In the absence of Mo Twister, inimbitahan ng Showbiz Central si Angelu de Leon para maging guest sa Central Jury kasama ni Rufa Mae Quinto. Ang nakaupo sa hot seat ay si Antoinette Taus. Pinili ng Showbiz Central si Angelu as part of their Central Jury dahil kaibigan ito ni Antoinette.
Unang tanong ng dalawa kay Antoinette ay kung bakit siya nagbalik-bayan.
"Wedding ni Cheska Garcia. Yun talaga ang reason."
Nag-guest na rin sa iba pang shows si Antoinette, balik-showbiz na rin ba ito?
"Hindi, nagge-guest lang. Nagkataon lang na marami rin work, so, why not, di ba? Fun din naman. Na-miss ko rin. Hindi rin naman ako puwedeng mag-stay kasi, kailangan ko rin umalis kaagad."
Bakit?
"Hindi ko na kaya! Joke! Ha-ha-ha!" natawang sagot ni Antoinette.
Sundot ni Rufa Mae, "Anong hindi mo na kaya?"
"Joke lang yun! Ha ha ha!" bawi naman ni Toni.
DONG, K, MARIAN. Natanong din kay Toni ang dati niyang boyfriend na si Dingdong Dantes.
"Okey naman siya."
Nagkita na ba sila?
"Yes..."
Saan?
"Somewhere, Ha-ha-ha!" natatawa uling sagot ni Antoinette.
Nang tanungin kung kunektado ba sa trabaho niya ngayon ang pagkikita nila ni Dong, sagot ni Toni, "Hindi."
Ayon naman kay Angelu, palagi naman daw na naitatanong kay Toni si Dingdong, what about the significant other ni Dong na si Karylle, na-meet na ba ito ni Toni?
"Since then, no..." sagot ni Antoinette.
So, hindi pa siya talaga ipinapakilala ni Dong kay K (Karylle's nickname)?
"Magkaibigan kami ni K, magkasama kami sa SOP [noong araw]. Pero since then, hindi pa kami nagkikita. Hindi pa kami nagkakasama sa isang show. Pero, we bumped into each other sa Rockwell noon, pero, kunwari, hindi namin nakikita ang isa't isa."
Bumped talaga?
"Yeah, kasi, na-shock ako, e! Pero, kunwari hindi namin kilala ang isa't isa."
Sino ang kasama ni Karylle nung time na yun?
"Hindi ko kilala, e... Mga friends," sagot ni Antoinette.
Pero totoo bang lumabas na raw sila ni Dingdong together?
"Ha-ha-ha... As friends. Hindi lang naman kami," pa-safe na sagot ni Toni.
Sinu-sino naman yung mga kasama nila nung lumabas nga sila ni Dingdong as friends?
"Wala lang..."
"Si Marian, nagkita na ba kayo?" asked Rufa Mae.
"Hindi pa kami nagkikita actually."
Dugtong ni Angelu, napanood daw niya ang interview ni Antoinette na sinasabing gusto niyang ma-meet si Marian.
"Ah, oo nga, nakakatawa! Parang pinalabas nilang, ‘I want to meet her!' No naman, of course, tinanong nila if I want to meet her? So, siyempre, bakit naman hindi, di ba?" pagdedepensa ni Antoinette tungkol sa isang interview na parang lumalabas na mataray ang dating niya't gusto niyang makaharap ang Dyesebel leading lady ni Dingdong.
But Angelu and Rufa Mae were curious, bakit gusto ni Antoinette na ma-meet si Marian?
"Well, matagal na naman sinasabi ni Dong na, ‘Uy, gusto kong ma-meet mo siya. Mabait.'"
Lahat ba ng naka-love team ni Dong ay na-meet na ni Toni, except Marian?
"Yes! Si Marian pa lang ang hindi!"
Sino ba ang pinaka-okey na ka-love team ni Dong?
"Ganun?! Ako! Joke! Ha-ha-ha! Uy, patawa lang yun, ha!" bawi agad ng petite actress.
Tinanong ni Rufa Mae, pagkatapos ba ng relationship niya with Dingdong, nagkaroon ba siya ng love life?
"Wala! Wala...Marami akong nami-meet, pero, walang nag-spark."
So, what is she busy with now?
"Sa States, may magazine na ‘ko. Editor-in-chief ako ng M magazine. Actually, what I've been trying to do the past few years, and I might have a show on Fox [TV Network sa U.S.], soon...Hopefully! Sana. May pagka-reality [show] siya. Pero hindi ko pa puwedeng iano. Kasi, hindi pa naman lahat... Hopefully by November, ma-air na," excited na kuwento ni Antoinette.
Angelu said, sana mapanood sa Pinas ang show na ito ni Antoinette, kung sakali.
"Sana, sana... Actually, may plan din naman na mag-shoot dito."
AND THEN, THE KILLER QUESTION. Happy raw si Toni na she's back kahit na for a few days lang. Pero sabi bigla ni Angelu, ewan na lang daw kung magiging happy pa rin si Antoinette pagkatapos mabasa ang nakahanda ritong "Killer Question" and "Killer Task."
Napa-"Ay, ayoko ‘to! Ayoko talaga!," sabay balik ng "Killer Task" card sa lalagyan nito. Pinili na lang ni Toni ang "Killer Question."
And the Killer Question: "Hanggang ngayon, hindi pa rin nagkakaroon ng malinaw na kasagutan from you ang mga ispekulasyon na may anak ka na raw. Once and for all, pakisagot kung may anak ka nga ba or wala?"
"Wala! Ano ba? ‘Kainis! Hindi ko nga maintindihan kung bakit nila sinasabi..."
Sabat naman ni Angelu, "Oo naman, in fairness, very updated ‘yan sa lahat, sa Facebook."
"Oo naman! Kung may anak ako, malamang nasa Facebook na ang picture ng anak ko, di ba?" salo naman ni Toni.
Where did she think the rumor came from?
"E, di ba, kapag may umaalis ng bansa, may lumalabas na ganoong isyu? I think, doon nag-start. And then, habang nagtatagal-tagal, paalis-alis ako. At tuwing umaalis ako, may bago na naman daw akong anak.
"Baka pag-alis ko na naman ngayon, manganganak na naman daw ako. ‘Tapos, siguro minsan, may mga nakakasama kami na anak ng mga friends, mga inaanak, mga anak ng pinsan. Kapag nakita nilang kasama namin, sasabihin nila, anak namin.
Dugtong pa niya, "And I can't believe the other day, may kasama lang ako... Sabi sa akin, seryosong-seryoso siya, ha, ‘So, your baby is in the States?' It's like... ‘No! I don't have any baby or whatsoever, wala talaga!'"
Maging si Rufa Mae ay nag-attest na kahit siya, saksi siya na wala talagang baby si Antoinette.
