Wendy Valdez pleads for sympathy following "Game KNB?" incident

by Bong Godinez
Sep 22, 2008
Asked by Boy Abunda if she feels misunderstood by the general public, ex-Pinoy Big Brother housemate Wendy Valdez answered, "Very much po. Dahil nga po sa nangyari sa PBB, kasi they are basing it on what they have seen, e, hindi naman po nila ako kilala bilang tao."

Hindi napigilan ng dating Pinoy Big Brother (PBB)Season 2 housemate na si Wendy Valdez ang mapaluha kahapon, September 21, sa The Buzz habang nakikiusap sa publiko na tigilan na ang mga mapanirang komento laban sa kanya.

"Napakadali magdikit ng mga masasama at hindi totoong isyu sa akin dahil iniisip nilang madaling paniwalaan ‘yon ng mga tao dahil sa nangyari sa PBB. And ako naman po, dahil bago lang ako na artista, hindi naman po ako makakalaban," lumuluhang sambit ni Wendy habang kausap ang host na si Boy Abunda.

Aware si Wendy na masyadong tumatak sa isip ng publiko ang "pasaway" image na ikinabit sa kanya noong nasa loob pa ito ng PBB house. Bagama't aminado siya sa kanyang ilang pagkakamali nakiusap naman ito sa mga tao na maging patas at bigyan siya ng pagkakataon na ituwid kung anumang negative impression siya ngayon.

Pakiusap ng dalaga: "For that one mistake I did in Big Brother, sobra-sobra na po akong nasaktan and hindi ninyo po ‘yon alam. Parang awa n'yo na, itigil n'yo na ang pagdidikit ng masasama at hindi totoo sa pangalan ko.

Continue reading below ↓

"Huwag n'yo naman po ako gawing libangan. Tinitiis ko lang dahil ayokong maawa ang pamilya ko sa akin... Hindi ninyo po ako kilala bilang tao. Hindi n'yo po alam kung anong nasa puso ko."

WENDY'S SIDE. Kamakailan ay muling nasangkot ang pangalan ni Wendy sa kontrobersiya matapos mag-walk out siya diumano sa game show ng ABS-CBN na Pilipinas, Game KNB? Nagkaroon din daw ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Wendy at ng game show host na si Edu Manzano.

Inamin naman ni Wendy na nagkaroon nga ng tensiyon sa set ng nasabing programa subalit naayos din naman ito nung mismong araw na yun. Hindi rin daw totoo na nagkasagutan sila ni Edu, dahilan para lisanin din ng host ang set.

Ikinuwento ni Wendy na sumama ang loob niya matapos hindi tanggapin ng show ang kanyang sagot bagama't tama naman daw ang kanyang isinagot sa tanong na kung sino ang founder ng popular UK magazine na Penthouse.

Continue reading below ↓

Tatlo raw ang mga pangalan na inilatag para pagpilian: Bob Parker, Bob Green, at Bob Guccione.

Bob Guccione ang pinili ni Wendy kahit wild guess lang daw ang kanyang sagot dahil hindi rin siya pamilyar sa background ng nasabing men's magazine.

Laking gulat ng dalaga nang malamang tama ang sagot niya, subalit bigla itong napalitan ng pagkadismaya matapos sabihin ni Edu na dahil diumano sa maling pronunciation ay hindi tatanggapin ang sagot ni Wendy.

Dito na naging emotional si Wendy.

"This is not fair kasi ‘yon ang sinabi ko," katuwiran ni Wendy. Iginiit ni Wendy na ang sagot niya pati na rin ang kanyang manner of delivery ay sang-ayon sa kung papaano ito binigkas sa mga contestants.

"I freaked out and I cried and felt really bad," paliwanag nito. Sa sobrang sama ng loob ay nag-walk out si Wendy, pero pinakiusapan naman daw ito ng ilan na bumalik para tapusin ang show.

Continue reading below ↓

Paliwanag daw kay Wendy ng production staff ay hindi audible ang kanyang pagkakabigkas ng 'Guccione' kaya hindi ito tinanggap. Wala naman daw sanang problema kung ipinaliwanag ito nang maaga sa kanya.

"Kung nasabi lang po agad sa ‘kin na hindi audible, I would understand," pahayag niya kay Boy, "kasi ang naging dating po mali ang sinabi ko."

Agad namang dinepensahan ni Wendy si Edu sa pagsasabing naging fair and understanding naman ang host sa naging sitwasyon.

"I understand. I believe you and you don't have to explain anything to me but it's not my call, it's theirs," malumanay na sagot daw ni Edu nang lapitan niya para humingi ng paumanhin.

Sa isang separate interview ay tahasan namang sinabi ni Edu na hindi siya nag-walk out matapos mangyari ang insidente. Umupo lamang daw siya sa isang tabi habang hinihintay ang desisyon ng staff sa reklamo ni Wendy. Ayon pa kay Edu, karapatan naman daw ng contestants, mapa-artista man o hindi, na kuwestyunin kung sa palagay nila ay may pagkakamali ang programa.

Continue reading below ↓

"Anyone can question, e, kasi feeling mo, alam mo ‘yong sagot sa isang tanong. Kung feeling mo tama ka, puwede mong i-challenge, puwede mong i-question, e. ‘Yon naman ang ginawa, e," sambit ni Edu.

Dagdag pa ng game show host bilang paglilinaw: "Hindi ako nag-walk out. The incident was not between me and Ms. Valdez. Host ka lang, e. I'm not allowed to intervene kasi [the program is] fact-based."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asked by Boy Abunda if she feels misunderstood by the general public, ex-Pinoy Big Brother housemate Wendy Valdez answered, "Very much po. Dahil nga po sa nangyari sa PBB, kasi they are basing it on what they have seen, e, hindi naman po nila ako kilala bilang tao."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results