Pauleen Luna clarifies misunderstanding with her mom

by Rose Garcia
Sep 15, 2008
"It's kinda personal. And it's actually kind of petty. It's just that, siguro, medyo sensitive ako noong time na yun. But everything is okay," replies Pauleen Luna when asked about her recent tampuhan with mom, Mrs. Chat Luna.

May balitang naglayas diumano si Pauleen Luna sa kanilang bahay last week dahil sa alitan nila ng kanyang ina na si Mrs. Chat Luna. Pero itinanggi ito ng young actress, bagamat inamin niyang nag-stay siya sa bahay ng kaibigan at confidante na si Ruby Rodriguez.

"Hindi, nagpunta lang ako kina Ruby. I just wanted to see them and spend the day doon sa kanila. Nagkaroon lang kasi ng konting tampuhan with the family. So ‘ayun, nagpunta naman ako sa pangalawa kong ina, kay Ruby," paglilinaw ni Pauleen sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kinuha rin ng Showbiz Central ang panig ni Ruby tungkol sa balita. Sinabi nitong typical lang daw na kapag nakakagalitan ng ina ang anak ang nangyari between Pauleen and her mom.

Diumano, lumayas si Pauleen noong Sabado, September 6, dahil hindi na raw natiis ng dalaga ang masyadong paghihigpit sa kanya. Pero muli, itinanggi ito ng dalaga.

Continue reading below ↓

"Wala, wala, it's kinda personal. And it's actually kind of petty. It's just that, siguro, medyo sensitive ako noong time na yun. But everything is okay," sabi ni Pauleen.

Ayon kay Pauleen, bumalik din naman siya sa bahay noong mismong araw na yun.

Ngayong naayos na ang anumang gusot na namagitan sa kanilang mag-ina, ito ang naging mensahe ni Pauleen sa kanyang mommy: "Ma, I love you very much and you know that. Siguro nagkakaroon tayo ng konting tampuhan but everything will be fit, right?"

Sa part naman ni Ruby, bilang confidante ni Pauleen, she did her best para makita rin ng young actress ang perspective ng nanay niya.

"Sabi ko, no matter how you look at it, Pauleen, whether yung parents mo, may masakit na nasabi, they only mean the best for you. They only want the best for you. So, you'll have to understand that. Nakikinig naman ‘yan, e.

Continue reading below ↓

"I'm a parent na rin and I think every parent knows na, sometimes, we tend to be overprotective. Pero hindi nila alam na sa amin, hindi obligasyon ang tingin namin. Ang pagmamahal namin sa anak ay unconditional and we'll do everything for you. Yun na lang ang ine-explain ko kay Pauleen," pahayag ni Ruby.

Hindi naman itinanggi ni Pauleen na mahirap para sa kanya ang recent breakup niya with Mayor Sherwin Gatchalian. Aniya, "Mahirap, it just took me three months and I have a hard time. I really had a hard time. Lahat naman ng tao pinagdadaanan ito.

"Kaya nga sabi ko, kung yung ibang tao, they are facing greater problems, ako, hindi naman ‘to sobrang laki, so bakit hindi ko mapagdadaanan? So, after a while, it's just mind over matter."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It's kinda personal. And it's actually kind of petty. It's just that, siguro, medyo sensitive ako noong time na yun. But everything is okay," replies Pauleen Luna when asked about her recent tampuhan with mom, Mrs. Chat Luna.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results