PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rose Flaminiano on Nadia Montenegro: "Ako ang welcome ni San Pedro at saka si Nanay Cristy; siya sa impiyerno!"

Mommy Rose also talks about issues with Gabby Concepcion and Jinkee Pacquiao.
by Rose Garcia
Published Oct 5, 2008
Mrs. Rose Flaminiano has this message to Nadia Montenegro (inset): "Nadia, you keep yourself busy, anak. Palagi kang nai-involve sa mga usapan. Ako naman, nagtatampo lang ako sa ‘yo, hindi naman ako nagagalit. Yun nga lang, iwas-iwasan mo ang mga text-text mo nakakasakit."

Two Saturdays ago, September 27, live na humarap si Nadia Montenegro sa Startalk. Binuweltahan niya ang kaalitang sina Cristy Fermin at Mrs. Flaminiano. (Click here to read related article.)

Kahapon, September 4, ay live ding nagpa-interview ang manager ni Gabby Concepcion, na mas kilala sa tawag na Mommy Rose sa showbiz, para sagutin ang mga naging pahayag ni Nadia sa Startalk last week. Sina Butch Francisco at ang dating manager ni Gabby na si Lolit Solis ang nag-interview kay Mommy Rose.

"SULSOLTANT." Unang tanong ni Butch Francisco kay Mommy Rose ay kung paano raw nito nasabing "sulsoltant" si Nadia. Tila nag-isip pa sa umpisa ang business manager ni Gabby kung may nasabi nga ba siyang ganoon.

"Ang natatandaan ko, wala akong sinabing ‘sulsoltant' si Nadia, ‘no. Pero anyway, baka nga ganoon. Sulsoltant kasi meron akong nakitang mga texts niya tungkol kay Gabby na against sa akin," paliwanag ni Mommy Rose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Lolit na ang nag-follow-up na ang nilalaman daw ba nitong text message ay "Gabby is in the wrong hands?" Sinabi rin ni Lolit na, ayon kay Nadia, hindi naman niya binanggit ang pangalan ni Mommy Rose sa text and it could mean a lot of people.

"Hindi... Siyempre sabi niya [Nadia], ang katuwiran niya, 'Gabby is in the wrong company.' When you mean company, marami yun. Maaaring after naming magtrabaho ni Gabby, meron siyang nakakasamang ibang kaibigan. Yun, puwede yun. Pero, ‘Gabby is in the wrong hands,' so ako yun. Ako ang nangangasiwa kay Gabby, e.

"So, pinabayaan ko. Nagtampo ako ro'n. Then, meron na naman siyang kinakalat na kung ano-ano. Na according kay Robby Tarroza [show promoter], siya raw ang nagkakalat," lahad ng business manager ni Gabby.

Ayon kay Nadia, manalamin daw sina Mommy Rose at Cristy para malaman nilang hindi sila Diyos.

Sabi ni Mommy Rose, "Ah, hindi naman... Hindi naman puwedeng sabihin, Nanay Lolit, na ako ang Diyos. Baka nagkamali siya, baka ang naisip niya or ibig niyang sabihin, manalamin siya dahil hindi naman siya ang dyosa ng kagandahan, baka ganoon. Ha-ha-ha! At talaga namang mali."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Used oil" na raw si Mommy Rose bilang buwelta ni Nadia sa sinabi ng business manager na wala raw siyang makukuha kay Nadia kundi "mantika."

"Ay naku, wala siyang originality, ‘no! O, di ba? Wala siyang originality. Mag-isip naman siya para may originality siya," sagot ni Mommy Rose.

Hirit ni Lolit, sinabi raw ni Nadia na nagbibigay raw si Mommy Rose ng pera sa press, kaya biro nito, bakit daw siya (Lolit) ay hindi binigyan ni Mommy Rose?

