Joseph Bitangcol claims he met up with ex-girlfriend Sandara Park while she was here

IMAGE 0


"Masaya nga kami, nagbibiruan, at pinag-usapan yung mga nakaraan na.Masaya. Matagal din kaming hindi nakapag-usap. Now, open na yung communicationnamin, pero bilang magkaibigan na lang," relates Joseph Bitangcol about seeing ex-girlfriend Sandara Park.



Pinabulaanan ng young actor na si Joseph Bitangcol angsinabi noon ng kanyang ex-girlfriend na si Sandara Park na hindi sila nagkausapo nagkita man lang nang magbakasyon ang Korean young actress dito sa bansa.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Joseph noong August 24sa birthday party ng entertainment writer na si Roldan Castro, sinabi niya nanagkaroon naman daw ng chance na magkita sila ni Sandara.

"Nagkita kami ni Sandy kasi na-extend ng two days yung stay niya dito. Thenight before she left, nagkita kami sa bar ko, sa Stoodio Bar. Dinala siya ngisang friend ko dun at nagkausap kami.

"Masaya nga kami, nagbibiruan, at pinag-usapan yung mga nakaraan na.Masaya. Matagal din kaming hindi nakapag-usap. Now, open na yung communicationnamin, pero bilang magkaibigan na lang," lahad ni Joseph.

So, wala na talagang tsansa na magkabalikan pa sila ni Sandara?

"Sa tingin ko, mukhang malabo na," sagot ng binata. "Unang-una, malayo nasiya. Kung magkakabalikan kami, parang wala rin. Mahirap kasi yunglong-distance love affair, di ba?"

Nang lumamlam kasi ang showbiz career dito sa Pilipinas niSandara ay nagdesisyon siyang bumalik sa South Korea para hanapin ang kanyangkapalaran doon. Sa ngayon ay unti-unti nang gumagawa ng kanyang pangalan doonang Star Circle Quest runner-up.

JOSEPH'S NEW GIRL. Malabo na nga sigurong magkabalikan pa sina Sandara at Joseph. Sa isang panayamkasi kay Sandara nang bumalik siya ng Pilipinas ay sinabi niya na wala nasiyang pagmamahal kay Joseph.

"Ako rin siguro, wala na yung love na naramdaman ko sa kanya dati," sabi naman ni Joseph. "Sabihin na natinna kung mahal ko man siya ngayon, parang, bilang isang kaibigan na lang."

Hindi kaya ang dahilan kaya wala na rin siyang pagmamahal kay Sandara ay dahilsa balitang may bago na siyang girlfriend na isang half-Pinay at half-Japanese,na ang pangalan ay Nami?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta, ‘tsaka na lang natin pag-usapan ‘yan. Okey kami at magkasundo. Yunna lang muna," iwas na sagot ni Joseph.

Pero bakit tila ang tipo niyang mga babae ay may foreign blood?

"Ewan ko, nagkakataon lang naman siguro. Siguro, sila yung medyo maganda sapaningin ko," sagot ni Joseph.

A DARING JOSEPH. Samantala, nagsimula na si Joseph ngshooting ng indie film na Walang Kawala, na idinidirek ni Joel Lamangan.Sa pelikulang ito ay ibang Joseph na raw ang mapapanood ng mga tao. Daring nakasi rito si Joseph. Kasama niya sapelikula si Polo Ravales.

"Dito sa movie namin, may love scene kami ni Polo, pero hindi ko pa alamkung hanggang saan ang pagpapaseksing gagawin ko, kasi nakakailang araw pa langnaman kami sa shooting.

"Kinakabahan na nga ang mommy ko kasi first time kong magpa-sexy. Alam ng mommyko na magpapa-sexy ako sa movie na ito, pero hindi niya alam kung hanggang saanyung gagawin ko. Ako din naman, e, medyo kinakabahan. Pero okey lang. Butt exposure,okey lang naman siguro, pero huwag lang sigurong frontal," pagtatapos niJoseph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN