Gabby Concepcion remembers Daddy Rollie's advice to always help others

Sep 27, 2008
"Isa lang naman ang sinabi sa akin ng dad ko na di ko nakakalimutan: ang buhay mo raw ay di para sa iyo, di lang para sa iyo, dahil nandito tayo dahil ginagawa tayong instrumento ng Panginoon para sa ibang tao," shares Gabby Concepcion about his father Rollie Concepcion's constant advice before he died.

Laging sinasabi na in show business, there are no permanent friends and no permanent enemies. Ang kaibigan mo ngayon ay maaaring maging mortal mong kaaway kinabukasan, at ang mortal na kaaway mo ngayon ay maaari palang maging matalik mong kaibigan. Katulad na lang ng kinauwian ng talent-manager relationship nina Gabby Concepcion at Rose Flaminiano.

After six months of their talent-manager relationship, hindi lang nauwi sa away kundi humantong pa sa demandahan ang dating magandang pagsasamahan nina Gabby at Mommy Rose. Demandang P22 million Specific Performance and Damages with Application For Writ of Preliminary Injunction and Prayer for Temporary Restraining Order ang isinampa ni Mrs. Flaminiano sa nagbalik na aktor.

Kasabay ng pagkaroon ng kaso sa manager ay ang pagpanaw naman ng ama ni Gabby Concepcion na si Rollie Concepcion last Sept. 23 sa Lourdes Hospital due to massive heart attack.

GABBY SPOKE. Kahapon lang, September 26 nang pumayag ang pamilya Concepcion na buksan ang wake ni Daddy Rollie for public viewing. Isinabay na rin dito ang pagga-grant ng interview ni Gabby sa media. Sinabi nga ni Gabby na although alam na nila't tanggap na sa pagpanaw ni Daddy Rollie mauuwi ang lahat, masakit pa rin sa kanya at sa buong pamilya Concepcion ang pagkawala nito.

Continue reading below ↓

"Si Dad kasi gusto na niya talagang magpahinga. Madalas na niyang nararamdaman na sumisikip ang dibdib niya kaya nga gusto naming lahat na magkaroon siya ng quality lifestyle. Kung ano na lang ang lahat ng gusto niyang gawin, lahat ng gusto niyang kainin, kung saan niya gustong magpunta, ibinibigay namin lahat.

"Di naman natin alam kung kailan mamamatay ang isang tao, pero madalas na binabanggit niya ang oras [ng pagpanaw] niya. Nagawa na naman ni Dad ang lahat ng magagawa niya para sa mga anak niya, marami na siyang natulungan. Natanggap na rin namin na darating ang araw na ito dahil may problema siya sa puso niya...though you cannot always be ready for death," ang nagpapakatatag na pahayag ni Gabby nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga kasama sa media na naroon sa wake.

According to Gabby, three years ago pa nang malaman nila ang tungkol sa kalagayan ng ama. Dahil sa mga kaso niyang kinakaharap kaya hindi siya makauwi ng Pilipinas. Napagplanuhan tuloy nila noon na magkita na lang sa ibang bansa, pero hindi rin ito natuloy.

Continue reading below ↓

"Nalaman na rin namin na may problema sa heart niya three years ago pa pero last year lang lumala. Kaya last year naghanap kami ng way para magkita kami. Balak na lang namin na dalhin si Dad sa Hongkong or Australia para magkita kami. Dun na lang kami magkita, to spend quality time together. Kaya lang naisip ko, mas mabigat para sa aming dalawa that after a month of being together, maghihiwalay din kami."

THE NIGHT DADDY ROLLIE DIED. Nagkuwento si Gabby ng mga pangyayari nung gabing binawian ang buhay si Daddy Rollie. Gabby believed na kung maaaga-agang nadala sa hospital ang ama ay maaring nailigtas pa ito.

