John Lloyd Cruz does not meddle with Bea Alonzo's personal life

Sep 20, 2008
"Actually, kahit kailan hindi ako nakialam sa personal nilang buhay. Kung siya ang lalapit sa akin, I'm more than willing na makinig at kung kailangan niya ng opinyon, nandun lang ako," says John Lloyd Cruz about I Love Betty La Fea leading lady Bea Alonzo.

Busy ngayon ang young actor na si John Lloyd sa taping ng primetime series nila ni Bea Alonzo sa ABS-CBN, ang I Love Betty La Fea. During weekends, may provincial promo tour naman siya para sa ini-endorse niya na Greenwich Pizza.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay tinanong namin si John Lloyd kung nakikita ba niya sa set ng Betty La Fea ang rumored boyfriend ni Bea Alonzo na si Jake Cuenca.

"Hindi ko siya nakikita. Bulag ako!" biro ni John Lloyd. "Hindi ko pa siya nakikita sa set."

Nakakaapekto raw sa tambalan nina John Lloyd at Bea ang pagkaka-link ng young actress kay Jake. Ano ang masasabi ni John Lloyd dito?

"Well, alam niyo naman, para namang ako, di ba? Ang tagal na namin ni Liz [Uy, John Lloyd's girlfriend]," sambit niya.

Iba naman daw sila ni Liz dahil hindi naman nakikita ng publiko ang kanyang girlfriend.

Continue reading below ↓

"Lumalabas din kami, di ba?" sagot naman ni John Lloyd. "Pero siguro, yun lang, dahil pareho silang [Bea and Jake] artista. At siguro parang between mga artista, medyo iba kasi ang dating. Parang ang hirap nito...can I die for a minute?" ngiti niya.

Patuloy niya, "Hindi, ganito na lang, magkasama man kami ni Bea sa show, meron pa rin kaming personal na buhay. At kailangan kong irespeto yun"

Nakikita raw kasi sina Jake at Bea sa TV na very sweet, lalo na sa ASAP '08.

"Wala akong magagawa doon. Kumbaga, discretion na nila yun bilang may isang show na kagaya ng show namin."

Nakikita ba ni John Lloyd sa mga mata ni Bea na happy siya kay Jake?

"Kung ako nga nahihirapan akong pag-usapan ang personal kong buhay, lalo na siguro kapag iba pa. E, kani-kanila yun. Ako, si Bea nakikita ko sa set. Pero ano siya, masipag siya. Dati pa naman, pero ngayon mas ganado siyang magtrabaho. Pero yung mga bagay na ganun kapersonal, kung masaya ba sila o nahihirapan ba sila sa sitwasyon nila ngayon, hindi naman namin napapag-usapan ‘yon."

Continue reading below ↓

Hindi raw naman nagko-confide sa kanya si Bea lalo na on personal matters.

"Actually, kahit kailan hindi ako nakialam sa personal nilang buhay. Kung siya ang lalapit sa akin, I'm more than willing na makinig at kung kailangan niya ng opinyon, nandun lang ako," saad ni John Lloyd.

Never ba na lumapit man lang sa kanya si Bea kapag may problema ang young actress?

"Alam ko lang kapag may problema siya, napaka-transparent din kasi niya, e. Kaya malalaman mo kung may problema siya."

Ano ang ginagawa niya kapag may problema si Bea?

"Medyo hindi kaagad, kasi medyo nakakatakot kasi yun, e. Baka konting kibot mo, bigla na lang umiyak. Ayaw mo namang ganun. Basta ako, naipaparating ko lang, ‘Uy, kailangan mo ng kausap, nandito ako.' Alam naman niya yun, e."

RIZA-RUFFA INCIDENT. Naging mainit na isyu ang pagdating diumano nang late ng kasamahan nila sa I Love Betty La Fea na si Riza Santos minsan sa taping nila na ikinairita ni Ruffa Gutierrez. Kasama rin ba si John Lloyd sa mga pinaghintay ni Riza sa set?

Continue reading below ↓

"Wala, wala pa ako sa set noon. Pero ako yung dumating after siya umalis," sabi ng young actor.

Pero nabalitaan ba niya yung nangyari kina Riza at Ruffa?

"Oo naman. Kasi dumating ako sa set nung nangyari ‘yon same day. Tapos na yung scene nila."

Paliwanag ni Riza ay hindi niya alam na late siya dahil wala naman daw ibinigay na call slip sa kanya at nagulat na nga lang daw siya na may taping pala siya noong gabing ‘yon. Totoo bang walang call slip that time si Riza?

"Hindi ko alam yung eksaktong detalye ng kung ano ba ang side ni Riza o kung ano ba ang rason ni Ruffa kung bakit nagawa niya yung nagawa niya. Pero para sa akin, nagkaroon sila ng problema, problema nila yun.

"Kasi ewan ko, mahirap magsalita. Kasi puwedeng mangyari sa akin yun, e. It's something na puwedeng mangyari kahit kaninong artista. Yung hindi na naipasa sa ‘yo na may taping ka pala. Hindi nasabi sa production na meron ka palang flight.

Continue reading below ↓

"So, kahit anong sabi ko na parang hindi dapat ganun, dapat alam ng produksiyon ang mangyayari. Alam nila na may taping ka at kapag hindi nakarating sa ‘yo, imposible yun," paliwanag ni John Lloyd.

Nag-taping na ulit sina Ruffa at Riza. Napansin ba niya na nag-uusap na ang dalawa?

"Hindi pa rin sila nag-uusap," matapid na sagot ni John Lloyd.

CHALLENGING ROLE. Mapapanood na mamayang gabi, September 20, ang inaabangang paglabas ni John Lloyd sa longest, award-winning drama anthology ng ABS-CBN, ang Maalaala Mo Kaya, sa mapanghamong role bilang schizophrenic. Kasama niya rito si Alessandra de Rossi na gumaganap naman bilang asawa niya.

"Sa tingin ko, dadalhin ko nang matagal ang ginawa ko sa Maalaala Mo Kaya and even the role. E, ako pa naman, hindi pa naman yung nagwo-work yung... Parang si Alex, kapag hindi pa nagte-take, makikipagkuwentuhan, makikipagbaklaan pa kung kani-kanino. ‘Pagka take na, ‘Wait lang.' Pasok na siya, ganun. Ako kasi hindi, e," lahad ni John Lloyd.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Actually, kahit kailan hindi ako nakialam sa personal nilang buhay. Kung siya ang lalapit sa akin, I'm more than willing na makinig at kung kailangan niya ng opinyon, nandun lang ako," says John Lloyd Cruz about I Love Betty La Fea leading lady Bea Alonzo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results