Derek Ramsay says trust and time make his relationship with Angelica Panganiban work

IMAGE 0


"We adjust with each other and at the same time sobrangbalanse ang time naming dalawa. We have time for each other, we have timefor our work, we have time for our families and we have time for other thingsna gusto naming gawin sa buhay namin. May oras kami para sa sarili naminkasi baka magsawa kami ‘ pag kami na lang ng kami ang laging magkasama," saysDerek Ramsay regarding his relationship with Angelica Panganiban.


Pagkatapos ng sunud-sunod na pagganap sa mga teleserye saABS-CBN, tulad ng Ysabella at Maging Sino KaMan, marami ang nakapuna na mukhang nag-lie-low daw bigla ang careerni Derek Ramsay.

Hinulaan noon na kung maalagaan lang nang husto ang careerni Derek, maaaring sumunod ito sa yapak ni Piolo Pascualas leading-man material. Kaya nga may mga nanghihinayang sa pananahimikngayon ng career ng Fil-Brit actor.

PEP (Philippine Entertainment Portal) had the chance tointerview Derek recently at agad na kinumusta ang showbiz career niya, at angrelasyon nila ng girlfriend na si Angelica Panganiban.

"Lie low on TV pero di lie low sa pagtatrabaho, kasifull-force pa rin ako. Right after Ysabella and Maging Sino KaMan, I'm glad mayroon akong bagong teleserye with Juday, it's Humiling Ako Sa Langit. Nag-resume na kami ng taping. Tumigil lang kami for awhile pero balik on track kami."

Derek is also busy doing commercials right now.

"Diyan ako naging busy, abangan ninyo yung lalabas kongcommercial sa San Miguel and mayroon din akong shampoo commercial. Maybagong campaigns din kami for Oxygen and, of course, Swatch na nagsama sa akinsa Beijing."

Isa si Derek sa mga personal na nanood ng nakaraang Olympics sa Beijing,China. Dahil kahit isang medal ay walang naiuwi ang Pilipinas, agad namingtinanong ang aktor kung ano sa palagay niya ang naging problema.

"Grabe yung mga atheletes natin, they performed theirbest. It's not their fault na wala silang nauwi na medals dito, we needmore funding talaga para sa ating mga athletes and I think we have toconcentrate on other sports. Tingnan mo yung wushu, hopefully it will bean Olympic sports next Olympics and nag-gold tayo dun."

NOT AFFECTED. Visible na uling nakikita sina Angelicaand Derek together sa mga showbiz events and gatherings. According to Derek,everything is going great now between him and Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're perfectly very, very happy. Di kami affected samga lumabas na isyu before, na break na kami. Sabi ko nga, di ko alam kung saannanggaling yun.

"Di ko masasabing mas tumatatag o tumitibay kami. Happyako, ayokong pag-isipan yung ganun. Ayokong maging masyadong mechanical nainiisip kung ano ang dapat na takbuhin ng relationship namin. Gustoko, natural, and right now everything is really doing well."

TRUST AND TIME. For Derek, ang pagtitiwala nila niAngelica sa isa't isa ang malalim na rason kung bakit nanatiling matatag angrelasyon nila.

"Kami kasi ni Angel, mayroon kaming pagtitiwala sa isa'tisa. Like these past few couple of weeks na nag-abraod ako, kung yung ibang mgacouples na ‘pag di magkasama, nag-aaway kasi natatakot na baka may ginagawayung isa, walang ganun sa amin ni Angelica.

"We adjust with each other and at the same time sobrangbalanse ang time naming dalawa. We have time for each other, we have timefor our work, we have time for our families and we have time for other thingsna gusto naming gawin sa buhay namin. May oras kami para sa sarili naminkasi baka magsawa kami ‘ pag kami na lang ng kami ang laging magkasama."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN