Cristy Fermin faces P2-M libel suit

IMAGE 0


Columnist-TV host Cristy Fermin faces another libel case, this time filed by former actor and Caloocan City Mayor Rey Malonzo. The case stemmed from Cristy’s article on July 8, 2008 in Bulgartabloid accusing Malonzo of threatening the life of businesswomanCristina Decena.



Hindi pa man naihahain ni Nadia Montenegro ang kasongbinabalak niyang isampa laban kay Cristy Fermin, isang libel case ang isinampang dating aktor at Caloocan Mayor Rey Malonzo laban sa kolumnista at co-host ngThe Buzz.

Ayon sa report ng gmanews.tv, nagsampa ng P2-million libelsuit si Malonzo laban kay Cristy sa Quezon City prosecutor's office. Ang kasoay nag-ugat sa isinulat na artikulo ni Cristy sa kanyang column sa tabloid na Bulgar noongJuly 8. Inakusahan ng kolumnista si Malonzo na diumano'ypinagtatangkaan ang buhay ng negosyanteng si Cristina Decena.

Sa naturang kasong isinampa ni Malonzo kay Cristy ay dawitdin ang pangalan ni Decena bilang defendant.

Si Decena ay dating karelasyon ng aktor na si PhillipSalvador.

Sa naturang artikulo ni Cristy ay isinulat niya na nagpunta siDecena sa istasyon ng pulis ng Makati City noong July 7 upang i-reportang diumano'y pagtatangka ni Malonzo sa kanyang buhay.

Isinulat din ni Cristy na sina Malonzo at Decena ay datingbusiness partners, ngunit nasira ang kanilang relasyon nang mabigo diumano angdating alkalde ng Caloocan na bayaran ang interes ng mga ari-arian na isinanla nito kay Decena.

Inakusahan din ni Cristy sa naturang artikulo siMalonzo ng pangha-harass sa isang anak ni Decena sa pamamagitan ng textmessage.

Noong Marso ng kasalukuyang taon ay kinatigan ngSupreme Court ang naunang desisyon ng Lower Court kaugnay ng libel case naisinampa ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama laban kay Cristylabintatlong taon na ang nakararaan. Inutusan ng korte si Cristy na magbayad ngkabuuang danyos na isang milyong piso dahil sa isinulat noon ni Cristy na kayaumuwi ng Pilipinas ang pamilya Gutierrez ay may tinatakbuhan silangestafa case sa Amerika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN