Angelica Panganiban hurt by press treatment of her problem with Derek Ramsay in the past

Sep 4, 2008
Angelica Panganiban laments: "I must admit nasaktan lang ako, may gulo nang nangyayari sa amin ni Derek, may inaaayos kami, sana hinayaan na lang muna ako, hinayaan muna kaming dalawa. Pero hindi, dinagdagan lang nila yung sakit na nararamdaman ko. Nabasa ko yun sa mga taong matagal ko nang kasama sa industriya, matagal ko nang pinagkakatiwalaan. ‘Tapos sa kaunting isyu lang pala, yun lang pala ang katapat nila. Masakit sa akin yun."

Now that Angelica Panganiban and Derek Ramsay are visible again in showbiz gatherings and events, obviously, whatever problems and intrigues their relationship encountered before are now part of the past.

Sa presscon noon ng Iisa Pa Lamang ay naging emosyonal si Angelica at inamin nito na may inaayos silang gusot ni Derek. Taliwas naman ito sa sinabi ni Derek na wala silang problema ng kasintahan.

Tuloy, kung anu-anong alegasyon ang lumabas; napagbintangan pa nga si Angelica na gumigimik at parte lamang ito ng publicity slant para sa Iisa Pa Lamang.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Angelica, sinabing naniniwala siya na kung anuman ang pinagdaanan nila ni Derek ay lalo lamang nagpatatag at nagpatibay sa relasyon nila.

"I can say na kailangan naming talaga yung moment na yun. Pakiramdam ko, ibinigay yun ni Lord sa amin para maging maayos kaming dalawa," saad ni Angelica.

Sa loob ng matagal-tagal ding panahon ay pinili nina Angelica and Derek na magsalita na tungkol diumano sa kanilang breakup, na sinasabi nilang walang katotohanan. May naging sama ba ng loob si Angelica sa press dahil sa nangyari at sa mga alegasyon na naipukol sa kanya?

Continue reading below ↓

"Wala akong karapatang magtampo kasi trabaho ninyo ‘yan," sabi niya. "Ang sa akin lang, sana alam lang nila yung limitations nila kung ano lang ang puwede nilang sabihin. Kasi sa akin, may boundaries dapat, baka natatapakan na nila yung borderline ng friendship saka ng trabaho. Hindi ako mahirap kausapin na tao, mas gusto ko magkakaibigan tayong lahat kesa magkakatrabaho tayo.

"I must admit nasaktan lang ako, may gulo nang nangyayari sa amin ni Derek, may inaaayos kami, sana hinayaan na lang muna ako, hinayaan muna kaming dalawa. Pero hindi, dinagdagan lang nila yung sakit na nararamdaman ko. Nabasa ko yun sa mga taong matagal ko nang kasama sa industriya, matagal ko nang pinagkakatiwalaan. ‘Tapos sa kaunting isyu lang pala, yun lang pala ang katapat nila. Masakit sa akin yun.

"At least ngayon, kilala ko na yung mga taong tunay na nagmamahal sa akin, yung mga taong hanggang sa dulo ay sumusuporta sa amin ni Derek," pahayag ni Angelica.

Continue reading below ↓

OVERCOMING FEAR. Sa husay na ipinapakita ni Angelica sa teleserye ng ABS-CBN na Iisa Pa Lamang, kung saan gumaganap siya bilang si Scarlet, marami ang humahanga na habang tumatagal ay lalo raw humuhusay ang acting ng young actress. Inamin ni Angelica na muntik na niyang hindi tanggapin ang role sa takot na baka hindi niya magampanan ito.

"Talagang puro kaba at takot ang naramdaman nung in-offer sa akin yung Iisa Pa Lamang," pag-amin ni Angelica. "Nagdalawang-isip ako bago ko tanggapin yung project dahil feeling ko, hindi pa ako hasa, baka hindi ko maibigay kung ano ang hinihingi sa akin. Hindi yun nakita ng mga tao, pero yun ang takot ko.

"Pero heto na naging successful naman kaya talagang happy ako. It's very inspiring and every time na may naririnig akong tao na pumupuri talaga sa project namin, talagang nakaka-encourage na pagbutihin pa naming lalo yung trabaho namin.

"Napaka-thankful ko, kasi simula sa director namin hanggang sa mga eksena ko, sinsuportahan nila ako, talagang tinutukan nila ako, sinasabi nila ang mga dapat kong gawin. Natutuwa ako kasi kung ano yung takot ko na gawin yung mga scenes ko, nakikita nila yung effort na pagbutihan ko. Kumbaga, nagpe-pay off lahat ng ginagawa ko. Masaya ako dahil may mga napapasaya akong tao at nagagawa ko yun nang wala akong taong kailangang gamitin o kailangang tapakan para lang marinig ko yung mga salitang yun."

Continue reading below ↓

MOM'S RECOVERY. May bali-balita noon na naospital ang ina ni Angelica. Pero tiniyak ni Angelica sa PEP na okey na ang kanyang mommy at matagal na itong nakalabas.

"May nakita na something sa katawan niya na kailangang tanggalin. Naapektuhan yung paghinga niya kasi malapit yun sa heart at may mga veins na tinatamaan. Three weeks siya sa hospital, pero okey na siya ngayon, naka-recover na siya," pagtatapos ni Angelica.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban laments: "I must admit nasaktan lang ako, may gulo nang nangyayari sa amin ni Derek, may inaaayos kami, sana hinayaan na lang muna ako, hinayaan muna kaming dalawa. Pero hindi, dinagdagan lang nila yung sakit na nararamdaman ko. Nabasa ko yun sa mga taong matagal ko nang kasama sa industriya, matagal ko nang pinagkakatiwalaan. ‘Tapos sa kaunting isyu lang pala, yun lang pala ang katapat nila. Masakit sa akin yun."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results