Krista Ranillo will not do other sexy magazine pictorials after "FHM"

IMAGE 0


"May mga offer po na iba, but I think enough na ‘yongsa FHM. Marami na pong naitulong sa akin ang pagpayag kongmaging cover ng FHM, dumami po ang mga offers sa akin," says Krista Ranillo about posing for another men's magazine.


In TV5's Hush Hush, Krista Ranillo plays Kate, a product ofa reality show na dahil walang nangyari sa kanyang career sa isang network aylumipat sa Spotlight Agency and is having an affair with a married talk-showhost, Gabby (Dominic Ochoa). Hush Hush is about young celebrities who areexperiencing the highs and lows of the entertainment business.

"Ito po ang first soap ko ever," sabi ni Krista saPEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Hush Hush sa Mario'srestaurant, Tomas Morato, Quezon City, kahapon, August 19.

Kuwento niya, "Happy po ako nang tawagan ako ngproduction para mag-audition. Thirty minutes ‘yon na test of my ratio bilangisang artista. Medyo kinabahan po ako kasi hindi ako prepared sa mga questionsna itatanong sa akin. Pero nakapasa naman po at nag-workshop kami for ten days.Kaya sa actual taping, hindi na rin naging mahirap sa amin at kay Direk LauriceGuillen. Maganda rin na dahil sa workshop, nagkaroon kami ng bonding ng buongcast at masaya kami tuwing taping days namin."

FHM PICTORIAL. Shifting to another topic, tinanong ng PEP si Krista kungbinuksan na ng daddy niya na si Mat Ranillo III ang FHM na siya ang cover.

"Yes, ako po ang nagbigay ng copy sa kanya. Pero hindiko alam kung binuksan na niya. Nagustuhan naman niya ang cover nang makita niyaito sa magazine stand at siniguro ko naman sa kanya na magaganda ang shots ngpictorial ko," saad ni Krista.

Ilan naman ang biniling kopya ng boyfriend niyang si DirekDominic Zapata? Nang dumalaw kasi ang PEP noon sa taping ng idinidirek nitong AkoSi Kim Samsoon sa GMA-7, sinabi ni Direk Dominic na bibili siya ng 20 copies okung maaari ay bilhin na niya lahat ang copies. Pero, siyempre, nagbibirolamang siya dahil pagkatapos niyang makita ang pictorial ni Krista, wala namansiyang makitang masama sa pictorial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatawa nga si Direk Dom [tawag ni Krista saboyfriend]," kuwento ni Krista. "Ipinu-promote niya sa staff niya ang FHM ko, pero huwag dawbubuksan. Kapag pinapirmahan sa kanya ang copy ng magazine, pipirmahan niyapero ibabalik niya ulit sa plastic at sasabihan ang nagpapirma na huwag munangbubuksan."

Sa anong men's magazine siya susunod na magpapa-cover? Mayadvantage ba sa kanya ang pagiging cover niya ng FHM?

"May mga offer po na iba, but I think enough na ‘yongsa FHM," sabi ni Krista. "Marami na pong naitulong sa akin ang pagpayag kongmaging cover ng FHM, dumami po ang mga offers sa akin. Dalawang movies anggagawin ko, isa ang Babang Luksa with Direk Erik Matti, at nag-audition na rinako sa movie na ipu-produce ni former Congresswoman Imee Marcos."

SLOW START. Noon pa nagsimula sa showbiz si Krista, ano sa palagay niyaang nangyari at hindi umarangkada ang kanyang career?

"Napasabay po kasi ‘yon sa paglabas ng mga bold moviesat hindi ko naman kaya ‘yon. Kayanaisipan ko noon na kumuha ng entrance examination sa Ateneo University. Humingi po ako ng sign kay Lord na kungmakakapasa ako, iiwanan ko na muna ang showbiz at mag-aaral ako. Nakapasa ako,kumuha po ako ng Interdisciplinary Studies, major in Psychology andCommunication Arts. I graduated last 2007. At saka ko na binalikan ang showbiz.

"Dumating po ‘yong offer to do Paupahan at happy naman ako,kahit po medyo nagkaroon ng intriga at nagkasamaan kami ng loob ng daddy ko.Naayos din po naman at maganda ang feedback ng movie.

"Sumunod po itong Hush Hush ng TV 5 at nagulat din akonang tawagan ako ng ABS-CBN News & Current Affairs para mag-host ng "StarPatrol" segment ng TV Patrol World. I-try ko raw, tinanggap ko kahit hindi paako marunong magbasa ng teleprompter. Nakaka-tense, pero tinuruan naman nilaako kung paano magbasa sa teleprompter."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Regular na ba siya sa "Star Patrol," papalitan naba niya si Phoemela Barranda?

"Hindi ko pa alam dahil nagbabakasyon lang daw siPhoem. Pero every Monday po ako; yung ibang days, iba naman ang naghu-host.Medyo nga po ako na-tense noong una akong naupo doon. Pero excited po ako kasiafter ng FHM, feeling ko I'm respected na, may credibility na ako!"natatawang wika ni Krista.

Since nasa GMA Network ang boyfriend niya, saan ba siyatalaga—sa ABS-CBN o sa GMA-7?

"Nasa ABS-CBN po ang loyalty ko kasi doon na po akotalaga nagsimula, bata pa lang ako. Pero wala pa naman akong exclusive contractsa kanila. Sa GMA-7, madalas din naman akong nagge-guest doon. Sa ngayon, maybago po akong show doon [ABS-CBN] for one month, every Sunday, ang Your Song, kasamako si John Prats, ang ‘Give Me A Chance.' At least po, variety ang ginagawa kosa ABS-CBN," saad ni Krista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN