"Pinoy Idol" winner Gretchen Espina accepts criticisms about her victory

Sep 4, 2008
"Hindi pa nga ako nananalo, nag-uumpisa pa lang nga, grabeng criticisms na ang napala ko. Pero talagang ganoon sa ganitong klaseng competition. Kailangang harapin kong lahat yun. Handa ako sa pamimintas, sa kung ano ang sasabihin ng mga tao, kasi given na 'yan. Kasi ang unang-unang pupunahin sa akin, yung pagkakaroon ko ng amang politician," says Gretchen Espina.

Sa loob ng SMX Exhibition Hall kung saan ginanap noong Linggo, August 17, ang Final Results Night ng Pinoy Idol, most of the audience was cheering for Jayann Bautista. But is was Gretchen Espina's name who was announced as the very first Pinoy Idol. Obviously, rumatsada si Gretchen over Jayann dahil sa text votes.

"Before I joined Pinoy Idol, I'm very much aware about the criticisms," sabi ni Gretchen sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Alam ko namang may mga taong ayaw rin sa akin para manalo, pero wala naman akong magagawa kung ako yung nanalo, at may procedure namang sinusunod talaga para sa contest.

"Hindi pa nga ako nananalo, nag-uumpisa pa lang nga, grabeng criticisms na ang napala ko. Pero talagang ganoon sa ganitong klaseng competition. Kailangang harapin kong lahat yun. Handa ako sa pamimintas, sa kung ano ang sasabihin ng mga tao, kasi given na 'yan. Kasi ang unang-unang pupunahin sa akin, yung pagkakaroon ko ng amang politician."

Continue reading below ↓

Ang ama ni Gretchen na si Mr. Rogelio Espina ay ang gobernador ng Biliran, at nariyang akusahan ang ama niyang pati ang pera ng gobyerno ay nilustay na diumano para lang bumili ng text votes. Pero natural lang na ang ganitong mga akusasyon ay dedmahin na lang ni Gretchen.

GRETCHEN'S BODYGUARDS. Ang isa pang isyu, maski sa auditions pa lang, binabantayan na siya ng grupo ng bodyguards, courtesy of her dad.

"Aminado po akong may ipinasamang bodyguards sa akin ang father ko noon, pero nasa labas lang sila naghintay. Hindi ako puwedeng bantayan sa loob mismo ng venue kung saan ginawa ang auditions.

"But I don't usually go out naman with bodyguards. In some occasions kasi, for security na lang talaga because my dad nga is a politician. Pinasasamahan ako kasi baka sakaling magkagulo lang. My bodyguards naman don't get in the way, I suppose," paliwanag ni Gretchen.

THE POWER OF TEXT VOTES. Ano ang reaction ni Gretchen na sa loob mismo ng SMX, pangalan ni Jayann ang todong ipinagsisigawan ng maraming naroroon?

Continue reading below ↓

"Kanya-kanya naman kasi tayong supporters, di ba?" sabi niya. "Nagpapasalamat lang ako sa marami, sa televiewers at yung mga taga-Biliran na talagang sumusuporta sa akin sa umpisa pa lang. Hindi nila ako pinabayaan.

"They may not show up sa SMX o sa Centerstage, pero noong bumalik ako sa Biliran, alam kong naroroon yung mainit na welcome nila, at alam kong through text votes, hindi talaga nila ako pinababayaan. Sobrang overwhelmed talaga ako."

Nasabi nga ng Pinoy Idol judge na si Ogie Alcasid, from the very beginning, ang contest ay malinaw na paramihan ng text votes. Ang publiko ang maghuhusga rito at kung magpapabaya mismo ang contestants, kung talent lang nila ang pagbabasehan nila, mukhang uuwi talaga silang talunan.

"Nagkampanya talaga ako, at wala namang masama doon," pag-amin ni Gretchen. "Lahat kami, kailangang gawin yun. Constant 'yan. Text brigade. Sa mga kaibigan ko, maski ako mismo, nagte-text ako sa kanila para tulungan nila ako. Walang sawa yun. Kung gusto ninyo ang isang bagay at isa yun sa paraan para makuha yun, bakit hindi mo na gawin ang lahat ng magagawa mo?

Continue reading below ↓

"Lagi ko na rin namang sinasabi, bola or kidding aside, kung talagang nararapat ako, iboto nila ako. Kasi ayoko ring magtagal sa kumpetisyon na wala namang naniniwala sa akin. Hindi rin tamang manatili ako sa contest at manalo ako dahil lang sa may pera ako. Yung masabi ko naman, lumaban ako, may karapatan din ako pagdating sa kantahan," pagtatapos ng first Pinoy Idol.

Read Next
Read More Stories About
Pinoy Idol
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi pa nga ako nananalo, nag-uumpisa pa lang nga, grabeng criticisms na ang napala ko. Pero talagang ganoon sa ganitong klaseng competition. Kailangang harapin kong lahat yun. Handa ako sa pamimintas, sa kung ano ang sasabihin ng mga tao, kasi given na 'yan. Kasi ang unang-unang pupunahin sa akin, yung pagkakaroon ko ng amang politician," says Gretchen Espina.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results