Patrick Garcia's mom sends condolence and congratulations to Jennylyn Mercado

IMAGE 0


Mrs. Bing Garcia, Patrick Garcia's mom, admits that she hasn't seen her grandson by Jennylyn Mercado (inset) since they have no communication anymore.



Kumpara sa mga nakaraang interview ng Showbiz Central sa inani Patrick Garcia na si Mrs. Bing Garcia, mas malumanay ang pagsasalita niyanang ma-interview siya nang live via phone patch ni Pia Guanio kahapon, August24.

Unang tinanong ni Pia kay Mrs. Garcia ay kung anong klasengsuporta na ang naibigay ng pamilya nila ngayong nakapanganak na angex-girlfriend ng anak niyang si Patrick Garcia na si Jennylyn Mercado. Bukod ditoay namatay pa ang ama-amahan ng young actress.

Hindi naman itinanggi ni Mrs. Garcia na wala pa silanganumang communication kay Jennylyn magpahanggang ngayon. "Unang-una, gusto munanaming ipahatid ang aming pakikiramay sa nangyari sa kanyang ama. Congratulationna rin sa baby, but hindi pa kasi namin nakikita ang baby," paliwanag ng ina niPatrick.

"Actually, wala na kasi kaming communication ever sincenag-change siya ng phone number at si Patrick, wala naman dito. Actually, thisis my first na magbati."

Meron ba silang intention na bisitahin si Jennylyn?

"Si Patrick kasi, wala siya rito. He's out of the country.Actually kasi, si Patrick, hindi niya dinala ang cell phone niya, iniwanan niya.‘Tapos, hindi naman niya alam ang nangyayari rito kasi the last time nanag-usap kami, wala pa namang ganoong pangyayari," lahad ni Mrs. Garcia.

Alam na ba ni Patrick na ipinanganak na ang kanyanganak kay Jennylyn?

"Hindi pa yata niya alam, e," sagot ni Mrs. Garcia

Tinanong din ni Pia kung ano ang plano nila ngayongnakapanganak na si Jennylyn at para maging maayos din naman ang pagkakilala ngbaby kay Patrick bilang daddy.

"Ay, ayokong pangunahan kasi yung mga plano nila. Marami pasilang dapat pag-usapan. Magkaintindihan. At si Patrick, he's already an adultso I'm giving him all the liberty para planuhin ang life niya. Kung hihingisila ng payo, nandito lang kami. Kung hindi naman nila kailangan, nandito langkami kung kailangan nila ng tulong namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Now that she already has a grandson, ano naman angnarararamdaman niya?

"Actually kasi, hindi ko alam yung feeling kasi, unang-una,first time. ‘Tapos, meron din naman akong grandson sa mga pamangkin. Actually,mga granddaughters. Hindi ko alam, e."

Hindi pa ba nakikita ni Mrs. Garcia ang picture ng apo sa TVor kahit sa MMS?

"Wala, wala pa kong nakikita. Hindi pa yata ipinapakita saTV, kahit sa MMS, wala rin namang nagpapadala."

Sa huli, may pahabol pang adviceang mommy ni Patrick kay Jennylyn.

"Gusto ko lang mag-advice kay Jen. Huwag siyangmasyadong palaging nakahiga. Kasi, hindi n'yo naitatanong, sa tatlong anak ko,caesarean ako. So, ang advice ng doctor ko, within 24 hours, tumayo na ako,maglakad-lakad. At sabi ng doctor, dapat daw ganoon para madaling gumaling angwound," paalala ng ina ni Patrick kay Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN