Jennica Garcia and Mart Escudero celebrate their 10th monthsary as young lovers

IMAGE 0


"Every month may ibinibigaysiya sa akin na mga little notes lang na pampakilig. Akala ko wala nang lalake na gumagawa ng gano'n. Pero nagulat talagaako kay Mart kasi he's such a romantic person na hindi mo inaasahan na gano'nsiya. He really makes me smile kapag nababasa ko yung mga sinusulat niya saakin," says Jennica Garcia about boyfriend Mart Escudero.



Ngayong buwan ng Oktubre ay magse-celebrate ng kanilangtenth-month anniversary ang magkasintahang sina Mart Escudero at JennicaGarcia. Sinabi ng Kapuso young stars sa PEP (Philippine Entertainment Portal)na mas naging magaan daw sa kanilang dalawa ang ginawang pag-amin dahil wala naraw silang itinatago na sikreto sa maraming tao.

Si Mart ang unang umamin sa relasyon nila ni Jennica nangmag-guest ang young actor sa SiS. Natuwa naman daw si Jennica dahil galing namismo sa lalake ang pag-amin ng kanilang relasyon.

Sa presscon ng Gagambino noong Lunes ng gabi, October 13, saStudio 3 ng GMA Network Center ay nakausap ng PEP sina Jennica at Mart. Ipinaliwanag ng magkasintahan kung bakit hindinila agad inamin ang kanilang relasyon.

"Talaga namang sasabihin namin ang totoo, pero we werewaiting for the right time," paliwanag ni Jennica. "Since nasabi na nga ni Martsa SiS noon, I think yun na ang tamang panahon. Proud ako to say na galing sabibig niya na kami na. Minsan kasi nakakatakot kung ako ang magsabi ‘taposbiglang i-deny ka ng lalake, di ba? At least sa situation naming dalawa, siMart na ang nagsabi at siyempre, happy ako sa ginawa niya."

First boyfriend ni Jennica si Mart at first seriousgirlfriend naman daw ni Mart si Jennica. Doon pa lang daw ay parang destined nasilang magkaroon ng magandang relasyon.

Ano ba ang gift nila sa isa't isa kapag dumarating ang "monthsary"nila?

"Ako kasi, may isinusulat ako na little notes para kay Jen,"sabi ni Mart. "Nagugulat nga siya kasi hindi niya alam na kaya kong gawin ‘yon.Mga romantic lines lang naman ang isinusulat ko for her at natutuwa siya.Gano'n lang kasimple ang bigay ko sa kanya."

Inamin ni Jen na hindi niya akalain na may mga lalake pa palangmarunong gumawa ng mga ganung romantic notes at hindi niya inaasahan ‘yon kayMart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Promise, nagulat talaga ako!" bulalas ni Jennica. "Every month may ibinibigaysiya sa akin na mga little notes lang na pampakilig. Akala ko wala nang lalake na gumagawa ng gano'n. Pero nagulat talagaako kay Mart kasi he's such a romantic person na hindi mo inaasahan na gano'nsiya. He really makes me smile kapag nababasa ko yung mga sinusulat niya saakin."

Patuloy niya, "Ako naman, tama na yung sinasabi ko ang nararamdam ko forhim. Very expressive ako sa mga emotions ko, e. Mas nailalabas ko ang trueemotions ko kapag sinasabi ko siya. Kaya alam naman ni Mart ang mga truefeelings ko sa relasyon namin."

Happy naman daw ang mommy ni Jennica na si Jean Garcia sanaging outcome ng kanilang relasyon. May mga pieces of advice din daw si Jeansa kanila para maging maganda at maayos ang takbo ng relasyon nila.

"Nakikinig kami kay Mommy," sabi ni Jennica. "Ako naman, ayoko na may magawaakong mali kaya I don't mind kung may ipayo si Mommy or pagsabihan kami parati.She knows more than me at mas marami siyang na-experience sa buhay kaya maykarapatan siyang pagsabihan kami ni Mart."

Ianmin din ni Jennica sa PEP na sa simula pa lang ay alam nang kanyang ina ang tungkol sa relasyon nila ni Mart. Ayon sa young actress,mismong si Mart daw ang nagsabi kay Jean tungkol sa kanilang relasyon.

Katatapos pa lang ng Ako Si Kim Samsoon, pero magkasama ulitsina Jennica at Mart bilang magka-love team sa bagong fantaserye ng GMA-7, ang Gagambino,na magsisimula na sa October 20.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN