Jericho Rosales talks about ex-girlfriend Heart Evangelista and leading lady Carmen Soo

by Julie E. Bonifacio
Sep 2, 2008
"The set loves her. She's friendly sa lahat ng mga tao. [To Carmen Soo] You have to excuse me if I talk in Tagalog sometimes," Jericho Rosales describes his Kahit Isang Saglit leading lady, Carmen Soo.

Maituturing na memorable para kay Jericho Rosales ang pinakabago niyang teleserye sa ABS-CBN na magsisimula na sa September 15, ang Kahit Isang Saglit. Bukod sa malaking effort na ibinigay ni Jericho habang ginagawa ang Asianovela na ito na kinunan pa sa Malaysia at dito sa Pilipinas, very sentimental at personal rin ito sa kanya.

Una na rito ang pagpanaw ng direktor ng Kahit Isang Saglit na si Gilbert Perez, na pinalitan eventually ni Jerry Sineneng.

"Ngayon, medyo naka-recorver na kami from Manong's death. Seventy-five percent na yata complete sa show namin," saad ni Jericho nang makapanayam siya ng The Buzz last Sunday, August 31.

Pangalawa, kasabay ng mga pinagdaraanan niya sa paggawa ng Kahit Isang Saglit ang pagwawakas ng relasyon nila ni Heart Evangelista. Inulat ng The Buzz na hindi na suot ni Jericho ang singsing na nag-uugnay sa kanila ni Heart.

"I guess, it helps to put some things aside for awhile para maayos ko yung sarili ko, di ba?" sabi ng young actor.

Continue reading below ↓

Buong loob na hinarap din ni Jericho ang mga isyung hindi pa niya nabibigyang linaw. Ipinahayag ni Jericho na wala siyang regret na tumigil muna siya sandali sa pag-arte at hinarap ang pangarap niya na maging isang singer. Naging worth it naman daw ang pansamantalang pagtigil niya sa pag-arte at mas pinili ang pagkanta.

Dahil sa kanyang pagtigil sa pag-arte, naging malayo tuloy ang agwat ng kasikatan niya kina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. Pero sa kabila nito, hindi raw nakaramdaman si Echo ng insecurity sa dalawang aktor na namamayagpag sa paggawa ng teleserye sa panahon na wala siyang TV projects.

"I'm very happy for Piolo. He is my very good friend. Hindi kami close ni John Lloyd, but I am happy for the guy."

Nagsalita rin si Jericho sa kasalukuyang kalagayan ng relasyon nila ni Heart.

"Tumawag ako sa kanya at sabi ko, ‘Is it over?" sabi ni Jericho.

Continue reading below ↓

"Yes, it is over," ang isinagot daw ni Heart sa kanya.

Dahil doon, binura na ni Jericho ang number ni Heart para hindi na niya muling abalahin ang dating kasintahan.

Itinanggi rin ni Jericho ang isyu na sinisigawan at minura niya raw noon si Heart. May time lang daw na mataas ang boses niya kapag yun ang mood niya, lalo't may konting problema sa trabaho. May mood din naman daw si Heart na mataas din ang boses, pero hindi raw sila nagmumurahan at nagsisigawan kapag nag-aaway.

Tungkol sa diumano'y third party sa hiwalayan nila ni Heart, wala raw siyang magagawa kung yun ang inisip ni Heart. Pero ipinagdiinan ni Jericho na wala talagang ibang babae sa buhay niya.

CARMEN SOO. Pagkatapos ng solo interview kay Jericho ni Boy Abunda, tinawag na ang leading lady niya sa Kahit Isang Saglit, ang Malaysian actress and model na si Carmen Soo.

Tinanong ng The Buzz host si Carmen kung nangyari na ba in her life na hindi niya gusto ang lalaki, pero mahal niya?

Continue reading below ↓

"I'm sure it happened in real life," umpisa ni Carmen. "To people, generally."

Naramdaman ba niya ito kay Jericho?

"It does happen when we're doing the scene." Pero hindi raw off-cam.

Si Carmen ang isa sa mga sinasabing dahilan ng hiwalayang Jericho at Heart. Natawa muna ng bahagya si Carmen bago sumagot.

