Pauleen Luna laughs off Sherwin-Charee rumor

Aug 28, 2008
"Sa pagkakaalam ko, magde-debut pa lang si Charee. Para namang masyadong bata na iyon, di ba? Nagkakausap naman kami ni Sherwin at natawa rin siya sa tsismis. Hindi naman daw totoo iyon," says Pauleen Luna about the rumors linking her ex-boyfriend, Mayor Sherwin Gatchalian of Valenzuela, Bulacan, to young star Charee Pineda.

Nangingiti na lang si Pauleen Luna sa kumakalat na balitang nililigawan na raw ng kanyang ex-boyfriend na si Mayor Sherwin Gatchalian ang young star na si Charee Pineda.

Si Charee ay dating girlfriend ng isa sa original StarStruck stars na si Tyron Perez. Nag-break sila last year after three years. Lumabas si Charee sa ilang soap drama ng GMA-7, kabilang na rito ay ang Ikaw Sa Puso Ko (ng TAPE Inc.), Etheria at Impostora. Naging part din siya ng cast ng Let's Go at Gokada ng ABS-CBN.

May nagparating nga raw kay Pauleen tungkol sa naturang tsismis at natawa lang siya. Masyado raw kasing bata si Charee para pormahan ng kanyang ex-bf.

"Sa pagkakaalam ko, magde-debut pa lang si Charee," diin ni Pauleen. "Para namang masyadong bata na iyon, di ba? Nagkakausap naman kami ni Sherwin at natawa rin siya sa tsismis. Hindi naman daw totoo iyon."

Kilala nga raw ni Pauleen si Charee at alam niya na SK president ito sa Valenzuela, Bulacan. Tinutulungan lang daw ni Mayor Sherwin si Charee sa mga proyekto nito para sa mga kabataan.

Continue reading below ↓

"I know Charee at alam ko na she has projects for the youth of Valenzuela. Tumutulong lang si Sherwin sa kanya. Siguro nabigyan lang ng malisya yung parati silang nakikitang magkasama.

"Hindi naman date yung ginagawa nila, e. Mga charity work ang pinagkakaabalahan nila kaya nakakagulat naman na malagyan iyon ng malisya."

Wala nga raw na ini-entertain na mga manliligaw si Pauleen ngayon. Para sa kanya ay magpapahinga raw muna siya sa pagkakaroon ng relasyon. Mas gusto raw niyang makasama ang mga barkada niya para mag-enjoy.

"I missed being single kasi. I realized na sa age kong ito, I should be enjoying my single life. Na-miss ko ang mga friends ko at parati nga kaming magkakasama at lumalabas. Masaya ako kahit walang boyfriend, sa totoo lang.

"Tulad ngayon, wala pa akong bagong show na ginagawa kasi tapos na ang character ko sa Ako Si Kim Samsoon, at Eat Bulaga lang ang pinaka-work ko. Kaya I have time to really go out and enjoy my single life."

Continue reading below ↓

Kasabay nga sa pag-enjoy ni Pauleen ay ang patuloy na pagpapa-sexy niya. Endorser si Pauleen ng Dr. Joel Mendez Clinic at kitang-kita nga ang kaseksihan niya ngayon sa pamamagitan ng malaking billboard niya sa EDSA.

"Nagulat din ako sa kinalabasan ng billboard. Maraming kuha iyon at hindi ko alam na yun pala ang pinili nila. I'm happy with the results and I'm thankful din sa Renew Placenta because mas napapaganda pa nila ako lalo.

"Kasi this is the time na I have to be conscious of my figure and my skin. Single girl nga ulit ako at nasa market na ulit. So, they have to see something new and different sa akin. Sabi nga nila na the best breakup revenge is to look fabulous, di ba? Kaya yun ang ginawa ko sa sarili ko."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa pagkakaalam ko, magde-debut pa lang si Charee. Para namang masyadong bata na iyon, di ba? Nagkakausap naman kami ni Sherwin at natawa rin siya sa tsismis. Hindi naman daw totoo iyon," says Pauleen Luna about the rumors linking her ex-boyfriend, Mayor Sherwin Gatchalian of Valenzuela, Bulacan, to young star Charee Pineda.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results