"Ay, excuse me, ‘no! Hindi talaga ako nagbibigay ng pera sa press. Alam n'yo, meron talagang press na hindi sila after sa pera, yung prinsipyo. Like si Nanay Cristy, totoong-totoo, maprinsipyo ‘yan. Kung ako ang mali or si Gabby ang mali sa akin, talagang yun, prinsipyo niya yun na doon siya sa tama. Yung kamo nagbigay ako ng pera, alam ni Lolit ‘yan, e, di sana ikaw [Lolit] na ang una," sabi ni Mommy Rose na may halong birong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

360-DEGREE TURN. Tinanong naman ni Lolit si Mommy Rose kung ang naramdaman niya nang sabihin ni Gabby na gusto nang kumawala nito sa kanyang pangangalaga?

"Well, actually kasi, 360 degrees. Yun bang ang saya-saya namin. Walang problema. Okey lahat. Yung kanyang kinikita, nasa ayos. Until finally, after the concert, doon ko napansin na talagang nagbago siya."

"Nanlamig?" tanong ni Butch

"Hindi naman sa nanlamig," sabi ni Mommy Rose. "Kasi meron kaming napirmahan na P300,000 per show siya. Ginagawa niyang P800,000 per show. Siyempre, nakapirma kami ro'n, e. At saka napansin ko, ibang-iba na ang arte niya sa akin right after the [Metro Bar] concert. "

Matunog na "Yes, definitely!" ang sagot ni Mommy Rose nang sabihin ni Lolit kung sa palagay kaya niya ay dahil ito sa mga taong nagsusulsol kay Gabby.

Sa tingin ba niya ay si Nadia ang isa mga nagsusulsol kay Gabby?

"Yes, kasi marami akong nakikitang text na galing sa kanya at si Robby Tarroza, sinabi talagang yung mga masasakit, siya talaga ang nagpapadala. Parang, ‘Go, Gabby, go! Parang ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"MOTHER & DAUGHTER." Ibinalik naman ni Butch ang tanong sa mga naging pahayag ni Nadia last week at hiningan ng reaction si Mommy Rose, ‘tulad ng naging pahayag ni Nadia na mas gugustuhin daw nitong maging ulila na lang kesa magkaroon ng nanay na tulad nina Mommy Rose at Cristy.

"E, naku naman, kung anak ko siya, ‘hindi siya tatagal! Itatakwil ko talaga siya. Wala akong anak na kagaya ni Nadia Montenegro. Wala akong ganoon. Kaya imposibleng maging nanay niya ako or maging anak ko siya," maanghang na pahayag ni Mommy Rose.

Ayon kay Nadia, "makapal ang pagmumukha" ni Mommy Rose?

"Well, ang sa akin, sa kulturang Filipino, siyempre ako, nakakatanda sa kanya. At saka yung nanay naman niya, siguro yung nanay niya, baka magkasing-edad kami. Ikaw ba, kapag nagtampo ka sa nanay mo, sasabihin mong makapal ang mukha ng nanay mo sa harap ng telebisyon? Nationwide? O, meron pa yatang TFC na tinatawag. Siyempre, kawalang respeto naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa ka Nadia, hindi raw sila magkikita sa kabilang-buhay dahil hindi raw sila pagbubuksan ng pinto ni San Pedro.

"Ako ang welcome ni San Pedro at saka si Nanay Cristy; siya [Nadia], sa impiyerno!"

Paano ba sila nagkaroon ng problema ni Nadia, to think na ang problema talaga ay sa pagitan lang nina Mommy Rose at Gabby?

"Correct! Ewan ko... E, alam n'yo naman si Nadia...even kay Gretchen Barretto, palaging nai-involve! Alam n'yo naman dito sa atin, sa showbiz, palaging involve si Nadia."

STATUS WITH GABBY. Ano na ang sitwasyon nila ni Gabby ngayon?

