Carlene Aguilar asks Cristine to stop mentioning her and Dennis Trillo's son in interviews

Sep 4, 2008
"Alam ko, hindi siya invited ni Dennis. Regalo na lang sa anak namin, huwag siyang imbitahan. Parang weird lang kung pupunta siya, pero hindi siya nababanggit," says Carlene Aguilar about Cristine Reyes (inset, bottom) not being invited to the first birthday party of her and ex-boyfriend Dennis Trillo's (inset, top) son.

Naikuwento ni Carlene Aguilar sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na magkatulong sila ni Dennis Trillo sa paghahanda ng first birthday ng anak nilang si Calix Andreas. Sa September 22 ang actual birthday ni Calix, pero sa ibang petsa raw ang party. Kailangan daw kasi nila i-adjust ang celebration sa schedule ni Dennis.

"Ang hirap mag-organize ng party," sabi ni Carlene. "Sana maging masaya ang anak ko at maganda kung nandun si Dennis. Stroller nga ang gift ni Dennis dahil nakalakihan na ni Calix ang stroller niya. Mahal siya, pero nakalimutan ko ang brand, ako pa naman ang bumili."

Imbitado ba ang nababalitang girlfriend ngayon ni Dennis na si Cristine Reyes sa birthday party ni Calix?

"Alam ko, hindi siya invited ni Dennis," sagot ni Carlene. "Regalo na lang sa anak namin, huwag siyang imbitahan. Parang weird lang kung pupunta siya, pero hindi siya nababanggit.

"Narinig ko parang tinanong si Cristine tungkol kay Calix, sana no comment na lang siya. Ang usapan namin, huwag nang magsasalita about the issue; hindi rin naman ako nagsasalita. It's so last year!"

Continue reading below ↓

Alam ba ni Dennis na ayaw ni Carlene na pinag-uusapan ni Cristine si Calix at nasusulat pa?

"Nakiusap nga ako kay Dennis na pagsabihan si Cristine na huwag isali si Calix sa usapan. Bata pa yun para ma-drag sa issue, kawawa naman. Naiinis ako ‘pag name-mention si Calix sa write-ups. Bata pa yun para malaman kung sino siya. Makikilala rin naman ng anak ko kung sino siya," medyo inis na wika ni Carlene.

Napag-uusapan ba nila ni Dennis si Cristine?

"Hindi! No mention about her and we don't talk about her. Kapag nag-uusap kami, about the baby lang, his work and my work," diretsong sagot ni Carlene.

Bilang panghuli, inulit ni Carlene ang pakiusap kay Cristine na huwag isasali ang anak ‘pag ini-interview siya. Puwede naman daw mag-no comment ‘pag tinatanong siya tungkol dito. Gusto raw ni Carlene na ilayo sa intriga ang anak na wala pang malay.

"May sarili naman siyang career, yun na lang ang pag-usapan niya at ikuwento sa press. Huwag na niyang isali ang anak ko," pakiusap ni Carlene.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam ko, hindi siya invited ni Dennis. Regalo na lang sa anak namin, huwag siyang imbitahan. Parang weird lang kung pupunta siya, pero hindi siya nababanggit," says Carlene Aguilar about Cristine Reyes (inset, bottom) not being invited to the first birthday party of her and ex-boyfriend Dennis Trillo's (inset, top) son.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results