Krista Ranillo's dad wants her to marry at age 40

Sep 17, 2008
"Minsan sabi ko, ‘Ano'ng nangyayari dito?' Parang nababaliw na ‘ata siya. Sabi ko, ‘Daddy, paano ‘yan hindi na ako puwedeng mag-anak? Sabi niya, ‘Hindi, okey lang yun. Ganun talaga ang buhay.' Sinasabi niya na magtatago na raw siya sa Amerika. Hindi ko raw siya mahahanap ‘pag nag-asawa na ako," relates Krista Ranillo about dad Matt Ranillo III. Krista says her father is overprotective and actuall

Ginulat ni Krista Ranillo ang showbiz sa kanyang pagbabalik with a more mature image, di tulad ng nakilala ng publiko four years ago. Pati ang ama niya at dating matinee idol na si Matt Ranillo III ay nag-react sa ginawa niyang pagpapaseksi sa kanyang comeback movie na Paupahan at sa sexy men's magazine na FHM. Kinuwento agad ni Krista kung bakit siya pumayag sa sexy photo shoot ng nabanggit na men's magazine.

"Bakit ako pumayag? Kasi maganda yung concept nila. Yung concept nila Sports Illustrated, so, nag-shoot kami sa beach. ‘Tapos two piece lang, ganun," simula ni Krista nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Your Song Presents Someone Like You, na magsisimula na ngayong Linggo at mapapanod sa buong buwan ng Setyembre sa ABS-CBN.

May bayad ba siya sa pag-pose niya sa FHM?

"'Pag cover, wala. Pero ngayon nagpo-promote kami. Kunyari radio tour, autograph signing may bayad na po siya. Thankful nga ako dahil tatlo ang autograph signing ko. Yung iba nga isa lang, e."

Continue reading below ↓

Binigyan na ba siya ng ultimatum ng Daddy Matt niya na last na ang pagpapaseksing ginawa niya sa FHM?

"Hindi, hindi naman. Yun nga ang sabi ko sa kanya, ‘Buksan mo na, tingnan mo na. Kasi kapag hindi mo nakikita kung ano yung sa loob, lalo kang mag-iisip.'

"Hay, naku, ano kaya yun? Ayaw niyang buksan yung magazine. Cover lang ang nakita niya. Pero ang mommy ko, okey siya. Mas supportive naman siya."

THE "PASAWAY" RANILLO. Okey din ba ang ibang members ng Ranillo family sa ginawa niyang pagpapaseksi?

"Ewan ko. Galit na ‘ata sila," natatawang sabi ni Krista.

"Yung lola ko [veteran actress Gloria Sevilla] kasi, nasa States. Babalik pa lang ‘ata this week. Nung lumabas yung magazine medyo nagulat din siya."

So, siya ang pasaway sa mga Ranillo?

"Yun ang feeling nila, oo. Kasi feeling nila hindi naman kailangan dahil kasi nga nakapagtapos naman ako. ‘Tapos they are all saying na, ‘O, mag-office work ka na lang.' E, hindi ko naman talaga hilig."

Continue reading below ↓

Feeling siguro ng mga kamag-anak niya, nilagyan niya ng bahid-dungis ang pangalan ng mga Ranillo sa showbiz.

"Well, siguro sa impression na kasi dahil sa pelikula, sa FHM. Pero in the end naman, doon sa mga nakapanood ng pelikula, nagandahan naman sila. Hindi naman sila nalaswaan. Siguro first impression lang."

Bakit Interdisciplinary Studies ang kinuha at tinapos niyang kurso sa Ateneo de Manila University?

"Uhm... Com [Communications] and Psychology. Kasi nga gusto kong pumasok sa hosting, ganun."

Ano naman ang nakakagulat na susunod niyang gagawin?

"Wala na. ‘Tsaka ayoko na puro ganun ang gagawin ko. Kaya nga after that, nakapag-MMK [Maalaala Mo Kaya] ako with Direk Don Cuaresma rin [direktor din niya sa Your Song Presents Someone Like You]. ‘Tapos nakapag-Your Song ako. Nag-host din ako twice sa TV Patrol World."

Type ba ni Krista na maging regular host ng TV Patrol World?

"Oo naman."

DIREK DOM IS COOL ABOUT IT. Samantala, kung tutol ang kanyang Daddy Matt sa sexy image niya, wala naman daw limitasyon sa kanya ang boyfriend niya na si Direk Dominic Zapata.