"Ang sitwasyon namin ngayon, simula nang mamatay ang father [Mr. Rollie Concepcion] niya, yung mga naririnig ko na lang, yung mga sinasabi ng kapatid at saka sinasabi ng mother. Pero sa ngayon, hindi pa kami nag-uusap. Kasi yung huli naming hearing, hindi siya bumaba ng sasakyan niya kung kaya't hindi kami nagkausap."

Ayon kay Mommy Rose, marami pa raw silang dapat pag-usapan ni Gabby bago pa man maayos ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Last week ay nagpahayag na si Lolit na bilang manager, hindi niya kayang ibigay kay Gabby ang kontratang nakuha ni Mommy Rose sa ABS-CBN. So, tinanong nang diretso si Rose kung paano nito nakuha ang deal na yun para kay Gabby.

"Mas magaling ako sa ‘yo, Nanay Lolit. Excuse me, mas magaling ako sa ‘yo. O, di ba, may konti akong karisma," biro ni Mommy Rose kay Lolit.

Ayon kay Lolit, kaya naman daw lahat halos ng manager ay "naloka" noong makita ang kontratang nakuha niya for Gabby.

"Huwag naman," sambit ni Mommy Rose.

"Ganda lang," susog ni Butch.

"Hindi nga, e. Di ba't used oil nga raw ako?" natatawang sabi ni Mommy Rose na pinatutungkulan ang sinabi ni Nadia sa kanya. "Pero ‘eto, magaling... O, di ba, ang galing mo kay Jinkee [Pacquiao]. I'm sure, ikaw na magbibilang ng pera ni Jinkee. Hello, Jinkee, " sabay bati ni Mommy Rose sa misis ni Manny Pacquiao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago kasi ang live interview ni Mommy Rose ay nakausap din nina Butch at Lolit si Jinkee via phone patch.

ISSUE WITH JINKEE PACQUIAO. Pinaalaala ni Mommy Rose kay Lolit na dapat ay tinanong daw nito ang tungkol sa isyu nila ni Jinkee. Ayon kasi sa mga lumabas na balita ay may utang daw si Mommy Rose kina Manny at Jinkee na hindi pa nababayaran.

Pero katuwiran ni Lolit, kapag nag-guest na lang daw si Jinkee nang live sa Startalk niya tatanungin ang tungkol sa isyu nila ni Mommy Rose. Instead, direkta nang tinanong ni Lolit si Mommy Rose tungkol sa isyu nila ni Jinkee at kung ano nga ba ang totoo ro'n.

"Actually, yung isyu namin ni Jinkee, personal, wala kaming pinagkagalitan ni Jinkee. Si Jinkee, ang galing niya. Wala kang maririnig sa kanya na maninira siya ng kapwa niya. Kahit yung kay Ara Mina, wala kang maririnig sa kanya, napakatahimik na tao. At saka ako, sinasabi ko sa inyo, ‘yan ang humahawak ng pera ni Manny Pacquiao. At pangalawa, si Jinkee, ‘yan ang dyosa ni Manny. Sorry, Jinkee, ha!" natatawang sabi ni Mommy Rose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WAKE OF GABBY'S FATHER. Binalikan ulit ni Butch ang tungkol kay Gabby at tinanong si Mommy Rose kung pumunta raw ba si Mommy Rose sa burol ng ama ng aktor.

"Actually, hindi na ko nag-attempt kasi, ma-tension, e," sagot ng FLT Films producer.

Nagpadala ba siya ng flowers?

"Hindi po, hindi. Kasi yun nga ang naririnig ko, baka ibato lang ang aking flowers, nakakahiya pa. Ang problema, nahuli ang tanong mo. Sinabi mo kay Nadia, ‘Totoo nga ba na ganoon, itatapon mo?' Wala siyang sinagot."

Pero sinabi naman daw ng mga kapatid ni Gabby na kung pupunta si Mommy Rose, she's welcome.

"Oo, pero nandoon din si Nadia... Katulad din ni Gretchen na nang makita si Nadia, parang nalubog sa kumunoy. Hindi mo naman puwedeng sabihin na umalis muna si Nadia bago ako pumunta."

