Jennylyn Mercado on being a mother: "Sobrang sarap ng feeling!"

IMAGE 0


"Pagkakita sa baby, parang nawala lahat ng hirap sa panganganak. Hindi koma-explain ang feeling, pero basta sobrang saya! Yun lang ang masasabi ko, walangkapalit ang pagiging mommy basta nakikita mo na ang anak mo," relates new mom Jennylyn Mercado.



Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpaunlak ng interview siJennylyn Mercado sa Showbiz Central kahapon, August 31, pagkatapos niyangmanganak at pagkatapos sumakabilang-buhay ng kanyang ama-amahan na si Mr. Roger Mercado.Live siyang nakausap ni Pia Guanio via phone patch tungkol sa kalagayan niyangayon bilang isang bagong ina at kung ano ang mga plano niya ngayongnakapanganak na siya.

"I'm okay, happy," natatawang sabi ni Jennylyn na nagsilangnoong August 16 ng kanyang anak sa dating boyfriend na si Patrick Garcia.Pinangalanan ni Jennylyn ang kanyang anak ng Alex Jazz Mercado.

"Yung father ko, gusto niya yung Jazz. ‘Tapos, dinagdagan nalang namin ng first name," banggit ng young actress.

Kinumusta rin ni Pia ang naging delivery ni Jennylyn dahilbalita raw na halos 24 hours siyang nag-labor.

"Actually, hindi lang 24 hours, lumampas pa," sabi niJennylyn. "Umabot ng 30 hours yung labor ko. Halo-halong sakit. Buong katawanko, masakit. ‘Tapos gutom ako, 24 hours na nga akong hindi kumakain. Hindipuwedeng uminom kasi ganun, e, hindi ka puwedeng kumain. Hindi ka puwedenguminom ng liquid, kasi meron kang IV [intravenous therapy]."

Ginawa pang halimbawa ni Pia ang anak ng boyfriend niyang si VicSotto na si Danica Sotto na ngayon daw, kung saan-saan na namamasyal kasama anganak. Si Jen ba ay naggagalaw na rin?

"Ako ano, within 24 hours, lumakad na ko," saad ni Jennylyn.

After mag-extend ng condolences ni Pia kay Jennylyn dahil sapagyao ni Mang Roger, tinanong niya ang young actress how is it na afterniyang manganak at maiuwi ang bata sa bahay, saka naman pumanaw ang kanyangama-amahan.

"Sobrang hirap!" sagot ni Jennylyn. "Sobrang emotional konung time na yun. Happy at the same time, malungkot. Kasi pagkadating napagkadating ko rito sa bahay, parang hinintay lang niya [Mang Roger] ang aponiya. Kinagabihan, nagpahatid na rin siya sa hospital."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Pia that last week sa Showbiz Central ay nakausapnila via phone interview si Mrs. Bing Garcia, ang ina ni Patrick. Pia asked Jennylynkung may plano ba siyang ipaalam o ipakita ang kanyang anak sa mga Garcia dahiltila hindi nila agad nalaman na nanganak na ang young actress.

"Everybody knows naman na I gave birth na. Siguro walanamang halos hindi nakakaalam na nanganak ako. Halos buong Pilipinas, alam na.Kayo nga, di ba, alam n'yo?" medyo natatawang sabi ni Jennylyn.

"So, you don't have any intention of telling them personally?"tanong ni Pia at saka idinugtong na kumbaga ay basahin na lang daw ng mga Garcia sa peryodiko atpanoorin na lang nila sa TV ang mga nangyayari kay Jennylyn.

"Kung gusto nila, pero I don't wanna talk about themanymore. Move on na. Ayoko na silang pag-usapan," pahayag ng young actress.

May komento pa si Pia after ng sinabi ni Jennylyn, naneedless to say ay bad vibes pa rin sila ng mga Garcia. After that, Piaswitched the topic to Jennylyn's plans now that she has given birth. Kailan siyamuling makikita at mapapanood ng kanyang mga fans at makita rin siyempre angkanyang baby?

"By October, maglalabas kami ng coffeetable book," aniya. "Doonnila makikita ang baby ko. Puwede silang bumili sa mga bookstores,magazine stand. Makikita roon simula nang mabuntis ako, manganak ako, and mybaby. Makikita nila ang buong experience ko."

Wala pang masabing detalye si Jennylyn pagdating sa binyagng kanyang anak at kung sinu-sino rin ang magiging mga ninong at ninang. "Sa ngayon, hindi pa namin napag-uusapan ang binyag. Soonsiguro," sabi ni Jennylyn.

Kumusta naman ang baby niya ngayon at nakakapag-adjust na basiya sa bago niyang role as a mom?

"Well, nakakapanibago kasi first time kong maging mommy.Buti na lang, nandiyan yung mom ko. So, inaalalayan niya rin ako. Ngayon kasi,medyo masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako makalapit masyado kay baby," saadni Jennylyn, na sinabi ring nagbi-breastfeed siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How is it na finally ay nakikita na niya ang kanyang baby inher arms?

"Ang sarap ng feeling!" bulalas ni Jennylyn. "Sobrang sarapng feeling! Parang nawala lahat ng hirap. Parang nawala lahat ng labor pains.Pagkakita sa baby, parang nawala lahat ng hirap sa panganganak. Hindi koma-explain ang feeling, pero basta sobrang saya! Yun lang ang masasabi ko, walangkapalit ang pagiging mommy basta nakikita mo na ang anak mo."

Sa huli, hiningan niPia ng mensahe si Jennylyn para sa kanyang mga fans

"Siyempre, maraming salamat sa suporta. Hanggang ngayon,hindi pa rin nila ako iniiwan. Nandiyan pa rin sila para sa akin. Thankful akona nandiyan sila. Siguro kung wala sila, wala rin ako ngayon dito, kung nasaanako. At sana, abangan n'yo ang pagbabalik ko at sana suportahan n'yo pa rinako. Maraming-maraming salamat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN