Nag-post si Zoe Gabriel, mas kilala bilang "Charles & Keith Girl," sa TikTok last April 16, 2023 ng video para aniya ay i-address ang mga kasalukuyang kaganapan sa kanyang buhay, “to sort of clear the air."
Kasama niya sa video ang kanyang ama.

Read also: Pinay teen na kinutya noon dahil sa “luxury bag” issue, bida sa collab with Malaysian airline
Matatandaang unang naging kontrobersyal ang 17-year-old Filipino-Singaporean matapos kuyugin ng netizens sa kanyang nai-post na video ng biniling Charles & Keith purse na aniya ay pinakauna niyang “luxury” bag.
Argumento noon ng netizens, ang Charles & Keith ay hindi luxury brand.
Ang isyu naman ngayon ng netizens kay Zoe — nagpapanggap lang daw siyang mahirap.
Ginagawa diumano ito ng content creator para magkaroon ng clout, at makakuha ng simpatya sa kanyang followers.
Tinukoy rin ng iba na ang kanyang ama ay isang mechanical engineer sa Singapore.

Read also: Pinay teener na na-bash noon dahil sinabing “luxury” ang Charles & Keith, brand ambassador na
Dahil sa propesyon ng kanyang ama, mas malaki ang kinikita nito kaysa sa average Singaporean, batay na rin sa ulat ng The Straits Times.
Madalas na may news feature sa nasabing pahayagan si Zoe magmula nang maging Internet sensation siya.
Ang The Straits Times ay isang English-language daily broadsheet newspaper sa Singapore, at pag-aari ng SPH Media Trust.
At dahil nga sa propesyon ng kanyang ama, inaakusahan ngayon si Zoe na hindi siya nagiging matapat sa kanyang totoong kalagayan sa buhay.
Ipinakikilala lang umano niya ang sarili na hindi mayaman.

Ayon sa Facebook post ng isang “Serene Ho” last April 11, "Appears that the Charles and Keith Pinoy girl is not as poor as she makes herself out to be.
“Her dad probably earns more than most Singaporeans. How many of us can afford to homeschool our kids? Don’t be hoodwinked by her."
Kalakip ng post ang screenshots ng iba pang pagpuna kay Zoe, at ang LinkedIn page ng kanyang ama.
Sa video naman ay nagpaliwanag si Zoe sa pamamagitan ng written statement na nagsasabing: "The truth has always been out from the beginning—there were never any 'dirty little secrets.'
“While we are offended, deeply hurt, and affected from all these wrongful and false accusations, we choose to stay true to who we are.
“We choose to understand others and be kind."

Read also: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales celebrate monthsary with meals worth less than PHP200 in carinderia
Sambit naman ng kanyang ama, "We are not rich but we definitely have enough for our needs.
“For everything else, we prepare for it, we work hard for it, and we save up for it."
Si Zoe ay may mahigit 257,000 followers sa TikTok.
Matapos naman siyang mas makilala dahil sa Charles & Keith “luxury” issue, naging brand ambassador siya ng Singapore fashion brand.
Naging bahagi rin siya ng serye ng promotional social media content para sa Air Asia, isang Malaysian budget airline.
Hindi verified account ang Facebook ni Serene Ho, na ayon sa description nito ay: “I write about politics and food.”


Read also: Twitter users kailangan nang magbayad para maging verified account
Active din ang nasabing account, at nagre-reply ito sa mga nagkokomento—partikular sa mga nagtatanggol kay Zoe.
May mga netizens din—karamihan ay Singaporean—na bumatikos kay Serene Ho, at nagsabing nagseselos lang ito sa tinatamasang fame ngayon ng content creator.
Kung Singaporean umano si Zoe, baka hindi ganoon ka-passionate ang gagawing pagbatikos dito ni Serene Ho.
Hindi rin umano dapat na nadadawit sa isyu ang ama ni Zoe.
Buwelta naman ni Serene Ho sa mga ito, “I do not care about her ‘fame,’ but lying to attain it is downright despicable.”