"Galing siya sa kanyang electrical mechanic na gumagawa ng kanyang electric motorcycle in Makati. Si Daddy kasi pumasok sa ganung business, e. Nagkaroon siya ng electric motorcycle problem. Bigla siyang nakaramdam ng sakit sa dibdib niya, so umuwi siya ng bahay para kumuha ng gamot. Bumalik siya ng Makati kasi nandun ang kaibigan niya, ‘tapos nasa kanto pa lang daw sila ng Shaw [Boulevard] at Nueve de Pebrero, nag-go yung stoplight, pero di siya nag-go. Nakita ng kaibigan niya na uminom siya ng gamot ‘tapos nag-lean back siya sa headrest and di na siya gumalaw."

Continue reading below ↓

Maliit na tao raw kasi yung kasama ni Daddy Rollie sa kotseng sinasakyan nito, kaya hindi nito makuhang mabuhat at mailipat sa passenger seat si Daddy Rollie. Nagtawag na lang daw ito ng mga taong tutulong sa kanila para makarating sa ospital. Kung nadala raw agad ito sa ospital ay baka na-revive pa ito.

"Ako naman nanggaling ako nun sa bahay ng accountant ko sa Makati City. May invitation sa akin yung wife ko and family niya."

Tinawagan na lang daw siya sa cell phone na nasa ospital na nga ang daddy niya. Pero huli na nang makarating siya sa pinagdalhang hospital kay Daddy Rollie.

"Nung nakita ko siya, wala na."

HELPING OTHERS. Bago pa man nangyari ang pagkawala ni Daddy Rollie ay marami na silang napag-usapan ni Gabby, at isa na rito ang payo na lagi nitong sinasabi sa aktor.

"Marami kaming napag-usapan. Gusto niyang iparating sa pamilya namin na masaya na rin siya, he had a fruitful life, he had a happy life with his friends. May mga texts pa nga siya na ipinadala sa mga friends niya, nabanggit niya sa akin na nagpapasalamat siya sa mga ito.

Continue reading below ↓

"Isa lang naman ang sinabi sa akin ng dad ko na di ko nakakalimutan: ang buhay mo raw ay di para sa iyo, di lang para sa iyo, dahil nandito tayo dahil ginagawa tayong instrumento ng Panginoon para sa ibang tao.

"Dad has been like that, marami na siyang natulungan in his own ways."

Ang chapel nga raw na pinagbuburulan ni Daddy Rollie ay naipatayo sa tulong din ni Daddy Rollie at iba pang mga taong tumulong sa kanya para maipatayo ito.

SENDING THEIR SYMPATHY. Dumalaw noong Huwebes ng madaling araw si KC Concepcion sa wake ni Daddy Rollie, kasama si Ruffa Gutierrez. Dumalaw na rin ang dating manager ni Gabby na si Lolit Solis at maging si Sharon Cuneta ay nagpaabot na ng kanyang pakikiramay. Ganundin ang mag-amang Jolina at Daddy Jun Magdangal na nagpadala na rin ng bulaklak.

"Oo, pumunta na si KC, tinawagan ko siya, nakarating naman. Masaya na nandito siya. Pero pareho kaming malungkot sa nangyari. Nagpaabot na rin ng pakikiramay niya si Sharon, di ko na lang pag-uusapan yun on air, but it's a good feeling kasi this is a time for peace and I think it's happening, sa dami naman ng nangyayari. Hindi ko pa nakikita yung ipinadalang flowers nina Jolina and Daddy Jun, pero siguro nga nagpadala na sila and, thank you, Jolina and Daddy Jun Magdangal.

Continue reading below ↓

"Masarap ang feeling na nandito si Lolit. Very close sa dad ko yun. The time to get together should be now, more so than any other day. Now is the time for healing, for bonding, for togetherness. If there are any differences today, I think it should end this day. Sabi nga nila for every death, there's a new life. I hope it's a beginning of a new and peaceful life."

Daddy Rollie's remains will be buried at the Loyola Memorial Park in Marikina tomorrow, September 28, at 4 p.m.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Isa lang naman ang sinabi sa akin ng dad ko na di ko nakakalimutan: ang buhay mo raw ay di para sa iyo, di lang para sa iyo, dahil nandito tayo dahil ginagawa tayong instrumento ng Panginoon para sa ibang tao," shares Gabby Concepcion about his father Rollie Concepcion's constant advice before he died.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results