PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cum laude-board passer gets apology from girl who ghosted him

“Thank you for ghosting me, Engineer na ako ngayon."
by Bernie V. Franco
Published May 6, 2023
Bench Lee Abadilla graduation
“I understand kasi her side. Need niya ng attention na hindi ko maibigay kasi nakababad ako sa studies all the time," explains Bench Lee Abadilla, about a girl who ghosted him last year. Bench still managed to graduate as cum laude and recently passed the board exam.
PHOTO/S: Bench Lee Abadilla

Na-ghost, naging cum laude, at pumasa sa board exam.

Ito ang nakakaaliw na kuwento ni Bench Lee Abadilla, 23, isang engineering graduate mula sa Cebu City.

Naging sawi man si Bench sa pag-ibig, sinuwerte naman siya sa kanyang pag-aaral.

Agaw-eksena ang dalawang Facebook posts ni Bench na electrical engineering graduate mula sa Cebu Institute of Technology-University.

Ang una ay noong July 23, 2022, matapos niyang mag-graduate sa college bilang cum laude.

Post ni Bench: “To the girl who ghosted me and said, ‘Bantay ug dika ma Cum Laude anang sigeg study nimo ha [Let’s see if you can be a Cum Laude for being so studious]’ This is for you.”

Kalakip ng post ni Bench ay ang kanyang graduation photo at suot ang kanyang medal sa pagiging cum laude.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pangalawang FB post ni Bench ay nito lamang May 3, 2022.

Aniya: “Thank you for ghosting me, Engineer na ako ngayon. -- Engr. Bench Lee Abadilla, Cum Laude”

Kasama kasi sa board passers si Bench sa kalalabas lang na resulta ng April 2023 Registered Electrical Engineer Licensure Examination.

BENCH’S HEARTBREAK; GIRL SAYS SORRY

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bench via messaging nitong May 5, 2023.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dito ibinahagi ni Bench kung paano siya na-ghost ng babaeng kanyang tinatangi.

“Upcoming 4th year po ako nung nalaman ko na puwede pa mag-cum laude yung grades ko. Binuhos ko na lahat ng attention ko dun,” ani Bench na aminadong achiever.

Dahil dito, nahati ang oras ni Bench sa babaeng nililigawan niya. Inilaan ni Bench ang maraming oras sa pag-aaral.

Isang araw, bigla na lang hindi nagparamdam kay Bench ang nililigawan. Na-ghost ang binata.

Pero wala na raw sama ng loob si Bench ngayon.

“I understand kasi her side. Need niya ng attention na hindi ko maibigay kasi nakababad ako sa studies all the time.”

Buhos din sa pagre-review si Bench sa CEERS Review Center para sa board.

Nagbunga naman ang pagsusumikap niya dahil isa na siyang licensed electrical engineer ngayon.

Sinabi rin ni Bench na hindi sila naging magkaibigan ng babae.

“Okey lang naman. Yung goals ko talaga yung nasa isip ko. Kasama naman siya nun, kaso gusto niya kasi marami ako time sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero pagbubunyag ni Bench, muling nagparamdam ang babae sa kanya, May 4, 2023, matapos lumabas ang resulta ng board exam at nakapasa si Bench.

“Nag-congrats siya hahaha,” mensahe ni Bench.

Ngayong Biyernes, May 5, ipinost ni Bench ang messages sa kanya ng babae.

Translation nito: “Congrats, Bench! Sorry kung na-feel mo na na-ghost kita. Ginawa ko lang yun para maka-focus ka.”

Bench Lee Abadilla medal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano naman ang natutunan ni Bench pagdating sa pag-ibig at pag-aaral?

“Pwede naman pagsabayin. May kilala kasi ako parehas pa sila cum laude.

“Depende lang sa kanila if nagkakaunawaan kayong dalawa. At siguro if kayo talaga para sa isa't isa or yung nakatadhana.”

Ang tip naman niya sa mga nagre-review, mag-focus sa pagre-review at huwag magpa-distract.

"Di naman sa anti-love ako pero if pwede focus kayo to the max sa review, lalo na sa engineering.

"Di kasi puwedeng one month lang or short span lang yung review.

"Sabihan niyo muna jowa niyo na pause muna kayo, 'tapos balik lang kaagad pagkatapos ng board exam.

"Or if puwede chat-chat lang, ganun. FOCUS and PRAY po. Ito yung sandata ko."

Ano ang susunod na career plans ni Bench?

“Relax po muna ako for one month or a week. Indulge ko self ko sa technical trainings and hunger for learnings na din to become the better version of myself.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“I understand kasi her side. Need niya ng attention na hindi ko maibigay kasi nakababad ako sa studies all the time," explains Bench Lee Abadilla, about a girl who ghosted him last year. Bench still managed to graduate as cum laude and recently passed the board exam.
PHOTO/S: Bench Lee Abadilla
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results