Lani Mercado on Bong's political plans: "Hinga tayo nang malalim."

Sep 26, 2008
When asked how she feels about being a second-time lola, Lani Mercado said: "Ang tanda ko na! Naalala ko tuloy ang age ko." Her eldest daughter Inah del Rosario is expected to give birth any time this week.

Punong-abala sa 42nd birthday celebration ni Bong Revilla ang kanyang misis na si Lani Mercado. Naganap ang party sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan, noong Miyerkules, ika-24 ng Setyembre. Napakaagang dumating ni Lani sa venue kaya nagkaroon ng chance ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap siya.

Una naming inusisa ang birthday gift niya para sa senador.

"Nakarating na sa kanya yung gift ko. Nauna pa. Alam na niya yun. It's for traveling. It's a bag for traveling," simula ni Lani. "Sa dami kasi ng bagay na meron siya, ang hirap na niyang regaluhan."

Dagdag pa niya, "Ah, mas nakakatawa nga, siya pa yung may ireregalo sa akin kesa sa ako yung magre-regalo sa kanya."

Nang tanungin siya tungkol sa tatak ng bag, kung ito ba ay Louis Vuiton, ang tanging nasabi niya, "Tinataas ko na ang kilay ko."

SECOND-TIME LOLA SOON. Noong gabi ring iyon, isa pang pangyayari ang posibleng maganap—ang panganganak ni Inah Revilla-del Rosario, panganay na anak nina Lani at Bong.

Continue reading below ↓

Ang kuwento ng host-actress, "Hindi pa natin malaman kung normal ba siya o caesarian. Actually, yun din ang mga tanong ko sa kanya. Sabi ko, normal ka ba o CS? Pina-check mo na ba? Sabi niya, we're pushing for normal delivery. Wala namang sinasabi yung doctor. ‘Pag nandun na, yun ang malalaman natin kung normal or CS. Kasi she looks, ano na siya...mukhang due na talaga siya...."

Sa Makati Medical Center daw nakatakdang manganak si Inah. Nakahanda na ba sila sa pagdating ng kanilang pangalawang apo?

"Ay, nag-Lamaze lessons na siya," sagot ni Lani. "Nagsha-shopping kami almost every week para maayos ang kanyang mga gamit sa baby. Ayun, may pinadala pang mga boxes ang kanyang mother-in law from the States. 'Tapos yun, inayos namin ang kanyang nursery."

Naikuwento pa ng maybahay ng senador na pinakiusapan daw nito si Inah na huwag isabay ang panganganak sa birthday celebration ng kanyang ama.

Continue reading below ↓

"Ang sabi ko sa kanya, ‘Anak, huwag ka munang manganganak ng 23, 24 at 25. Twenty six, manganak ka na,' yun lang ang sabi ko. Pero hindi ko naman mapipigilan ang pag-iri niya ‘pag humilab na yung tiyan niya."

Kakayanin kaya ni Inah ang normal delivery?

"Kaya niya, kakayanin niya," ang sagot ni Lani. "Yung Lamaze lessons nga niya may naka-stipulate pa sa contract na no medications, kasi ganun, e. May Lamaze with medications, merong wala. Eto, I think, she signed it na wala. So, good luck sa kanya kasi ako never kong nagawang mag-Lamaze."

At kung meron man daw siyang advice kay Inah, iyon ay ang magkaroon ng presence of mind.

"Relax lang. Huwag nerbiyosin. Ah, basta be prepared. Yung mga gamit mo ihanda mo na for the baby at para sa ‘yo," ang dagdag pa niyang bilin. "Basta don't worry I'm here. Nandito lang ako kasi alam ko, ilang beses na akong nanganak, so, more or less maaalalayan ko siya."

Continue reading below ↓

Nang tanungin siya tungkol sa kanyang son-in-law na Vince del Rosario, "tutok" daw ito sa kanyang anak. Gabi-gabi nga raw ay sinasamahan ni Vince si Inah na maglakad.

Aniya pa, "Ninenerbyos na rin. For this week kasi wala siyang classes. Parang inaabangan na niya 'atang itong linggong ito ay manganganak si Inah. Wala siyang klase mula Lunes hanggang Sabado this week. So, I presume, sana ako rin nag-prepara. Wala akong taping for two weeks, for the next two weeks."

