Mrs. Bing Garcia assures Jennylyn Mercado of moral support for her and baby Alex Jazz always

by Julie E. Bonifacio
Aug 25, 2008
"Kami naman, nandiyan palagi. Anytime siyempre, di ba? Ayaw mo naman maging gate crasher, di ba? Nandiyan lang kami," says Patrick Garcia's mother, Mrs. Bing Garcia.

Kinuha ng The Buzz ang reaksyon ng ina ni Patrick Garcia na si Mrs. Bing Garcia tungkol sa kumakalat na usapin na diumano'y hindi pa alam ni Patrick na nagsilang na si Jennylyn ng kanilang anak, na pinangalanan ng Starstruck alumna na Alex Jazz.

"Hindi ko pa nabalita, e," pahayag ni Mrs. Garcia sa The Buzz.

May nagsasabi na kamukha raw ni Patrick si Baby Jazz.

"Wala akong masasabi dahil hindi ko pa naman nakikita, e."

Willing ba sila na suportahan ang batang isinilang ni Jennylyn?

"Kami naman, nandiyan palagi. Anytime siyempre, di ba? Ayaw mo naman maging gatecrasher, di ba? Nandiyan lang kami."

May kumakalat din na tsismis na wala naman daw sa Amerika si Patrick kundi nasa rehab.

"Rehab dito sa Pilipinas? Meron bang makakalusot dito sa Pilipinas? Wala dito si Patrick. Kung saan man siya, sa ibang bansa, kineep lang namin na secret at private. Yun ang point ng bakasyon niya."

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Mrs. Garcia, bago matapos ang buwan ng Setyembre, babalik na sa bansa si Patrick para dumalo sa kasal ng kapatid na si Cheska Garcia sa Oktubre. At bukas ang pamilya nila sa posibilidad na madalaw si Baby Jazz, kung iimbitahan sila.

"Kung hindi naman kami welcome, ayaw naman namin ipilit yung sarili namin. Gusto na lang namin may invitation," pagtatapos ni Mrs. Garcia.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kami naman, nandiyan palagi. Anytime siyempre, di ba? Ayaw mo naman maging gate crasher, di ba? Nandiyan lang kami," says Patrick Garcia's mother, Mrs. Bing Garcia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results