Ogie Alcasid not allowed to talk about annulment of his marriage with Michelle Van Eimeren

IMAGE 0


"Matagal na ‘yang annulment. Actually, you know what, Ireally can't comment on it, e. Honestly, much as I would like, I can't.I'm being prevented by everybody to talk about it," says Ogie Alcasid when asked about the annulment of his marriage to Michelle Van Eimeren.



First time na nasaksihan ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) ang singer-comedian si Ogie Alcasid na lost for words. Gustuhin mangsagutin ang mga tanong tungkol sa estado ng annulment para mapawalang-bisaang kasal nila ni Michelle Van Eimeren, hindi raw puwede.

"Matagal na ‘yang annulment. Actually, you know what, Ireally can't comment on it, e. Honestly, much as I would like, I can't.I'm being prevented by everybody to talk about it," saad niya.

Pati ang tanong kung itinaon niya sa nalalapit na pagdatingni Michelle at ng kanilang dalawang anak sa Pilipinas ang pagpa-file niya ngannulment, wala pa ring nakuhang sagot mula kay Ogie.

"Hindi talaga puwedeng pag-usapan, pero walang kinalaman sacase ang pagdating niya. They're coming to watch my concert."

Humirit pa ang nakapaligid na entertainment press sa kanyakung hindi ba niya alam na babalik ang tsismis sa kanila nina Michelle at ngkasintahan ngayon ni Ogie na si Regine Velasquez kapag sinimulan ang hearing ngkaso?

"I really can't answer kahit gusto ko. Sasabihin ko nalang kay Michelle."

Bakit natagal ang pagpa-file niya ng annulment case?

"I can't answer, I'm on a gag order!" tawa niya.

Susunod na ba rito ang kasal nila ni Regine?

"I still can't talk about it."

Finally, nag-give up na rin ang press nang maramdamang walatalaga silang makukuhang comment kay Ogie regarding the annulment case.

WORKAHOLIC. Ang next na pinuna ng press ay ang sobrang sipag ni Ogie satrabaho. Katatapos lang ng Pinoy Idol, pero sa Friday (August 22),sasalang na naman sila ni Regine sa taping ng pilot episode ng CelebrityDuets na sila ang hosts. Baka hindi niya nararamdaman, pero wala siyangpahinga.

"Marami kasi akong pamilya," biro niya. "Once a week langnaman ang taping nito, saka enjoy ang show na ito, abangan ninyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Is Regine part of his family?

"Of course!"

Ipinaalala ng PEP kay Ogie ang pagbibigay niya ng standingovation kay Regine sa Final Showdown ng Pinoy Idol at wala siyangpakialam pagtinginan man siya ng mga tao sa SMX Exhibition Hall. Ang sagot langni Ogie ay: "Talaga namang magaling siya, bakit hindi ko siya bibigyan ngstanding ovation? Besides, she's my love."

"UNPOPULAR" WINNER. Aware din si Ogie na controversial ang pananalo ni GretchenEspina as the first Pinoy Idol. Tapos na ang singing search, pero inookray parin ang dalaga sa iba't ibang website sa Internet at pati sa mga diyaryo aymarami pa rin ang nagsusulat na hindi siya deserving manalo. Any comment?

"Generally, alam mo nung binabasa ko yung mga write-upsn'yo, tama yung sinasabi n'yo e. In fairness to her, she kinda did well, e. Imean, wala tayong masasabi dun, di ba? Although she's not my bet, everybodyknows Kid [Camaya], Robby [Navarro], Penelope, Ram [Chaves], and Jeni Rawollewere my bets. Vocally, for me, they were the best.

"But dun sa tatlong naiwan [JayannBautista, Ram, and Gretchen], Gretchen...kumbaga, last-man standing siya, e. So,wala tayong masasabi dun. She did well Saturday [final showdown]," pahayag ngPinoy Idol judge.

Ano naman ang masasabi niya na "unpopular choice" siGretchen?

"That can help her become more popular. Alam mo yun, parangmay Paris Hilton kind of...kasi anak-mayaman. Ako, I kinda like that, e. Maymysticism na ganun, e. Hindi mo agad magugustuhan. ‘Tsaka kung ma-meet monaman, magalang, hindi siya mayabang, mabait, willing to learn, willing to doeverything. And I think that's what made her win. Sometimes the real winnerdoesn't win, di ba? But you know, the winner takes it all!" biro niya.

Pero iginiit ni Ogie na, "She deserves the title."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OGIE'S PETS. Ibinalita rin na gagawan niya ng album sina Robby, Kid, atPenelope sa ilalim ng IndiMusic nila ni Regine.

"I talked to Ma'am Wilma [Galvante], dahil sila angmagma-manage ng kanilang career at baka may plano sila, so ipinaalam ko atpumayag naman. Si Robby pa lang ang nakakausap ko. Si Kid, cute, and not onlythat, maganda ang timbre ng boses ng bata. And Penelope, I think isexceptional. Yung mga ganyang mga boses dapat naririnig, e," lahad ni Ogie.

Bakit bilib na bilib siya kay Robby? Tumatakbo pa langang Pinoy Idol, gusto na niya ito at noon pa lang ay inisip na niyangigawa ng album.

"Kasi wala ka nang ituturo pa vocally. Andun na, e, andun nayung rawness ng talent nila, e. Kailangan mo na lang hubugin. Kung hindi n'yonapapansin, si Robby nakaka-duet na niya si Jay R."

Tiyak na matutuwa si Robby na maging producer ng album nilanina Kid at Penelope ang hinahangaan niyang singer-composer. "Sir Ogie" nga angtawag niya rito bilang paghanga at respeto at sa naitulong sa kanya sa PinoyIdol.

Ang nakalimutang ibalita ni Ogie ay makakasama niya siRobby sa concert niya sometime in December.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN