Judy Ann Santos ready to face the court's verdict on her tax-evasion case

Sep 1, 2008
"Basta nagdarasal na lang ako na sana matapos na. Kung anuman ang magiging hatol ng korte, haharapin ko naman. Be it guilty or not guilty, haharapin ko talaga yun," says young superstar Judy Ann Santos about her tax-evasion case.

Sinalubong ng Showbiz Central si Judy Ann Santos pagkagaling ng grupo nila, na kinabibilangan din nina Beth Tamayo at Direk Dante Garcia, mula sa Cuyo, Palawan. Bumalik sa naturang lugar ang superstar para tanggapin ang plaque of certification na siya ay isa nang adopted daughter na ng Cuyo, Palawan, along with Juday's best friend na si Beth Tamayo.

Kasabay rin ng naturang ceremony sa mismong araw ng Cuyo Island ay ang special screening ng Ploning, where the film was shot.

Ayon kay Juday, wala raw talaga siyang matatawag na probinsiya kung kaya't ganun na lang ang tuwa niya nang i-adopt siya ng mga taga-Cuyo.

"Ito lang ang probinsiya rin na maituturing ko at madalas kong nakikita. Masayang-masaya ako. Yun nga ang pinag-uusapan namin, bakit wala tayong probinsiya? Nakakatuwa actually at nakaka-overwhelm na Cuyonon... na finally may probinsiya na kami. The mere fact na napamahal na rin naman sa amin ang Cuyo. Touched na touched ako sa nangyari," lahad ni Juday.

Continue reading below ↓

Maging si Beth ay hiningan ng reaksiyon sa pagiging adopted daughter na niya ng Cuyo, Palawan. Aniya, "Siyempre masaya! Hindi naman lahat ng tao nabibigyan ng chance na ma-adopt ng isang municipality, di ba?"

Hindi raw inaasahan ni Beth na pati pala siya ay ia-adopt ng naturang isla.

"Nagulat talaga ako kasi kami yung nagho-host ng program. ‘Tapos noong nakita ko yung plaque, hindi lang pala siya, pati pala ako may plaque, kaya ‘Ha? Adopted na rin pala ko!'" masaya niyang sabi.

As early as now, naipapakita na raw ni Juday na karapat-dapat siyang maging isang Cuyonon dahil sa mga tulong na naiisip niyang ibigay sa lugar, lalo na sa Cuyo Hospital.

Ayon kay Juday, "Nagpunta kami ro'n, not only for the fiesta and for the special screening of Ploning, but also for the medical mission na gagawin namin sa hospital. Nag-ocular [inspection] kami. Nag-groundbreaking din kami. Tiningnan namin ang mga kailangan. Actually, yung mga basic needs na dapat nasa isang hospital. Pero hospital ito na masasabi, pero wala silang ganoong supplies dahil hindi na raw umaabot ang tulong sa kanila dahil malayo."

Continue reading below ↓

Para kay Juday, ang Cuyo ay isang napakaganda at napaka-romantic na lugar. Kaya naman hindi na maiwasang itanong kay Juday kung doon na rin ba gagawin ang much-awaited wedding nila ng kasintahan niyang si Ryan Agoncillo at kung doon na rin sila maninirahan for good.

"Hindi ko alam. At the same time, hindi naman malayo, alam n'yo yun?" natatawa niyang sabi.

Dagdag niya, "Siguro maaaring dumating ang panahon na bumili kami ng something, or you know... Pero hindi namin masasabi. Pero definitely, isa yun sa mga lugar na babalikan namin. At saka eventually siguro, papakiusapan ko na rin si Mayor na baka puwedeng i-adopt na rin ang anak ko!" tawa niya ulit.

Masayang-masaya naman si Juday kahit pa nga kamakailan ay ibinasura ng Supreme Court ang apela niya sa isinampang multi-million tax evasion case sa kanya ng BIR (Bureau of Internal Revenue).

"Basta nagdarasal na lang ako na sana matapos na. Kung anuman ang magiging hatol ng korte, haharapin ko naman. Be it guilty or not guilty, haharapin ko talaga yun," saad ng aktres.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, she's hoping for the best na lang daw sa anumang kakahinatnan ng kaso niya. Tutal naman daw, Cuyo is just a 12 hours away para mapuntahan niya at malinawan ang kanyang isip from all the stress.

"Minsan ka lang naman mapupunta sa isang lugar na payapa. Sa isang lugar na makakapagpahinga ka nang maayos. ‘Tapos, napakababait ng mga tao. Napakabubuti ng mga puso. Napakapayapa rin ng buhay nila roon. Relax lang ba... Dito kasi sa Maynila, parang wala kang makitang relaxed na tao," nakangiting pahayag ni Juday.

Inihayag din sa Showbiz Central ang magandang balita na ang Ploning ang magiging official entry ng Pilipinas sa Oscar Awards next year para sa kategoryang Best Foreign Language Film.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Basta nagdarasal na lang ako na sana matapos na. Kung anuman ang magiging hatol ng korte, haharapin ko naman. Be it guilty or not guilty, haharapin ko talaga yun," says young superstar Judy Ann Santos about her tax-evasion case.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results