Four weeks tatakbo ang story na ito and tamang-tama lang na may dumating na trabaho. Wala na kasi akong makakasama sa bahay kapag nasa trabaho si Johnny.

"Ngayon kasi yung mga anak ni Johnny ay nasa Guam na ulit because mag-i-start na ang classes nila. Kaya ang lungkut-lungkot na naman sa bahay namin. Sobrang tahimik kasi wala na ang mga bata. Mabuti na lang at nagkaroon ako ng show to keep me busy."

Huli ngang nilabasan na show ni Beth ay ang Mga Mata ni Anghelita sa GMA-7. Na-cut short nga lang ang kanyang appearance sa naturang show dahil nga sa pag-undergo niya ng Invitro.

Continue reading below ↓

"I would have stayed longer doon sa show kaso my doctor advised me na once I take Invitro, I should not stress myself with work at kailangan relaxed ako para maging effective ang procedure. Sinunod ko naman siya pero siguro nga hindi pa meant na magkaroon ako ng baby.

"But I am not giving up because I know that God has great plans for everyone. Alam ko na He has a baby for us. Hintayin na lang namin kung kelan Niya gustong iregalo ito sa amin ni Johnny."

Read Next
Read More Stories About
Beth Tamayo, Johnny Wong
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Now nag-decide muna kami to stop dahil gusto ko namang mag-work. Siguro nga by working, maaalis sa isipan ko ang pagbubuntis. Nakaka-stress din because people always ask you about it, lalo na ang family ko na excited na magkaroon na ako ng baby," says Beth Tamayo who has been undergoing in vitro fertilization, by which ovum and sperm are fertilized in a "test tube or other artificial environment."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results