All's ready for Inah Revilla and Vince del Rosario's first baby

IMAGE 0


"Yes, ready na yungroom. Kumpleto na sa lahat ng bagay. Kulang na lang yung baby," says InahRevilla. Husband Vince del Rosario assures Inah that he will always be there tosupport her as she goes through the process of childbirth.


Anytime soon ay magsisilang na ang eldest daughter nina Senator Ramon "Bong"Revilla Jr. at Lani Mercado na si Inah Revilla.Malaki na ang tiyan ni Inah noong dumating siya sa birthday party ng kanyang ama,kasama ang mister niya na si Vince del Rosario.

Kailan siya manganganak?

"October 1, pero sabi ngdoktor, anytime. So, maybe tonight, we don't know. The baby will decide,"umpisa ni Inah nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

EVERYTHING IS READY. Nakahanda na raw lahat ng gamit niya sa panganganakat pati na sa baby.

"Yes, ready na yungroom. Kumpleto na sa lahat ng bagay. Kulang na lang yung baby," ngiti niInah.

Sa Makati Medical Centermanganganak si Inah at plano niyang isilang ang first baby niya through normaldelivery.

"So far, normal. Ayokongmag-CS [caesarean section] kasi the healing process takes much longer if CS."

Ano naman ang lagingsinasabi ni Vince sa nalalapit na pagsilang ni Inah?

"Actually, she's notsensitive at all. It was me that was sensitive. The mood swings,cravings. But I always tell her I will be here for you. Anything you need,I'll be here for you always and I love you," pahayag ni Vince habang kaharap siInah.

FALSE ALARM. Gaano ka-excited ang parents ni Inah sa pagsilangniya ng kanyang baby?

"Actually, nung nag-falsealarm ako, si Mama yung mas nagpa-panic. Sinisigawan si KuyaBryan, ‘Hoy, gising, Manganganak na si Ate.'

"Nag-false alarm ako twodays ago."

Na-tense din ba si Vincenoon?

"Ah, not really.Kasi it wasn't really what I thought it will be. I thought there was gonnabe, really... you know. But I don't think this is the time. Not yet," sagot niVince.

Ano ang immediate plans ni Inah pagkapanganak sa baby nila na bibigyan nila ngpangalang Alexa Daniella?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, magre-rest muna. Bond with the baby, di ba? Aalagaan ko yung anakko, di ba? Magiging mommy muna ako and then go back to school next year ngJune."

Anong course?

"Same pa rin, Legal Management sa Ateneo pa rin."

WHAT 'ALEXA DANIELLA' MEANS. Siya ba ang namili ngpangalan para sa anak nila ni Vince?

"Yes, Alexa means defenderof mankind. And then, Daniella means God is my judge. Nung five months kopa siya pinangalanan."

Finally, aprub ba si Inah sanababalitang pagtakbo ng Papa niya as vice president sa 2010?

"Well, kahit anong magawa niya, kahit anong gusto niyanggawin, di ba? Support na lang," tapos ni Inah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN