Dingdong Dantes surprises girlfriend Karylle on her first performance in "West Side Story"

Sep 4, 2008
"Ang galing! Sobrang proud. Alam kong matagal niyang pinaghirapan yun. And the moment she came out kanina, sobrang tumatayo ang balahibo ko, kahit kanina, yung mga dulong eksena," says Dingdong Dantes about the performance of girlfriend Karylle as Maria in the musical West Side Story.

‘Tulad ng napagkasunduan nila, tinotoo ni Dingdong Dantes na huwag ipaalam sa kanyang girlfriend na si Karylle kung anong araw siya manonood ng West Side Story. Wala nga raw idea si Karylle na nasa audience si Dingdong kagabi, September 3, sa Meralco Theater kung saan si Karylle ang gumanap bilang Maria; kahalili niya sa naturang role si Joanna Ampil.

Nang magkaroon ng 15-minute break, pinuntahan na kaagad ng iba't ibang TV crew at ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong para makapanayam at mahingan ng reaction sa performance ni Karylle at sa mga kissing scenes ng girlfriend sa kapareha nito na si Christian Bautista.

"Ang galing! Sobrang proud," bulalas ni Dingdong. "Alam kong matagal niyang pinaghirapan yun. And the moment she came out kanina, sobrang tumatayo ang balahibo ko, kahit kanina, yung mga dulong eksena."

May mga pagkakataon daw na nakakadalaw si Dingdong sa rehearsals ng West Side Story, pero madalas ay during break time daw siya nakakadaan. Kaya kagabi lang daw talaga ang unang beses na napanood niya ito nang buo.

Continue reading below ↓

Ano naman ang naramdaman ni Dingdong dun sa wedding scene nina Karylle at Christian?

"It's a very touching scene. Sobrang ano...sobrang may tama!" natatawa niyang sabi.

Wala raw talagang alam si Karylle na kagabi siya manonood. Kung sakali man daw, baka nakakakutob lang ito dahil si Dingdong mismo ay ayaw ma-miss ang first-night performance ng kanyang kasintahan.

"Unang-una, alam ko na special sa kanya ito. Nandito lahat, family niya, mga friends niya. Everybody is here to support her. Ang galing! The whole cast, Christian Bautista, Gian Magdangal, and the whole production," papuri ng young actor.

Kaya ba niya hindi ipinaalam kay Karylle na nandun siya ay dahil baka mailang ito?

"Hindi naman. Kasi, alam ko naman na may ganoon [kissing scene]. Hindi...hindi ganoon," nakangiti niyang sabi.

Kung hina-highlight man daw ng ilan ang mga kissing scenes nina Karylle at Christian bilang sina Maria at Tony, tingin daw ni Dingdong ay hindi yun ang mas mapapansin sa kabuuan ng play.

Continue reading below ↓

"Sabi ko nga, natabunan yun kasi maganda ang buong scene, ‘tapos yung pagkanta nila. And it's tastefully done," sabi ni Dingdong.

Nagpaalam ba sa kanya si Karylle bago siya pumayag sa kissing scenes?

"Alam ko yun...alam ko. Hindi naman kailangang magpaalam. Kumbaga, sinabi lang niya at sabi ko naman, whatever it takes to make it more beautiful."

Alam daw ni Dingdong na kayang-kaya ni Karylle ang mga ipinakitang pagkanta ng classical sa play. Ito ay sa kabila ng madalas na napapanood si Karylle sa SOP doing pop and not the type of music na nagawa niya nang napakaganda sa West Side Story.

Kaya sinag-ayunan din ni Dingdong nang banggitin namin sa kanya ang sinabi ni Karylle nang huli itong makausap ng PEP na may plano siyang mag-try sa West End o sa Broadway.

"Oo! Gusto niya yun! Totoo yun! Kayang-kaya niya yun. Posibleng gawin niya yun. Kung kinakailangang ihatid ko siya, gagawin ko," sambit ni Dingdong.

Continue reading below ↓

If ever, that would mean na magkakahiwalay sila nang matagal and it could mean a long-distance relationship. Okey lang ba kay Dingdong yun?

"Siyempre, hindi," sagot niya. "Pero kung para sa kanya, kung sa pag-blossom ng kanyang ginagawa, why not? Hindi ko naman siya pipigilan, e."

Hindi naman sinang-ayunan ni Dingdong ang impression ng ilan na tila "martyr girlfriend" si Karylle sa pagiging sobrang supportive nito sa kanya, lalo't higit sa love team nilang dalawa ni Marian Rivera.

"No! Hindi...she's a talented young woman and she has things to do. Nagkataon lang na hindi swak yung line of career namin. Pero this one [West Side Story], this proves that she's a great performer, great person. I would like to think na mas supportive siya than that. I am very, very proud of her," pahayag ni Dingdong.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang galing! Sobrang proud. Alam kong matagal niyang pinaghirapan yun. And the moment she came out kanina, sobrang tumatayo ang balahibo ko, kahit kanina, yung mga dulong eksena," says Dingdong Dantes about the performance of girlfriend Karylle as Maria in the musical West Side Story.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results