Continue reading below ↓

"Ay, wala. Sa kanya naman, thankful ako na supportive siya. Nakakaloka rin kung pati siya ganun [like her dad]. Pero ano, medyo conservative din naman si Direk Dom.

"Sabi niya, bibilhin daw niya lahat ng magazine para wala nang ibang makakita. ‘Tsaka in fairness pinu-promote naman niya sa staff, ‘O, bili kayo pero huwag ninyong buksan. Kung gusto ninyong magpa-autograph, bigay n'yo sa akin. Dapat naka-seal pa rin ‘yan.' Ganun siya."

MARRYING AGE: 40. Seven years na ang relasyon nina Krista at Direk Dom. Pero gusto ng Daddy Matt ni Krista na mag-asawa siya at the age of 40.

"Ganun talaga siya. Marami siyang threat sa akin na seryoso talaga siya. Kasi siya yung type na kapag nakakapanood ng mga Father of the Bride, tatabi ‘yan sa kama ko, iiyakan ako.

"Minsan sabi ko, ‘Ano'ng nangyayari dito?' Parang nababaliw na ‘ata siya.

"Sabi ko, ‘Daddy, paano ‘yan, hindi na ako puwedeng mag-anak?'" Dahil nga ang gusto ni Matt ay 40 na siya mag-asawa. "Sabi niya, ‘Hindi, okey lang yun. Ganun talaga ang buhay.' Sinasabi niya na magtatago na raw siya sa Amerika. Hindi ko raw siya mahahanap ‘pag nag-asawa na ako."

Continue reading below ↓

Bakit overprotective ang Daddy Matt niya sa kanya?

"Hindi ko nga alam, e. Panganay kasi. ‘Tapos nag-stop talaga siya sa pag-aartista. Nung ipinanganak ako at the peak of his career, nag-stop siya. Kasi he wanted to be a father. May mga ganun siya."

Payag ba si Direk Dom na pag-40 na sila magpakasal?

"Well, si Dominic malapit nang mag-40 kaya hindi ko alam sa kanya."

Sa Daddy Matt pa rin ba niya siya nakatira?

"Yes. Doon pa rin naman ako umuuwi talaga."

May tsismis na nagli-live na sila ni Direk Dom.

"Ay, hindi. No. Doon pa rin ako umuuwi sa bahay ng parents ko."

Pabor ba ang Daddy Matt niya sa relasyon niya kay Direk Dom?

"Hindi, pero matagal. Kasi magse-seven years na kami. Siguro first five years mahirap talaga. May curfew. Dati wala akong curfew. Nung naging boyfriend ko si Dom, curfew ko, 12 pm. Kasama ang kapatid ko, si Kevin."

Continue reading below ↓

DIREK DOM PAYS FOR EVERYTHING? May tsismis din na si Direk Dom daw ang gumastos sa pag-aaral niya. Totoo ba?

"Ay, hindi. Ako yung, actually, yung na-save ko nung nag-aartista ako, ‘yun ang pinanggastos ko sa school ko. Hindi niya ako tinutustusan."

Dagdag pa sa tsismis na si Direk Dom na rin daw ang gumagastos sa pamilya niya.

"Ay, hindi naman. Hindi naman siya ganun kayaman."

Pero marami bang pera si Direk Dom?

"Hindi ko alam. Siguro naman, kasi matagal na siyang nagdidirek. Pero in terms of house, he doesn't have his own house pa naman. Nakatira pa rin siya sa parents niya."

Gusto na ba niyang magpakasal?

"Hmmm... 24 pa lang ako, e. Hindi pa naman. Gusto ko ngayon, focus na lang muna sa pagka-comeback."

Read Next
Read More Stories About
Krista Ranillo, Dominic Zapata
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Minsan sabi ko, ‘Ano'ng nangyayari dito?' Parang nababaliw na ‘ata siya. Sabi ko, ‘Daddy, paano ‘yan hindi na ako puwedeng mag-anak? Sabi niya, ‘Hindi, okey lang yun. Ganun talaga ang buhay.' Sinasabi niya na magtatago na raw siya sa Amerika. Hindi ko raw siya mahahanap ‘pag nag-asawa na ako," relates Krista Ranillo about dad Matt Ranillo III. Krista says her father is overprotective and actuall
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results