"Well, we are friends. We work very well together. He's been somewhat a mentor to me. Every time we do a scene, he helps me out and I'm away from home," sabi ni Carmen.

Sila ba ni Jericho ang magkaibigan na nagiging close and eventually will get married?

Unang sumagot si Jericho. "Carmen is a very nice person, very likeable, and I thought you said you like me, e," biro ni Jericho kay Carmen. "No, no, no, no. She's very nice, very professional, and ayaw ko nahihiya ako."

Tinanong ni Boy si Carmen kung may posibilidad ba na ma-in love siya kay Jericho.

Continue reading below ↓

"Well, I don't know. It's not something that I think about and right now, it's just we're friends."

Open ba si Carmen sa lahat ng possibilities in life?

"I try to, but also a degree of care. But working with him, he's great."

One word to describe Jericho?

"Okey, guwapo!" tawa niya.

Kasunod nito, si Jericho naman ang naglarawan kay Carmen sa isang salita.

"Gorgeous," ngiti ni Echo.

Pinuri naman ni Carmen si Jericho.

"Ah, he's brilliant, very intense. He helps me out, too."

"Crazy" naman ang paglalarawan ni Carmen kay Jericho off-cam.

Sumunod ay si Echo naman ang nag-describe kay Carmen habang ginagawa nila ang Kahit Isang Saglit.

"The set loves her. She's friendly sa lahat ng mga tao. You have to excuse me if I talk in Tagalog sometimes," sabi niya kay Carmen.

"Para siyang Pilipina," patuloy ni Echo. "May kalidad siya na parang Pilipina. She tries very hard to blend in and to understand whatever we are in. She's very respectful, hardworking, and she's tough, you know."

Continue reading below ↓

Nagbigay rin ng mensahe si Carmen para kay Jericho.

"I said thank you for all the help that you've given me all this time. And thank you for taking good care of me."

At para sa Pinoy audience na nag-aabang na ng teleserye nila ni Jericho, ito ang sabi ni Carmen: "Well, we had amazing experience shooting this in both countries. We went through a lot and are still going through a lot. I hope that you enjoy as much as we enjoy filming it, and it's a great story."

ECHO'S LAST WORDS. Bago matapos ang show, nagbigay ng kanyang huling pananalita si Jericho.

"Bago ang lahat, bago ako pumunta doon sa mga... Punta muna ako sa isang mahalagang tao, ‘no. Uhm, this is guess the last time I'm gonna talk about Heart on TV, maybe as a friend, puwede pa sa susunod. I'll always be a friend and at this time, I'll stop it na. I wanna let her move on. Thank you sa lahat ng tumulong sa amin, lahat ng sumuporta sa amin. Sa Heartthrob, thank you very much. I love you guys, thank you.

Continue reading below ↓

"Sabi mo, Kuya Boy, sabihin ko na ang gusto kong sabihin, sa inyo na po muna ako. Sa inyo po muna ako magpo-focus and sa lahat po ng mga manonood ng Primetime Bida ng ABS-CBN at sa lahat po ng manonood sa primetime, ‘eto po, pinaghirapan ko po talaga. Lahat ng mga bagay na hindi ko nagagawa noon, nagawa ko rito, off and on cam. Para sa inyo po. Handog po sa inyo ng ABS-CBN.

"Isang pribeleheyo ko na makasama sa isang ganitong kalaking project na ipapalabas hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa Malaysia at Singapore. I take pride. Maraming, maraming salamat at para po sa inyo ito. At ipagpatuloy po ninyo ang suporta ninyo kasi marami pong natutuwa na magsilbi para sa inyo. Galing po sa amin ni Carmen Soo and the whole thing of Kahit Isang Saglit, ah, September 15 na po," pahayag ni Jericho.

Makakasama rin nina Jericho at Carmen sa Kahit Isang Saglit ang iba pang mga bigating artista tulad nina Albert Martinez at Christopher de Leon. Kasama rin sa cast si Cristine Reyes, sa kanyang unang teleserye sa ABS-CBN, na magiging ka-love triangle nina Jericho at Carmen sa teleserye.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"The set loves her. She's friendly sa lahat ng mga tao. [To Carmen Soo] You have to excuse me if I talk in Tagalog sometimes," Jericho Rosales describes his Kahit Isang Saglit leading lady, Carmen Soo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results