PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diether Ocampo insists he's not running for any government position

Diether keeps mum about rumors that he was spotted inside the GMA Network Center.
Published Oct 5, 2008
"Ngayon pa lang, sinasabi ko na kaya kong tumulong sa abot ng aking makakaya sa pamamagitan ng aking K.I.D.S. Foundation, pero hindi ko kailangan ng posisyon sa gobyerno para lang tumulong, lalo na sa mga kabataan natin," says Diether Ocampo.

Sa pagtatag niya ng Kabataang Dapat Ninyong Suportahan (K.I.D.S.) Foundation, kung saan marami na rin makabuluhang proyekto ang nagawa nito para sa mga kabataan, nababahiran ng kulay na hindi kaya ito ang paaran ni Diether Ocampo para makapasok sa mundo ng pulitika?

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Diether, mariin niyang sinabi na wala sa plano niya ang tumakbo sa anumang government position. Masaya na raw siya na sa pamamagitan ng itinayong foundation ay nakakatulong siya sa mga kabataan natin ngayon.

"Matagal na akong inaalok para sa isang lokal na tungkulin sa Cavite, pero ilang beses na rin akong tumanggi dahil hindi ko talaga linya ang pulitika. Ngayon pa lang, sinasabi ko na kaya kong tumulong sa abot ng aking makakaya sa pamamagitan ng aking K.I.D.S. Foundation, pero hindi ko kailangan ng posisyon sa gobyerno para lang tumulong, lalo na sa mga kabataan natin.

"Maraming lumalapit sa aking mga pulitiko at nakikipag-uganayan para sa kanilang mga proyekto. Huwag sana sumama ang kanilang loob at ako'y humihingi ng paumanhin kung hindi ko mapagbigyan ang hiling nila. Kami ay non-political organization. Gumawa sila ng sarili nilang proyekto at kami'y susuporta na lamang. Kung anuman ang maibibigay naming kontribusyon basta makakatulong tayo sa mga mahihirap na mamamayang Filipino, lalo na sa mga kabataan namin, bukas kami dun," pahayag ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Ibinalita ni Diether sa PEP na Sa October 24 to 26 ay magkakaroon ng medical and dental mission ang K.I.D.S. Foundation sa mga kababayan natin sa Benguet. Nandun ang panawagan ng aktor sa mga taong gustong magpa-abot ng kanilang tulong.

"Para sa mga kababayan natin, sa mga Kapamilya natin lalo na sa abroad, sana po makapag-donate po kayo ng kahit na ano na puwede po nating dalhin para sa mga batang mahihirap sa Benguet, sa bandang Mountain Province. Magkakaroon kami ng medical and dental mission. Our email ad is kidsdiether@yahoo.com."

DIET KEEPS MUM ON ISSUES. Sa kabila ng sunud-sunod na proyekto sa ABS-CBN ay may kumakalat pa ring balita na nakita raw sa bakuran ng GMA-7 si Diether at nakipag-meeting. Nabuo tuloy sa isipan ng marami na baka totoo nga na may balak pumakabilang-bakod ang aktor.

"Ayokong magbigay ng komento diyan," iwas ni Diether. "'Yan ay napakamaselang bagay at ayokong may sumama ang loob. Nakikita n'yo naman ako na nandito pa sa ABS at may mga kino-conceptualize na mga projects for next year, marami tayong gagawin for next year. Pero gaya ng aking pahayag, wala pa rin tayong kasiguraduhan, ‘yan ay haka-haka lamang. Antabayanan na lang natin ang mga susunod na pangyayari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, nagbigay ng pahayag si Oyo Sotto na tanggap na niya na hanggang kaibigan lang talaga ang turing sa kanya ni Kristine Hermosa at hanggang ngayon ay si Diether pa rin ang mahal nito. Ano ang masasabi ni Diether dito?

"No comment ako diyan. Ang natutuhan ko, ‘pag masyado kang honest, wala kang napapalang mabuti minsan. Basta ‘pag kailangan ako ng kaibigan o ng malalapit na tao sa buhay ko, at minsan nga kahit di ko kilala, tumutulong ako; lalo na siguro dun sa mga taong naging parte ng buhay ko. Hindi ako masamang tao para tumanggi sa anumang maitutulong ko.

"Right now, wala pa rin akong lovelife," diin niya. "Marami akong nakikilala, pero hindi ako naging mapalad. Medyo may katagalan nang namamahinga ang puso ko, pero hindi naman ako naghahanap."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ngayon pa lang, sinasabi ko na kaya kong tumulong sa abot ng aking makakaya sa pamamagitan ng aking K.I.D.S. Foundation, pero hindi ko kailangan ng posisyon sa gobyerno para lang tumulong, lalo na sa mga kabataan natin," says Diether Ocampo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results