Iza Calzado proud to be semi-finalist in Best Actress category of International Emmy Awards

Sep 15, 2008
"Kahit na hindi pa nga siya final nomination, the fact na na-consider nila yung entry ng Pilipinas, it makes us all proud. Siguro nga napabilib sila sa talent ng mga Pinoy," says Iza Calzado about being included as semi-finalist in the Best Actress category of International Emmy Awards.

Overwhelmed si Iza Calzado nang malaman niyang isa siya sa semi-finalist for Best Actress sa International Emmy Awards para sa performance niya sa GMA-7 series na Joaquin Bordado.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Iza sa premiere night ng I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films sa SM Megamall kagabi, September 14. Sinabi nito na naluha siya nang sabihin sa kanya na nakasama ang performance niya sa Joaquin Bordado bilang semi-finalist sa International Emmy Awards.

"Akala ko kasi, secret pa ‘yan kaya wala akong kinukuwentuhan," sabi ni Iza. "Gustung-gusto ko na nga siyang ikuwento. Pero since may lumabas na palang news, I really like to say na masayang-masaya ako because hindi ko naman ini-expect na mapapansin ang performance ko.

"Sinabi nga sa akin ng EP [executive producer] ng Joaquin Bordado, na si Joseph Buncalan, na nag-submit nga sila ng ilang performances sa International Emmy Awards. I think, hindi lang sa Joaquin Bordado ang ipinasa nila but also sa Impostora. Ang hope lang naman nila ay ma-consider kahit papa'no. Kung hindi, at least they gave it a try.

Continue reading below ↓

"Kaya natuwa rin sila nang makarating sa kanila ang news na nakapasok ako as semi-finalist sa category na best performance by an actress in a drama series. I was shocked noong sabihin nila sa akin 'yon and, siyempre, natulala ako because malaking bagay para sa atin ‘yon, di ba?

"Kahit na hindi pa nga siya final nomination, the fact na na-consider nila yung entry ng Pilipinas, it makes us all proud. Siguro nga napabilib sila sa talent ng mga Pinoy," pahayag ng aktres.

Sinasabi tuloy na pang-international na talaga ang kalibre ni Iza dahil napapansin ng mga foreign television critics ang mahusay niyang pagganap sa isang drama series. Bukod pa rito ang Hollywood film na natapos ni Iza, ang The Echo, na Hollywood version ng pelikulang Sigaw. Ayon kay Iza, sa 2009 pa raw magkakaroon ng commercial release sa U.S. ang The Echo.

"I really don't know what to say kundi thank you sa International Emmy Awards for considering Joaquin Bordado, at iba pang entries ng Philippines. I heard na may two shows from the other channel [ABS-CBN] na nakasama sa semi-finals. It only proves na ang dating ng Pinoy talent is already global and napapabilib natin sila.

Continue reading below ↓

"Sana nga every year ay may Pinoy show na parating makasama sa listahan ng International Emmy Awards, para mas ma-inspire tayo to do more quality programs na maipagmamalaki natin sa buong mundo," asam ni Iza.

Bukod kay Iza, napasama rin bilang semi-finalist sa International Emmy Awards ang mga programa ng ABS-CBN na Volta at Bituing Walang Ningning para sa comedy and telenovela categories, respectively.

Read Next
Read More Stories About
Iza Calzado, Joaquin Bordado
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kahit na hindi pa nga siya final nomination, the fact na na-consider nila yung entry ng Pilipinas, it makes us all proud. Siguro nga napabilib sila sa talent ng mga Pinoy," says Iza Calzado about being included as semi-finalist in the Best Actress category of International Emmy Awards.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results