May nasabi ang ina ni Gabby, si Mrs. Baby Concepcion, na she's "like a lioness who will see for her son." Nasulat din daw sa diyaryo na tipong hindi naintindihan ni Mommy Rose ang sinabi ng ina ni Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, she's the mother, okey lang sa akin yun. Okey lang sa akin na nasabi niya yun," reaksiyon ni Mommy Rose.

Ano ang chance na magkapatawaran sila ni Gabby?

"Baka naman dumating din naman sa ganyan. Di ba, parang ako, sa akin ngayon, nandoon pa rin ako sa, kumbaga sa tubig, medyo mainit-init pa. Lalamig din ‘yan."

MESSAGE FOR NADIA & GABBY. Her message for Nadia?

"Nadia, you keep yourself busy, anak. Palagi kang nai-involve sa mga usapan. Ako naman, nagtatampo lang ako sa ‘yo, hindi naman ako nagagalit. Yun nga lang, iwas-iwasan mo ang mga text-text mo, nakakasakit.

"Meron kang sinasabi na mabuti ka, na noong nag-uusap tayo, mabuti ka... Noon, ang pakiramdam ko, ganoon. Pero nang makita ko ang mga texts mo, hindi nagkakamali sina Gretchen, lahat sa pelikula, na involved ka at nagagalit sa ‘yo. Ganoon lang yun, Nadia. Marami na akong naririnig tungkol sa ‘yo. Lalo na yung sabi mo, yung nanay mo, isinugod sa hospital, itinakbo. Sa totoo lang, nagpa-blood pressure lang ang nanay mo. At malalaman n'yo po ‘yan bukas, kay Nanay Cristy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano naman ang message niya kay Gabby?

"Nakakapagtaka kung bakit ka nagkaganyan, Gabby. Alam mo naman na wala akong ginawang hindi maganda sa ‘yo. Bakit biglang-bigla... Noon pa naman, sinabi ko sa ‘yo, ‘Alam mo, Gabby, kung anuman ang narinig ko sa ‘yo na masama, hindi ko pinapakinggan yun dahil naniniwala lang ako sa ‘yo.' Natatandaan mo yun, Gabby? Sinabi ko rin sa ‘yo, ‘Kung ano ang naririnig mo sa aking hindi maganda, huwag mo rin pakinggan.' Marami akong naririnig sa ‘yo, marami ka rin sa akin dahil maraming naiinggit sa akin, sabi ko, huwag mo lang pakinggan."

Ayon naman kay Lolit, dapat daw talaga ang manager-talent, ang tiwala rin ay parang kung paano ang tiwala mo sa lawyer mo or sa doctor.

Sabi naman ni Mommy Rose, "Ako naman, may tiwala naman ako kay Gabby, e. Naano na lang ako...na-turn off ako after ng concert na bigla siyang nagbago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sarado ba ang communication nila para hindi sila magkausap?

Ani Mommy Rose, "Nag-usap na kami niyan, tanda ko, August 25, nabanggit ka [Lolit] pa nga niya sa akin. At palagay ko, hindi totoo yung sinisingil ka niya or may utang. Pinag-usapan namin na huwag na naming pag-usapan about Nanay Lolit at sinabi ko sa kanya na in fairness kay Nanay Lolit, wala siyang isinusulat na against sa ‘yo."

Hirit naman ni Lolit, "Basta, hindi ako magbabayad!"

Sa huli, pareho namang aminado ang dati at bagong manager ni Gabby na mas minahal ni Gabby si Lolit dahil matagal ang pinagsamahan ng dalawa.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mrs. Rose Flaminiano has this message to Nadia Montenegro (inset): "Nadia, you keep yourself busy, anak. Palagi kang nai-involve sa mga usapan. Ako naman, nagtatampo lang ako sa ‘yo, hindi naman ako nagagalit. Yun nga lang, iwas-iwasan mo ang mga text-text mo nakakasakit."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results