Michelle Van Eimeren's wish for Regine: "Sana maging asawa ni Ogie yun."

Sep 28, 2008
"Si Regine, family ko na yun. At importante yun...sana maging asawa ni Ogie yun, e. Important siya sa buhay namin, so, she's family. Life is too short kasi, di ba? If you focus on negative, kailangang tanggapin niyo ang lahat ng bigay ng Diyos sa ‘yo," says Michelle Van Eimeren, Ogie Alcasid's ex-wife, about Regine Velasquez in her interview with Startalk. Last night, at Ogie's "Twenty/Twenty" concert, Miche

Dumating last Friday night, September 26, ang dating asawa ni Ogie Alcasid na si Michelle Van Eimeren, kasama ang kanilang dalawang anak na sina Leila at Sarah, at ang ilang miyembro ng pamilya ni Ogie. Sinalubong sila ng mga naghihintay na press na nakatunog sa kanilang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport . Isa ang Startalk sa matiyagang naghintay at nakapag-interview kay Michelle, patunay na hindi totoo ang ugong na ilang araw nang nasa bansa raw ang mag-iina ni Ogie at itinatago lang sila sa media.

Pero naniniwala raw ang Startalk na sinubukan talagang maging pribado ang pagdating ng mag-iina, as private as the real reasons of Ogie and Michelle's separation.

Ayon nga kay Michelle, "Ayokong ilabas ng lahat ng, you know...privacy namin. Sasabihin ko ang gusto kong i-share. ‘Pag ayoko, ayoko...joke! Sana okey yun sa inyong lahat."

GETTING EMOTIONAL. During the interview of Startalk, kapansin-pansin na biglang may kinawayan si Michelle na isang lalaki at pagkatapos ay napaluha at bigla na lang naging emosyunal si Michelle.

Continue reading below ↓

"Si Ben, ang driver ko noon. Pero, hindi ko tingin sa kanya, driver. Tingin ko sa kanya, family ko. ‘Yan...talagang friend ko ‘yan, e."

Marami raw siyang naaalala now that she's here again in the Philippines.

"Siyempre, maraming memories. Nakikita yung face ng mga Filipino. Naiisip yung time na dito ako nakatira. Emosyunal yun. Pero, hindi dahil sa nangyari sa amin."

Marami ang nag-iisip kung ano ang magiging participation ng mag-iinang sina Michelle, Leila and Sarah sa Twenty/Twenty concert ni Ogie na ginanap kagabi sa Araneta Coliseum. But true to Michelle's word, she was just really there to watch her former husband perform.

"Nandito lang ako to support him. I'm his family. I want to see him succeed and soar. I'm very proud of him kasi."

Ayon na rin kay Ogie, sinadya raw talaga niyang itapat na September ang concert dahil ang buwan na ito ang bakasyon sa school nina Leila at Sarah. Pero si Ogie na rin ang nagsabi na sandali lang titigil sa bansa ang mga ito dahil kailangan nilang bumalik sa eskuwela.

Continue reading below ↓

ACTIVITIES ORGANIZED BY REGINE. Michelle is looking forward sa mga activities na gagawin nila while they are here. Si Regine ang nag-organize ng mga gagawin at pupuntahan nila after Ogie's concert, ayon kay Michelle.

"Nag-organize si Regine ng mga ibang activities namin. So, basta enjoy kami ng family. ‘Yan ang plano ko..."

At minsan pa ngang inihayag ni Michelle ang kanyang saloobin kay Regine.

"Si Regine, family ko na yun. At importante yun...sana maging asawa ni Ogie yun, e. Important siya sa buhay namin, so, she's family. Life is too short kasi, ‘di ba? If you focus on negative, kailangang tanggapin n'yo ang lahat ng bigay ng Diyos sa ‘yo."

DIVORCED, NOON PA. Kay Michelle na rin nanggaling ang tungkol sa totoong estado ng kasal nila ni Ogie.

"Oo, divorced na kami...noon pa," natawa niyang pag-amin. "Medyo weird lang kasi rito, kasi, ibang system, di ba? Kailangan ng annulment, so, you know, ayokong sabihin na naniniwala ako sa divorce, kasi, hindi talaga. Feeling ko, kailangan you really have to work hard sa relationship.

Continue reading below ↓

"Ayusin n'yo kung kaya n'yo. Pero kung talagang hindi puwede, it's much better hiwalay kayo, pero, close pa rin. Close pa rin para sa family. Kasi, sometimes, if you're forced to stay together, you end up hating [each other], di ba?"

Ayon kay Michelle, naipaunawa na niya sa mga bata ang sitwasyon.

"Siyempre, nasaktan sila. Mahirap sa mga anak namin. Sa mga bata, ayaw nila, e... Pero, kailangang ipakita mo sa mga bata na okey kayo. Magkaibigan kayo at hindi kayo mawawala sa buhay nila."

HIS NAME IS MARK. Sa naturang interview at the airport, ipinakita na nga ang lalaking kinumpirma ni Michelle na "kasama" niya, at sinabi pa niyang kilala na ni Ogie.

Sa concert naman ni Ogie kagabi, pinangalanan ng singer ang lalaking kasama ni Michelle na si Mark. Biniro pa ito ni Ogie ng, "Mark. You are now tabloid material."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Si Regine, family ko na yun. At importante yun...sana maging asawa ni Ogie yun, e. Important siya sa buhay namin, so, she's family. Life is too short kasi, di ba? If you focus on negative, kailangang tanggapin niyo ang lahat ng bigay ng Diyos sa ‘yo," says Michelle Van Eimeren, Ogie Alcasid's ex-wife, about Regine Velasquez in her interview with Startalk. Last night, at Ogie's "Twenty/Twenty" concert, Miche
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results