Angelica Panganiban admits being crazy in love

Sep 19, 2008
"Matagal na akong windang sa pag-ibig. Yun ang nagpu-push sa akin bilang artista. Grabe akong magmahal mula sa pagkabata. Hindi lang sa lalaki, maging sa parents, sa mga kamag-anak, sa kaibigan," says young actress Angelica Panganiban.

Kung tutuusin, puwede nang pakawalan for a solo-starrer sa isang teleserye si Angelica Panganiban. Pero mukhang inuunti-unti pa siya ng ABS-CBN. Bilang si Scarlet dela Rea sa Iisa Pa Lamang, ang character na ito ni Angelica ang isa sa mga totoong nagmamarka sa regular followers ng naturang primetime drama series.

"Nag-e-expect ako," diretsahang sabi ni Angelica sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "May mga napapag-usapan nang ganyan bago pa itong Iisa Pa Lamang, pero natakot talaga ako. Ang feeling ko, parang kulang pa. Parang hindi pa rin handa yung mga tao na magbida ako, and it's a big responsibility.

"Maski ako, naiisip ko, hindi kaya masyado pang maaga? Kailangan ko pa siguro ng isa muna, matinding panggulat kumbaga, bago mag-full blast. At saka na, bago tayo mag-move on sa mas malaking project."

Marami na nga raw konseptong pinag-aaralan, at hindi malayong magkatotoo agad 'yan. Pero sa ngayon, masaya na si Angelica na napapansin ang pinaghihirapan niya.

Continue reading below ↓

CRAZY IN LOVE. Sa personal life, ang tingin ng marami ay may tendency siyang mawindang sa pag-ibig. Kailan lang, napabalitang mayroon naging problema sa kanila ng boyfriend niyang si Derek Ramsay.

"Matagal na akong windang sa pag-ibig," pag-amin ni Angelica. "Yun ang nagpu-push sa akin bilang artista. Grabe akong magmahal mula sa pagkabata. Hindi lang sa lalaki, maging sa parents, sa mga kamag-anak, sa kaibigan.

"Extreme kasi akong tao. Grabe kung magmahal, grabeng masaktan. Wala akong gitna, e. Kung masaya ako, gusto ko yung masayang-masaya, hindi yung masaya lang. Ang gandang dalhin nun sa bawat character na ginagawa ko para sa isang palabas. Ayokong nakikita ako ng mga taong matamlay ako. Gusto ko, hindi sila nakukulangan sa akin. Yung lagi silang busog."

Hindi tinatratong waterloo ng young actress ang pagkawindang niya sa pag-ibig.

"Gusto ko yung pagiging windang ko. It adds to my character. Masaya siya! Ako naman ang taong kapag nasaktan, hindi naman ako mandaramay ng iba. Hindi damay ang buong mundo sa problema ko. Puwedeng maiyak lang kayo sa sitwasyon ko, pero problema ko lang yun. Hindi ko idi-disappoint ang mga tao sa paligid ko, ang pamilya ko. Hindi sila parte ng failure ko, if ever," saad niya.

Continue reading below ↓

Kumusta na sila ni Derek ngayon?

"Happy," mabilis na sagot ni Angelica. "Nagkaroon lang ng time na gusto naming ma-realize ang ilang mga bagay. Awa ng Diyos, naging positive naman ang mga bagay-bagay, at feeling namin, mas kailangan naming maranasan yung mga ganoon.

"Ang laki ng naitulong sa amin. Siguro na-involve kaming masyado sa isa't isa. Simula noong nagde-date lang kami, umiikot na lang ang mundo namin sa isa't isa. Na-realize naming hindi dapat ganoon. Mas nakilala namin ang sarili namin. May sarili pa rin kaming mundo na kanya-kanya rin, na rito pala ako mag-e-excel, na may career kaming dapat harapin na labas sa aming relasyon," paliwanag ni Angelica.

Pero sa pagganap niya bilang kontrabida sa Iisa Pa Lamang, hindi ba nangangamba si Angelica na ito ang humaharang sa kanya para tuluyang magbida?

"I don't think so," sabi niya. "Kasi sa istorya nga, may sympathy doon sa character ko, as Scarlet. Hindi lang siya yung tipong puro darkness na lang. Maiiyak ka sa kuwento niya, at 'pag pinanood mo, maiintindihan mo kung bakit siya nagagalit. Nakakapraning yung character, kaya naaaliw yung mga tao."
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Matagal na akong windang sa pag-ibig. Yun ang nagpu-push sa akin bilang artista. Grabe akong magmahal mula sa pagkabata. Hindi lang sa lalaki, maging sa parents, sa mga kamag-anak, sa kaibigan," says young actress Angelica Panganiban.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results