Meryll Soriano admits she has yet to forgive husband Bernard Palanca

Aug 26, 2008
"Wala pa ako sa proseso sa pagpapatawad sa sarili ko man lang. Every day is a healing process. Every time I see my son, he helps me heal. Pero hindi pa ako completely over it," replies Meryll Soriano when asked about forgiving husband Bernard Palanca (inset).

Naging bukas ang aktor na si Bernard Palanca sa hirap na pinagdaanan niya nang magdesisyon siyang pansamantalang manirahan sa Melbourne, Australia, at talikuran sandali ang mundo ng showbiz.

In one interview, he admitted that because he felt unwanted and worthless, he even came to the point of attempting suicide para matapos na lang ang paghihirap niya. Ito ay matapos silang maghiwalay ng kanyang asawa na si Meryll Soriano bago pa man isilang ang kanilang anak na si Elijah.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Meryll, agad namin siyang hiningan ng reaksiyon sa mga pagsubok na pinagdaanan ng ama ng kanyang anak. Ano ang masasabi niya sa tingin ng iba na karma raw ito kay Bernard dahil sa pagpapabaya diumano sa kanilang mag-ina.

"Personally, I believe in karma, kaya nga you have to be careful sa kahit ano ang gagawin mo sa mga tao because you'll never know when karma will hit you. Hindi ko alam kung karma nga yun, pero kung karma nga yun, e, di karma. But yun pa rin yun, e. He needed that to realize things and learn.

Continue reading below ↓

"Alam mo, naniniwala ako na kung anuman ang dinadaanan o pinagdadaanan ng isang tao, it's for him. Just like I've said, he needed that, it's a humbling experience and it's a reality check. Hindi ko sinasabi na he deserves it, but he needed that to realize a lot of things.

"Different forms, different problems, pero same emotions. Kung anuman ang pinagdaanan niya, maybe patas ng pinagdaanan ko. God kasi, He just moves in different ways, He shows Himself in different ways, different situations. It doesn't mean problem, it's just an obstacle that you really have to go through. He [Bernard] needed that to become who he is right now. I'm sure his family is proud of him," pag-aanalisa ni Meryll.

Sinabi rin ni Bernard na ang pagkakaroon niya ng trabaho ngayon ay para sa anak na si Elijah. Aminado si Meryll na pagdating sa financial support ay wala pang naibibigay sa kanya ang ama ng anak, pero sa sarili nitong paraan ay nagbibigay naman ito kahit papaano.

Continue reading below ↓

"Kung nagtatrabaho man siyang mabuti ngayon, dapat lang naman because parents should do that for their kids. I think that's the rightful thing to do on both our sides, because kung anuman ang pinagdanan mo sa past, sa parents mo, sa life mo, dapat hindi ganun ang ibibigay natin sa anak natin.

"Sa ngayon, hindi pa siya nagbibigay ng financial support. But, you know, he gives mga diapers, milk, supplies, and it helps. Yung support financially kasi, I don't ask and I will never ask."

Pero nilinaw naman ni Meryll na she has a good relationship with the Palancas. Dumadalaw pa rin siya sa kanila, kasama si Elijah.

"Mababait sila, mahal na mahal ko yung family ni Bernard, sincerely. Dumadalaw kami, you really have to put aside...para sa anak ko."

Balita rin na may balak na raw si Bernard na ipa-annul na ang kasal nila ni Meryll. Sa parte ng aktres ay walang magiging problema sa kanya ang desisyon na ito ng aktor.

Continue reading below ↓

"Talaga? Hindi ko alam ang tungkol diyan, but that's good. Sana siya na lang ang mag-file," saad ni Meryll.

Sa tanong kung napatawad na ba niya si Bernard sa ginawa nito at sa kinauwian ng pagsasama nila, nagpakatototong inamin sa amin ni Meryl na wala pa siya sa ganitong punto.

"Wala pa ako sa proseso sa pagpapatawad sa sarili ko man lang. Every day is a healing process. Every time I see my son, he helps me heal. Pero hindi pa ako completely over it."

Kasama si Meryll sa cast ng bagong primetime series ng ABS-CBN na I Love Betty La Fea.
Read Next
Read More Stories About
Meryll Soriano, Bernard Palanca
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala pa ako sa proseso sa pagpapatawad sa sarili ko man lang. Every day is a healing process. Every time I see my son, he helps me heal. Pero hindi pa ako completely over it," replies Meryll Soriano when asked about forgiving husband Bernard Palanca (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results