Kinakabahan din ba si Bong sa kalagayan ni Inah?

"Si Senator Bong ay abala sa maraming bagay sa Senado, at naghihintay din siya. Excited din ‘yan kahit hindi niya masyadong pinapakita. Pero every...nung nag-false alarm, ‘Ano? Anong nangyari?' Nakakataranta, ha. Kahit alam ko na ang panganganak."

At kahit may kaba nang konti, excited daw ang kanilang pamilya sa pagdating ng baby ni Inah.


"Sabi ko nga, I think the best gift that she could give her Dad is a granddaughter. Ako, okey yun sa akin. Sana okey din kay Papa. Dahil normally, siyempre, nagkaka-grandchildren ka na feeling mo grandparent ka talaga."

Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy niya, "Mas excited pa 'ata ang mga girls ko, e. Excited lahat kami for the coming of this new baby."

FIRST APO. Samantala, hindi nakarating ang first apo nito kay Jolo at Grace Adriano—si Gab.

"Every weekends siya namin nahihiram. But I hope nahiram ni Jolo today."

Mas ramdam ba niya ngayon ang pagiging lola dahil mas nakakasama niya si Inah kaysa kay Grace noong ipinagbuntis nito si Gab?

"Hindi rin naman. May sariling bahay si Inah at saka si Vince, e. So, parehas lang...Wala naman sigurong pagkakaiba. Ang pagkakaiba lang, babae yung anak ko, so mas nakatutok ako dahil babae yung sa akin."

ON BECOMING "FUTURE" VP'S WIFE. Balitang-balita rin ang pagtakbo ng kanyang asawa sa posisyong vice-president sa 2010. Humingi na ba ng approval sa kanya si Bong?

"Hinga tayo nang malalim. Hay!" ang nasambit ni Lani.

Handa na ba siyang maging vice-president's wife?

"Huwag muna nating isipin ‘yan. Magsaya muna tayong lahat," paiwas niyang sagot.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, tila ayaw pang isipin ni Lani ang mga political plans ng kanyang asawa.

Aniya, "Well, basta trabaho lang...Ang iniisip namin basta trabaho lang. Huwag nating isipin ang mga factors ahead. Basta marami pang dapat gawin para sa bayan. Hindi maganda ang status ngayon ng nangyayari sa Senado. So, basta trabaho lang."

Ang big birthday celebration ba ni Senator Bong ang simula ng paghahanda nila sa pagtakbo niya sa susunod na eleksiyon?

"Hindi naman," ang maagap niyang sagot. "Halos every year naman nagse-celebrate kami ng birthday ni Bong, so, hindi naman ito talaga na parang first time na naganap."

Bilang misis ni Bong, qualified na ba ang kanyang mister bilang susunod na vice-president ng bansa?

"Siguro taong bayan ang maghuhusga sa kanya. Pero, siyempre, itataas ko naman ang bangko ng asawa ko. I'm so proud to be his wife."

At kung matuloy man ang pagtakbo ni Bong, tila inihahanda na ni Lani ang kanyang sarili sa mga dapat niyang gawin sa panahon ng pangangampanya. Ang sabi niya, "Babalik ulit kami...mas marami pang iikutin."

Continue reading below ↓

Inulit ng PEP ang tanong: Handa na ba siyang maging wife ng vice-president kung saka-sakali?

"Aray ko! Matagal ko nang tinanggap ang pagiging Mrs. Bong Revilla."

May balak pa ba silang magkaroon ulit ng baby?

"The factory is closed. Closed na...Nagpa-ligate na...Ay, sorry po sa simbahan. Diyusko, naka-pitong babies na ako. Hindi 'ata makatuwiran. Ayaw ng simbahan. ‘Pag hindi mo na kayang alagaan, huwag na. Six children is enough already. Yung isa nag-passed away."

Bilang wakas, nagbigay ng birthday wish si Lani para sa kanyang asawa.

"Pa, happy, happy birthday sa ‘yo. May you have more birthdays to come. Alam ko masyado kang masipag nowadays. Kung saan-saan ka pumupunta... Find time for yourself and relax," tapos ni Lani.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When asked how she feels about being a second-time lola, Lani Mercado said: "Ang tanda ko na! Naalala ko tuloy ang age ko." Her eldest daughter Inah del Rosario is expected to give birth any time this week.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results