Talagang napakaraming ginulat ni Rustom Padilla nang tawagin ang pangalan niya sa stage ng CCP Little Theater noong 31st Gawad Urian, October 1, para maging presenter.
Along with Mark Gil, sila ni Rustom ang nag-present ng Best Actor award this year dahil sila ang nanalo last year—si Rustom para sa ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh at si Mark para sa Rotonda.
Agaw-eksena talaga si Rustom na nakasuot ng damit pambabae, kuntodo makeup at wig, na animo'y isang babae talaga ang kasama ni Mark na umakyat sa stage.
Nang makausap ng programang Startalk si Rustom pagkatapos ng awards night, nagpahayag ang dating mister ni Carmina Villarroel na hindi naman daw niya kailangang humingi ng permiso kahit kanino sa pagsusuot niya ng damit pambabae.
Nilinaw rin ni Rustom na paghahanda lang niya ito para sa isang role sa isang stand-up comedy.
"Yeah, this is a character," sabi ni Rustom. "I'm Binibining Gandang Hangin. We're preparing a one-man show. Pinaplano namin sa February sa Music Museum. Para siyang Doña Buding [character popularized by Nanette Inventor]. Stand-alone character. Iba yung physical preparation. Nag-aaral ako ng ballet for this character. Female character kasi si Gandang Hangin."
Matagal na ring pinag-uusapan ang filmbio na gagawin ni Rustom, kung saan kasama raw rito ang relasyon niya sa isang aktor na naugnay sa kanya noon.
"Naku, no comment muna tayo riyan. No comment muna. We'll just cross the bridge when we get there. Parang nararamdaman ko si Ate Vi [Vilma Santos] ro'n!" natatawang biro niya.
Kinonsulta ba niya ang Padilla family sa plano niyang pagsasapelikula ng kanyang buhay?
"Hindi na siguro. That's my personal story. I mean, you know, I don't need to ask permission [from] anyone," sagot ni Rustom.
So, ibig bang sabihin, mananatiling isang sikreto ang ilang bahagi ng pagkatao ni Rustom hangga't hindi pa naipalalabas ang kanyang filmbio?
"Baka hindi na masyado after the film!" natawa ring pahayag ni Rustom, na talaga namang girl na girl na, maging sa kanyang pananalita.
(This article was first published October 5, 2008.)
